Radio interview with Deo Macalba and Karen Oyon of DZRH

Deo Macalma: Nasa ating linya po si Senator Bongbong Marcos. Senator Marcos, sir, magandang umaga po. Naimbag a bigat, Senador.

Sen. Bongbong: Naimbag a bigat. Good morning sa lahat ng nakikinig.

Deo: Matapos po ang iyong privilege speech sa Senado, sinasabi niyo sa pangulo na dapat palitan na si General Alan Purisima. Ang sagot po ng Malacanang kahapon, ni Secretary Lacierda, “Leave Purisima alone.” Ano reaction niyo, Mr. Senator?

Sen. Bongbong: Ang sagot ko diyan, “Anong leave Purisima alone. He’s responsible. He’s facing charges of graft and corruption. He is answerable to the families of the SAF 44. Kung ano ung ginawa niya sa kapalpakan sa Oplan Exodus kaya napatay ang apat-na-pu’t apat na pulis sa Mamasapano. Bukod pa roon, ung kanyang pagkapit-tuko sa kanyang rangko na four-star general, ay nagiging sagabal sa command structure ng PNP. Bakit sinasabi ng Palasyo na walang pananagutan si General Purisima? Maraming alegasyon sa kanya. Kailangan niyang sagutin lahat yan. Hindi lang sa Mamasapano at hindi lamang sa usurpation of authority dahil alam niya ung plano nung suspendido siya doon sa Mamasapano incident. At pangatlo, ung kaso niya sa Ombudsman ng graft and corruption. Kailangan niya sagutin lahat yun. Ano, parang walang nangyari nalang, at dahan dahan, tahimik, na ibabalik siya sa serbisyo? At pagbalik niya, gagawin siyang chief PNP ulit? Paano yan? Tama bay an? Ang hinihingi satin ng SAF 44 families ay hindi benipisyo, hindi pera, hindi kahit na ano pang binibigay ng gobyerno, kung hindi katarungan. Paano natin sasabihin na nagbigay tayo ng katarungan na ung isa sa pinaka-iresponsable sa pagkamatay ng kanilang ama, kapatid, anak, ay walang pananagutan? No, we cannot leave him alone.He has to answer these questions. He has to answer these allegations.

Deo: Kahapon po, Senator, dapat papasok po si General Purisima pero instead na pumasok po, after ng suspension, siya po ay nag leave of absence. Hindi po ba kayo kontento sa kanyang bakasyon kaysa mag-resign, Senator Marcos?

Sen. Bongbong: Well, sa tingin ko nga kasi, ang nagiging problema diyan ay unang una, … 3:28 lumabas ang issue na ito kaya kinakatakutan na pagbalik niya sa active service, hawak pa niya ang four star general niya, ay baka ibalik siya sa chief PNP. Ngayon na sabi na nag leave of absence siya, dapat niya sagutin ung charge sa kanya tungkol sa kasong plunder at sa graft and corruption. Kung sa kanyang involvement na kahit suspendido siya, bakit hindi siya kinasuhan ng usurpation of authority? Sa palagay ko, siya ang nagiging harang sa pag appoint ng permanent na chief PNP. Sa Kongreso, nakikita ko, naga-appropriate tayo ng malaking pondo para pagandahin ang ating kapulisan. Binibigyan natin sila ng baong equipment, bumili tayo ng maraming bagong baril, nagkakaroon sila ng bagong training para maging modern at efficient ang ating kapulisan. Pero lahat yan, walang pupuntahan kapag ang command structure ay hindi maliwanag. Malabo kung sino ba talaga ang komander. Kailangan maayos yan para talagang maramdaman natin lahat ng ating ginagawang tulong sa kapulisan na maging mas ramdam sa buhay ng ating mga kababayan.

Karen Oyong: Senator Bongbong, nabanggit niyo po na after ng suspension ni General Purisima, parang wala po tayong naririnig na balita tungkol sa mga kaso na kanya pong kinahaharap. Sa inyo pong palagay, ano po ba ang dapat nating gawin kung ang mismo ang Palasyo ng Malacanang parang wala na po masyadong ginagawa tungkol po dito?

Sen. Bongbong: Wala naman po kaming masagot sa taong bayan na nagtatanong tungkol dito. Wala po kaming masagot sa SAF 44 families na humihingi ng katarungan. Paano natin sasabihin that they have felt the injustice in this case with their fallen family member. Kailangan talaga natin maging maliwanag kung talaga ba tayo ay seryoso na tinatawag nating bayani ang SAF44. Kailangan talaga nating seryosohin kung ano ba talaga ang nangyari. Kasi hanggang ngayon, may mga kwestyon parin na hindi nasasagot tungkol sa Oplan Exodus kaya nagkaroon ng Mamasapano massacre. Suspendido siya nung nabibigay siya ng order. Sinasabi niya, suggestion. Maliwanag na ang mga nasa ilalim sa kanya, ang tatro ng mga sinasabi niya ay hindi suggestion. Ayun ay order na sinundan nila. That is a violation of his suspension order. Lahat ay kailangan niyang sagutin. Hindi naman maari na basta’t itatahimik nalang parang wala nangyari. Kawawa naman an gating mga families. Tinatanong ng tao kung ano nangyari dito at sino ang mananagutan sa trahedyang ito.

Deo: Senator, isa pang mainit na isyu ang BBL. Tapos na po ba ang isinasagawang public hearing at talagang ito ba ay hindi maipapasa hanggang sa deadline na tinakda po ng Pangulong Aquino ng Malacanang?

Sen. Bongbong: Well, hindi na.Tapos na kami at maga-adjourn na kami today. Last day ng session today. Pero natapos na naming ang proseso ng pagdinig. Ung last hearing namin ay nung isang araw, last Tuesday. At ngayon, sisimulan naming ang proseso sa Senado na pagsulat ng committee report para mareport naming ang findings ng committees. At kasabay na roon ang pag lista ng mga amendments na kailangan na sa palagay ng committee ay kailangan gawin para maging maayos ang BBL. At itong mga suggested amendments, ang gagawin dito ay, pagkatapos ng SONA, which is July 27, pagbalik namin, sisimulan na naming isa-isahin ang bawat provision para pag-aralan talaga ng mabuti kung ano ang pagkukulang, kung ano ang pagkakamali, at kung ano ang gagawin para magkaroon ng remedyo doon sa mga problemang iyon. So that will be based on that list of amendments, based on the changes of the draft BBL. Kaya nasabi ko nga, na sa daming proposed amendments na pinaguusapan, ay dapat siguro magkaroon ng substitute bill.

Karen: Speaking of that substitute bill, Senator Marcos, pakilinaw lamang po. Ibig sabihin po nito, i-scratch po ba natin altogether ung unang draft na binuo po ng OPAPP at sa pagunayan po ng MILF with the Malaysian government as our third party? Gagawa po ba tayo ng panibago or yun nga lang po, may mga amendments lang po at ito rin ang gagamitin natin?

Sen. Bongbong: Ang sinasabi sa substitute bill, ay halimbawa, ang isang proposed na batas ay papalitan ng maling spelling, papalitan ung comma. Ang maliit lang na pagbabago ay amendment lang yun. Pag marami masyadong amendment, kailangan isulat ulit. Hindi naman sinasabi na parang binalewala ung draft BBL. Yan parin ang pinagbabasihan ng lahat ng usapan. Lahat ng diskusyon ay pinagbabasihan ang draft BBL. Sasabihin, “This provision concerning the police,” for example, ano gagawin natin diyan? Kung lahat ng probisyon, gagalawin namin, ay kailangan namin ayusin. Hindi lang pwede ang isang tuldok lang dito, isang salita diyan. Kung marami masyadong pagbabago, then you have to, hindi naman rewrite, pero kailangan ayusin mo ng mabuti. So ibig sabihn, ang pinagbasihan parin ay ang draft BBL. Sa dami nang papalitan, sa dami nang idadagdag, kaya ito tinatawag na substitute bill. Kaya nagtataka ako kung bakit naga-alala ang ibang tao kung bakit daw substitute bill. Ung Palace version, na ibinigay sa House of Representatives, ay substitute bill din yun, dahil ipinapalitan nila ang draft BBL doon sa Palace version na in-approve ng ad hoc committee ng House of Representatives. Ganun lang talaga ang proseso and it’s just a sense of terminology. Hindi ibig sabihin na tinapon namin ang draft BBL at gumawa nalang kami ng bago. Ang nangyari, ay titignan namin ang draft BBL,on the basis of that, titignan namin kung ano ang kailangan ng amendment. Kung napakarami na ng amendment, siguro, isulat ulit at gumawa ng substitute bill. Ganyan ang proseso.

Deo: Sa inyong pagaaral, Senator Marcos, sa BBL at binabanas niyong substitute bill, pwede niyo pa ako bigyan ng top three major issues na kailangan baguhin dito sa BBL?

Sen. Bongbong: Number one, ang constitutional bodies: COA, COMELEC, Civil Service, ung Ombudsman’s Office, ung Human Rights Commission. Yun ay constitutional bodies ginagawa sa BBL ng sarili ang Bangsamoro government. Hindi maari yun. Dahil constitutional bodies un at hindi pwedeng bawasan ang kanilang powers and functions. Kaya yun ang kailangan nating ayusin. Ang isa pang madalas na pinaguusapan ay ung sa Bangsamoro Police at sa Bangsamoro Armed Forces. Kailangan maging maliwanag na maliwanag sa magiging version na ipapasa namin na ito’y sumasailalim sa central office sa Manila. Kumbaga, ang bawat Bangsamoro police ay sumasailalim parin sa Crame, sa Chief PNP. Kung may utos ang komander ng PNP sa Bangsamoro police, yan ang masusundan at hindi ung sino-sino pa. Ganun din ang AFP na nagsasabi na may permiso pa bago makapasok sa Bangsamoro territory. Ang sinasabi ng AFP na hindi maari yun dahil ang konstitusyon nagsasabi na sila, ang Armed Forces of the Philippines, ang tagapagtanggol ng kapayapaan ng buong Pilipinas. Sila ang dapat makapunta kahit saan may mga gulo. Pangatlo, ang iba’t ibang probisyon na pinapayagan ang Bangsamoro Parliament na i-override o palitan ang batas na pumasa na sa Kongreso. May mga example na sinasabi, kung gusto ng Bangsamoro Parliament baguhin ang powers na binibigay ng isang batas ng napasa sa Kongreso, ay maari raw nilang gawin yun. Hindi pwede yun. Ibig sabihin, ang Bangsamoro parliament ay pantay na ng Kongreso ng Republika, at hindi maaring gawin yun. Parang sinasabi natin, ung isang sangguniang panlalawigan hindi kailangan sundan ang batas ng Pilipinas, kung hindi gagawa sila ng sarili nila. Alam naman natin na hindi maari gawin un.

Karen: Senator Bongbong, ung mga very good points na yan, marami po ang nagkokomento na ito’y matuloy at hindi ma-amend, hindi mapansin, at makalusot po para mag secede ang mga probinsya dito sa Mindanao. Do you think that is accurate, sir?

Sen. Bongbong: I don’t know if it’s accurate. I think what raised that concern is the fact that the organic law ng ARMM, meron nakalagay doon na hindi gagamitin ng ARMM na paraan para ihiwalay ang ARMM sa Republika ng Pilipinas. Nakasulat doon na nananatili sila’y mamayamang Pilipino and that they continue to pledge allegiance to the flag and the Republic of the Philippines. Yang mga provision na yan ay nawala sa draft BBL. At nung aming dinidiscuss ng MILF at OPAPP, ang sinasabi namin ay maraming natatakot na itong BBL ay unang hakbang para sa paghiwalay. Bakit hindi natin ibalik ung mga probisyon na yun para hindi na ito ina-alala ng taong bayan? Kailangan naman daw magtiwala sa MILF. They have to trust the MILF. Parang insulto daw pag di nagtiwala. Bakit daw kailangan ibalik yun? Ang sagot ko naman sakanila, “Malaki ang tiwala namin kay Chairman Iqbal at Chairman Murad, pero ang mga susunod sakanila, hindi natin alam ang kanilang iniisip at hindi natin alam ang kanilang gagawin. Kaya mabuti na ang maliwanag para sino man ang nakaupo sa MILF o sino man nakaupo sa Bangsamoro government, ay hindi na iisipin gamitin ang Bangsamoro government upang humiwalay ang Bangsamoro sa Pilipinas.

Deo: Nakipagpulong kayo noong isang araw sa mga leaders ng Northern Luzon Alliance, ung tinaguriang Solid North. Ano po ang pinagusapan niyo at ang reaction nila sa balita na ikaw ay tatakbo sa 2016?

Sen. Bongbong: Natutuwa nga dahil itong grupo ay tawag … 16.55. Syempre, ako ang nagpapasalamat sa kanilang pagpupunta at sinasasabi sakin may kumpyansa sa aking kakayahan, at sila ang nagsasabi na dapat tumakbo ako bilang pangulo. Sinasabi ko pa na tinitignan pa natin ang sitwasyon ngayon dahil politics is very volatile, lalo na dito sa Pilipinas, at pabago bago ng sitwasyon. Napagusapan niyo, before I came on, ung sitwasyon sa posisyon. Noon, six months ago, maliwanag na maliwanag kung sino ang mga malalakas. Si Vice President Binay ang nagiging pangalan. Pero bago ngayon. Sa kabilang panig, ang pangulo noon ay sixty, seventy percent ang approval rating. Ngayon, hindi na. Makikita natin na napakalaki ang pagbabago sa nakaraang ilang buwan. Sa ngayon, hindi natin malalaman ang magiging political situation sa Oktubre. Hayaan nating magdevelop yan. Palagay ko, marami pa ang mangyayari. Marami pang ang lilitaw na pangalan na sa ngayon hindi pa pinaparinig. Tignan natin kung ano ba talaga ang nangyayari para makapag desisyon ng mabuti.

Deo: Ang suggestion ba ng mga … 18.25 sa Solid North ay tumakbo kayo sa 2016, Senator Marcos?

Sen. Bongbong: Well, sinasabi nila na tumakbo ako sa 2016 bilang pangulo at sinabi sa Tampulong sila ay suportado at pinaalala ko sakanila, sa traditional Ilocano areas: Region 1, Region 2, CAR, at mga ibang region na may Ilocano, na “Ang Ilocano mo ay hindi sa North nalang, kung hindi, kagaya ng ugali mong sa kultura ng Ilocano, tayo ay nakakalat na saan saan sa Pilipinas, even internationally.” Kaya bago na ang dapat kong i-sosolidify natin ang Ilocano vote. Yun talaga ang pinagusapan namin. Kasi mula ng ’86, hindi na nabuo ang Ilocano vote until 2010 noong tumakbo akong senador. Kailangan buo ang Ilocano vote para maramdaman naman ang boses ng Ilocano sa national election. At sa palagay ko, ito’y malaking tulong kung sino man ang susuportahan natin, kung sino man ang kasama natin, ay napakalaking bagay na masasabi natin na buo ang Ilocano vote, at ang Ilocano vote ay sumosuporta sa mga ginagawa ng partido ng individual para matibay at malakas ang boses natin sa darating na halalan.

Karen: Senator Bongbong Marcos, kayo ba, tulad ng ibang pulitiko diyan, mahilig magikot-ikot kung saan saang mga probinsya. Ang sabi nila, nakikipulso lang sila, kung dapat ba sila tumakbo sa kung ano mang posisyon. Kayo po ba, Senator Marcos, are you also doing the same?

Sen. Bongbong: Well, I’ve never stopped going around because I am the chairman of the Committee on Local Government. Kailangan ko puntahan ang mga local government para makita kung ano ang mga isyu nila, kung ano dapat ang mga dapat ayusin kung ano ang mga problema. At kailangan ko sila kausapin, makipagugnay… 20.44 Pangalawa, I’m also the chairman of the Committee on Public Works and Infrastructure kaya tinitignan ko ang mga works. Hindi naman natigil ang pagikot dahil kasama sa trabaho ko. Lalo na, I’ve been in the Committee on Local Government since 2010, mula binigay sakin ang chairmanship, hindi ko tinigil ang pagiikot dahil maraming mga problemang lumilitaw. Ilang punta mo, makikiusap ka sa mga governors, sa mga mayors, para malaman talaga kung ano sa palagay nila ang dapat gawin. Kung sa national government hindi nauunawaan, tatakbo sa local government. Kailangan puntahan mo talaga. Go to the source para malaman talaga kung ano ba ng katotohanan.

Deo: Maugong po ang balita na si Senator Grace Poe, ang sinasabing kapatid niyo raw, ay tatakbong Presidente.

Sen. Bongbong: Hindi natin malalaman what the future will bring. Natatawa nga kami dahil sa balitang yan. Nagsimula yan nung 2013 na campaign noong tumatakbo siyang senador. Nung nagkita nga kami, una siyang pumasok bilang senador, after the election, pinuntahan ko siya kaagad at sinabi kong, “Pambihira naman itong tsinitsismis sa atin na tayo’y magkakapatid. Kung ano ano lumalabas. Kaya …22.31” Kaya tawag ko sa kanya “sis” at ang tawag niya sa akin, “kuya.” Imbes na mainis o magalit, tinatawanan nalang namin dahil yan ay tsismis lamang. Siguro may mga nagiinuman minsan at nagpapagandahan ng kwento at yan ang lumabas.

Karen: Wala po ba kayong advice na ibibigay kay Senator Grace Poe? Alam naman po natin na mas senior kayo pagdating po sa pagserbisyo sa publiko

Sen. Bongbong: Si Senator Grace does not need my advice. She knows what to do. She’s a very sensible person. Siya naman ay intelehenteng tao. At nakikita natin na siya ay nakakaunawa. Sanay naman siya siguro to be in the public life. Siya ay inampon ng sikat na artista na si FPJ tsaka Susan Roces. Sanay siya sa publiko. Alam niya ang dapat gawin. And I think she will do what is right for herself and what is right for the country, whatever the decision might be.

Deo: Itong mga Ilocano sa Mindanao, pakita naman kay Senator Bongbong kung kailan siya magdesisyon na tatakbong president para makapaghanda mga Ilocana sa Mindanao, sabi rito.

Sen. Bongbong: Hindi magalala. Kahit ano mangyari lagi ako nakikipagugnay. At iimpormahan ko kayo lahat kung ano ang susunod kong gagawin. Malapit na dumating ang susunod na kabanata.

Deo: Isa nalang Senator. Ano po ang stand niyo sa mainit na isyu parin na Anti-Political Dynasty Bill?

Sen. Bongbong: Well, para sa akin, depende kung ano ung final version na lalabas. Pero para sa akin, hindi ko pa nakikita kung ano pa gagawin to exclude a person from being a candidate dahil lang sa kanilang pangalan, dahil lang sa kanyang kamaganak. Titignan natin ang original version. This will exclude or disallow millions of Filipinos from running. Meron naman magandang mekanismo na anti-dynasty. Ang tawag diyan election. Marami naman tayong nakikita na matagal nang nasa pwesto or maraming kamaganak na nasa pwesto na nabiglang nabago dahil nagsawa na ang tao sa kanila. Kaya hindi naman sinasabi na basta’t nakaupo or very dominant ang isang pamilya sa isang lugar, sasabihin na hindi mababaliktad yan. Maraming beses na nakikita natin. The voting populace removes a longstanding political elected official from position dahil ayaw na nila. I think the people know who they want and who they should vote for. We should leave it to them. Kailangan talaga, kung tunay na demokrasya, we do not exclude anyone. Kahit sino pwede tumakbo. Nasa taong bayan na kung sino ang kanilang pipiliin. That is my view on the subject. Sinasabi kasi ang mayayaman lang at pare-pareho lang ang mga tumatakbo na nananalo. Well, understandable din yan. Halimbawa, ang sabi, “Mayaman naman, ang may pera lang ang may pagasang manalo. Palitan natin ang electoral system natin. Dahil doon ang problema, hindi sa mga dynasty, hindi sa mga dominanteng pamilya. Ang problema ay sa electoral system na nagpapabor sa pera, hindi sa boto ng tao. So there are other … 26.36 down to the barangay level. Makikita niyo naman ang may pamilya diyan, mga tao sa barangay na walang interest sa politika. Ung makikita mo, syempre yun ang mga interesado na sumasabak sa eleksyon. Yun ang mga lumalabas. Yun ang nagiging dynasty na tinatawag. But this is a phenomenon that happens everywhere else. Tignan natin ang maaring mangyari sa presidential election ng U.S. ay maglalaban ay Clinton at Bush nanaman. May political dynasty kahit saan ka pumunta. At ito ay natural siguro dahil, kagaya ng sabi ko, sa isang area, sa isang probinsiya, sa isang siyudad, meron talagang mga grupo. Sometimes there are families and sometimes there are different groups that are very interested in politics. Sila ang nagiging involved diyan at sila ang nagiging kandidato at kung sila ay nanalo at syempre, I think it’s a natural progression. I do not think that we should worry. I think kailangan natin bigyan at sabihin na may tiwala tayo sa pagpili ng taong bayan kung sino ang magiging leader nila. Let’s leave it to the people to decide.

Deo: Sa bagay, tama ka Mr. Senator, marami nang dynasty ang nawala: Espinosa sa Masbate, Imperial sa Albay, Alberto sa Catanduanes. Ayan ay iilan lamang sinasabing dynasty na nawala na. Isa na lamang po. Marami ang kumukumbinsi kay Pangulong Noynoy Aquino na baka daw pwede maging Mar Roxas, Noynoy Aquino sa 2016. Kung saka-sakali, willing ba kayo labanan ang Pangulo sa pagka Bise Presidente? Marcos vs. Aquino, Aquino vs. Marcos

Sen. Bongbong: Wala, wala. Ang aking pananaw diyan is, especially in Philippine politics, is kahit ano mangyari, mga hindi natin inakala mangyari, nangyayari. We never know. Never say never an gating attitude tungkol diyan. And kung ganun ang mangyayari, ganun ang mangyayari. Wala tayong magagawa at ipagpatuloy ko lang ang aking panindigan na dapat pagandahin ang ating bansa, ipatigilan natin ang pulitka, at balik tayo sa trabaho sa pagpaganda ng Pilipinas. At lalo na, tomorrow is Independence Day. Huwag natin makakalimutan that we must celebrate and remember the sacrifices of our heroes na buoin ang Republika ng Pilipinas. Huwag tayo papayag na ang pinagbuwisan ng kanilang dugo at kanilang buhay ay mawawala at mawawatak-watak.

Karen: Senator, panghabol po. Isa nalang po. Dahil break po ng Senado, saan po ba kayo magbabakasyon? Uuwi po ba kayo ng Ilocos? Magpapahinga po ba muna?

Sen. Bongbong: Hindi masyado. Kailangan na natin isulat ang committee report. Kailangan na isulat ung substitute bill, ung mga list, upper list, mga post amendments. At gusto kong tapusin yan during the recess. Syempre tuloy tuloy parin ang pag ugnay ko sa iba’t ibang sektor. Kagaya ng sabi ko, ang trabaho sa senado ay hindi natigil sa recess. Hindi ako aalis ng Pilipinas. Siguro for the next month, gawin namin at kung magkaroon ng pagkakataon, uuwi muna ako ng Ilocos, Lagi ko sinasabi un, hindi ko naman nagagawa. Marami masyado nag aantay dito sa Manila. As much as possible, I will try to finish the committee report and the substitute bill bago bumalik ang mga kongresista at mga senador sa July.

Deo: Senador Marcos, maraming salamat.

Sen. Bongbong: Thank you so much, Maraming salamat sa inyong lahat.

Back to Blog