Radio Interview with Ka Jo Taruc and Milky Rigonan on DZRH, “Damdaming Bayan”

Joe Taruc: Bongbong Marcos, Jr., hello Senator Marcos magandang umaga po.

Sen. Bongbong: Good morning po.

Taruc: Senator, dere-deretso na agad tayo sa ating mga katarungan. Wala na po ba talagang pag asa na maihabol before June 10 itong BBL dyan sa senado?

 Sen. Bongbong: Hindi na kaya, hindi na kakayanin dahil pagkatapos ng hearing process at pagdinig sa mga iba’t ibang stakeholders, eh hindi pa naming nasisimulan ang pagsulat ng committee report. Pati na rin yung Substitute Bill na ibibigay natin sa mga ibang senador para pag-aralan… eh napaka komplikado at napaka haba ng BBL, hindi makukuha sa tatlong araw yan kaya’t siguro ang mangyayari ay magbabago ang schedule at pag aaralan na lang ng mga senador yung mga proposed na amendments pagbalik sa July 27, pagbalik sa session.

Taruc: Meron kayong sinasabi na meron kayong inihandang substitute bill para dito sa BBL.

Sen. Bongbong: Dahil maraming kailangang palitan at maraming kailangang ayusin kaya’t sa dinami non, at kagaya ng sinabi ko, komplikado kasi yun at bawat probisyon na papalitan ay apektado yung mga ibang probisyon kaya kailangan ay ayusin din yon. Dahil dun ay hindi kakayanin sa tatlong araw lamang at hindi kakayanin lamang sa mga iilang amendments dahil kailangan talagang pagurin kahit na yung konsepto na. Dahil yung constitutional infirmities, eh malalaking bagay yun eh kahit na yung mga assumptions na ginawa kahit na yung mga prinsipyo na sinusundan, ay kailangan pag-aralan ulit at amyendahan kaya’t medyo palagay ko ang mas mainam gawin ay imbis na pilitin natin tong draft BBL, eh gawin na natin yung magandang version at yan ang iharap natin sa senado.

Taruc: Senator Bongbong wala naman po ba kayong naramdamang pressure mula sa inyong mga kasama sa mayorya at mula dyan sa liderato ng senado kaugnay ng pagpapabilis ng pagpapatibay ng BBL o pag rereport out agad ng inyong committee ukol dito?

Sen. Bongbong: Syempre merong mga nagtatanong “Ano bang mangyayari? Hindi ba kakayanin ng June 10?” pero sinasagot ko naman lahat at sinasabi ko at pinapakita ko itong schedule namin eh wala naman pwedeng tanggalin dyan. Kailangan kasi… ito’y napaka komplikado at napaka importante at naaapektuhan ang buong bansa tungkol dito sa BBL, kailangan natin ay talagang pag-aralan mabuti kaya’t yung mga pangamba ng ating mga ibang kasama na sinasabi na baka ipa-railroad at (…) ang BBL sa senado ay sinasabi ko sa kanila “asahan po ninyo na hindi ako papayag na i-railroad ang BBL sa committee ko, hindi ako papayag nag imamadali ito. Asahan po ninyo na gagawin ko po ang tama at hindi naman basta tama yung ating ginagawa kung hindi tayo natatakot sa kung anong pressure na dadalhin sa atin.

Milky Rigonan: Alam mo Senator Bongbong marami din ang humanga sa’yo dahil hindi ka nagpapadala sa pressure ng Malacañang. Unang una pati mga kasamahan mo dyan sa senado. Ilang porsyento po ang magbabago doon sa original draft bill kumpara dito sa isusumite mong substitute bill?

Sen. Bongbong: Well mahirap mang sabihin dahil hindi pa namin nagagawa ang porsyento pero kung anong porsyento ang magbabago, pero ang masasabi ko, kahit yung mga sa mga simula, yung mga basic palang. Halimbawa yung kailangan naming titignan, kung yung dapat gawin ay hindi gumawa ang BBL ng Bangsamoro Territory kundi amyendahan na lang natin ang batas ng ARMM. So isang malaking ano yun… kung gagawin namin yun, marami talagang mapapalitan. Kailangan din nating tignan yung sinasabi sa Bangsamoro, ang may-ari ng lahat ng natural resources na nasa loob ng Bangsamoro. Eh sa konstitusyon sinasabi, maliwanag na maliwanag, lahat ng natural resources na nasa Pilipinas, ang may-ari ay ang republika at yun ay kailangan ding palitan. Pati yung mga power generation eh kailangan ding palitan. Hindi lamang sa constitutional amendments ang magiging pagpalit. Meron din kaming gagawin mga pagpalit doon nga, halimbawa yung inapprove sa House of Representatives na binago ang mga listahan ng mga area na ipeplebesito, eh palagay ko ay kailangan nating balikan at tignan natin kung bakit nadagdagan yung listahan ng probinsya, ng lungsod, at saka ng bayan pati barangay kung saan magkakaroon ng plebesito. Yung hearing nga namin kahapon, marami doon sa mga biglang nasama na LGU ay nandun kahapon, sinasabi “suportado namin yung BBL pero bakit niyo kami sinama?! Hindi naman kami kasama sa usapan dyan.” Kaya naman hanggang Palawan eh sinama na mag peplebesito kaya naman nakakapagtaka kung ano nangyari doon kaya’t eto ay gagagawin naming masisinsinang pag-aaral tungkol dito dahil hindi namin mamadali at talagang detalyado ang magiging pagsusuri dito sa draft BBL para maging maganda ang version ng senado.

Taruc: Kahapon po meron kayong babala na kapag pinagtibay ang BBL sa kasalukuyang porma. Sa halip na kapayapaan eh magugulo ang ating bayan.

Sen. Bongbong: Palagay ko ganun ang ating opinyon, maliwanag na maliwanag sa mga hearing, ang nangyari kasi, ay simple lang, ang OPAPP nakipagusap sa mga commander lang ng MILF, wala nang kinausap na kahit sino, walang kinausap na LGU, walang kinausap na mayor, na gobernador na nasa loob ng ARMM, walang kinausap sa MNLF, walang kinausap sa mga sultanate, walang kinausap sa mga grupong Kristiyano, hindi kinausap ang military, hindi kinausap ang Judiciary. Sila-sila lang ang nag-usap kaya nung nabigay na yung BBL lumitaw ngayon lahat itong mga isyu na galing sa iba’t-ibang mga, eh mga stakeholder ito, sila ang, magiging… itong yung magiging buhay nila eh kapag napasa na yung BBL. Diretsa nang lumabas ngayon at iyon ang mga nagiging isyu at eh kailangan na kahit baliktad sa kanilang sinasabi, sa kasalukuyang porma ng BBL, sa kasalukuyang version ng BBL, magkakagulo lang dahil hindi nga nakakausap ang mga iba’t ibang stakeholder hindi naman sumasangayon, sa mga ibat ibang provision eh lalabanan nila ngayon iyan eh di ganun din. So wala na naman tayong, wala tayong nagawa, hindi natin makakamtan yung kapayapaan na ating/ aming sinundan/sinasabi na itong proseso ay para sa kapayapaan ay imbis na iyon ang abutin natin ay darating lang tayo , mauuwi lang sa gulo eh dapat nga ay, kaya namin tinitiyak na maayos ang magiging version na iaapprove namin.

Taruc: So definitely Sen. Bongbong, hindi na makakasama or mapapasama sa SONA ng Pangulo ito pong BBL

Sen. Bongbong: Well, malamang ay hindi ko alam kung ano yung kanyang ibabanggit pero hindi matatapos ito by next week dahil ang naiiwan na lang samin na session day eh tatlo at saka pagkatapos ng June 11 ay kami magadjourn na, pagkatapos magadjournment ay lahat ng senador ay pupunta sa recess na. So ang akin naman, ang gagawin ko na lang, ay gagamitin ko yung recess yung panahon hanggang pagbalik, ay gagamitin ko para isulat na yung committee report. Tapos, isulat na din yung substitute bill na isasama ko sa committee report.

Rigonan: Sen. Marcos, so hindi na po natin tinitignan dito, as far as the Senate is concerned yung June deadline, tingin niyo po kailan mapagtitibay ang bersiyon ninyo dyan sa Senado.

Sen. Bongbong: Palagay ko masisimulan namin kagaya ng sabi ko matatapos itong committee report saka substitute bill during the recess, habang, matapos na kahit recess pa ay bibigyan ko na ng kopya lahat ng senador para pagbalik nga namin ay umpisahan namin tignan ang line by line, provision by provision yung draft bbl para ayusin na namin at magawan na namin ng remedyo lahat ng mga nakikita naming problema. So hindi ko masasabi kung gaano katagal yung magiging proseso na iyon dahil hindi lang ako ang involved dito kung hindi lahat na ng buong Senado at pagkatapos noon ay dadalhin pa iyan sa plenary, magdedebate pa kami sa floor, dahil yung version ng committee dadalhin sa floor para madebate in open session.

Taruc: Mr. Senator medyo masyadong matindi yung topic natin ano? puwede po bang gaanan lang natin ng kaunti?

Sen. Bongbong: (laughs), of course, of course

Rigonan: Mukhang alam niyo na senator ah

Sen. Bongbong: Sure thing at habang maaga pa

Taruc: Sen. Bonbong, maski noon pa ano ay talagang napapabalita yung inyong relasyon ni Sen. Grace Poe at alam naman namin na maganda ang inyong relasyon sa senadora sa kanyang pagupo bilang kagawad ng senado ano. Ngayon ang aming itatanong sa inyo noong inyong kabataan, kahit na ano po bang bagay tunkol dito walang mabanggit ang inyong butihing ina at butihing ama, Senator.

Sen. Bongbong: (Laughs). Oo nga eh nagkalat yung tsismis na iyan nagsimula iyan nung kampanya nung 2013 election eh alam niyo naman na noong una siyang dumating, si Sen. Grace Poe, nung unang dumating sa senado ay binibiro ko nga siya, “Naku pambihira naman itong mga tsismis na ito” at ah medyo sabi namin nung una medyo naiinis pa kami, bakit naman ganyan, may pagkabeing friendly itong mga taong ito pero nauwi sa tawanan na lang eh bigla nasabi namin eh “tsinitsismis na tayo eh icareer na natin” kaya ang tawagan namin, ang tawag ko sa kanya sa Senado ay “Sis” at tawag naman niya sakin ay “Kuya”. Kaya bahala na yung mga tsismoso dyan kung anong gusto nila sabihin tungkol sakin.

Taruc: Kaya mas lalong lumala yung tsismis ano? (laughs)

Rigonan: Yun yung tawagan nila

Sen. Bongbong: Pero ano pang gagawin mo eh imbis na magalit ka eh di tawanan mo na lang eh wala naman kabuluhan yung mga ganyan klaseng sabat.

Rigonan: Oo, sabi mo nga kahapon sa Senado Sen. Marcos eh matagal na ito, it’s an urban legend, ngayon categorical statement kasi, maraming nakikinig para tapusin na natin lahat, hindi po kayo magkapatid ni Sen. Grace Poe.

Sen. Bongbong: Hindi ko…. hindi kami magkapatid, kami ay naging matalik na kaibigan pero wala kaming blood relation ni Sen. Grace at ah I think na papano man nangyari ang lahat na ito at ah kapag titignan natin ang mga record eh ang layo naman ng pinanggalingan ng aming mga buhay at nagkita kita lang kami dito sa senado.

Taruc: Wala kayang pagkakataon na dumating ang araw ano na magkasama kayo sa larangan ng pulitika senator?

Sen. Bongbong: Ay alam mo naman ang pulitika kahit na ano maaaring mangyari, never say never. Iyan ang lagi kong sinasabi tungkol sa pulitika lalo na dito sa Pilipinas, never say never lahat ay maaaring mangyari.

Rigonan: At sa 2016, may mangyayari po ba, ano ang tatakbuhan natin posisyon Sen. Bongbong.

Sen. Bongbong: Well, uh, titignan natin, titignan natin ang sitwasyon, I’m very upset kagaya ng nakikita ng lahat dahil the political situation is still volatile, dahil nag-developing pa rin, sa palagay ko maraming pang magbabago, sa palagay ko marami pang lilinaw, iyan ang pagmasdan na lang natin kung ano ang lugar natin dyan sa sitwasyon na iyan.

Taruc: Maraming salamat po Sen. Bongbong

Rigonan: Magandang umaga Senator!

Sen. Bongbong: Magandang umaga din sa inyo. Maraming salamat at Magandang umaga po sa inyong lahat.

Back to Blog