Radio Interview with Fred Davis and Fred Winston of DWWW

Fred Davis: Magandang umaga Senator!

Sen. Bongbong: Good morning! Magandang umaga sa inyo, magandang umaga sa inyong mga nakikinig. Good morning po.

Davis: Good morning po. It’s an honor to have Senator Marcos sa DWWW.

Sen. Bongbong: it is my pleasure.

Davis: Ok, yung ating pakay po sa pagtawag, ay regarding sa BBL, ikaw po yung humarang nito sa Senado, eh. So, maraming listeners’ natin dito, nag papasalamat sayo, dahil sa paninindigan mo. So anong masasabi mop o diti ngayon?

Sen. Bongbong: Well unang-una, hindi ko naman hinaharang yung BBL at ako, yung ginawa ko lang, ginawa kong detalyado at mabusisi ang pag aaral sa BBL, at tiniyak ko lang na lahat ng stake holders, lahat ng mga maaapektohan ntong draft BBL ay napakinggan. Dahil kaya naman siguro masasabi natin na hindi basta pinilit ko, tiniyak ko na hindi mama-madali, hindi mare-railroad, tulad ng kinakatakutan ng iba nan a kababayan, tiniyak ko lang na hindi mangyayari ‘yon. Para maging kumpleto ang tinatawag na inclusive ang proseso ng kapayapaan na ating ginagawa para matapos na ang gulo sa Muslim Mindanao.

Davis; Marami po sa ating tagapakinig na matagal kana talagang marinig dito sa aming istasyon, pero… kaya nag papasalat kami sa opportunity na ito, na andito ka. Nakita kita Senator nung Governor kappa ng Ilocos Norte way back noong may KBP conference doon noong you where the keynote speaker.

Sen. Bongbong: Oo, matagal tagal na ata.

Davis: Matagal-tagal na ‘un, kaya itong sinasabi ko, itong si Governor Bongbong that time, malaki talaga ang future nito sa Philippine politics.

Sen. Bongbong: Maraming salamat, thank you very much.

Davis: So, marami ding sumasang ayon po sa mga ginagalaw niyo sa Senado ngayon, lalo na alam na natin, na medyoalam na antin umiinit na ang pulitika sa ating bansa. But before tayo pumunta doon po, itong paninidigan mo rin with regards, well if you have something to talked on later on yung plano mop o yung sabihin na nating Malacanang version. At tsaka ito pong panindigan mo, regarding kay General Allan Purisima, alam ko po maiinit ka dito, eh.

Sen. Bongbong: Well, ang nangyari dyan, unang una, unahin natin ang kay General Purisima. Marami kasi, madalas na nakaka usap na mga pamilya ng SAF 44 at silang nag sabi sa akin, eh papaano naman ‘yan. At siya’y maliwanang na maliwanag kasama siya doon sa plano, doon sa oplan exodus kung saan namatay ang 44 na SAF, may mga civilians pang casualty, mayroong MILF na casualty, at itong lahat ay nangyari dahil sa hindi magandang pag plano ni General Purisima doon sa olpan exodus at tsaka sa kanyang panghihimasok dyan kahit suspendido siya. Ngayon, eh papaano naman ‘yan, babalik nanaman siya sa serbisyo ng walang nangyari. Papaano yung katarungan para sa aming mga namatay na kapatid, na asawa, na ama. Ay papaano masasabi ng pamahalaan na may katarungan ang pamilya ng mga namatay na SAF 44. Kung ang architect ng oplan exodus ay wala namang nangyari, wala naming parusa, nakapag plano nga siya na suspendido, laman ng kanyang suspension order, pangalawa, hindi maganda ang kanyang ginawang plano pano nalang kung babalik siya sa serbisyo at kaya naman tumayo ako sa senado tat pinaalala ko sa lahat na wag naman nating kalimutan, kuwawa naman an gating mga SAF 44 na pamilya. Kung si General Purisima ay babalik dahan dahan, walang kaimik-imik eh babalik siya, eh baka ibalik pa siya ng Chief PNP pano nalang ‘yun, hindi naman ata tama ‘yun.

Davis: Senator, in relation to that ang aming komentaryo lagi ay itong pabalik na siya, diba tapos na ang suspension niya. He is supposed to go back to the service, though ang problema dito, siya lang ang nag iisang four-star general, kaya nagiging OIC lang ito si General Espina, pero babalik siya. Anong babalikan po niya?

Sen. Bongbog: ‘Yun na nga ang nagging tanong, dahil unang-una, wala tayong permanent PNP Chief. Kaya pinag suspetsyahan nga talaga na ibalik siya as Chief PNP pag balik niya pag baliksa acting servie, eh papaano naman ‘yan. Ngayon naka leave siya, pero naka bitin parin ngayon ang position ni Espina as OIC pero wala tayong permanent. Ay hindi naman maari ‘yun. May ruling sa PNP na siya lang ang four-star general, ang four-star general na ‘yan ay siyang Chief PNP. Hanggat may isang four star general na si Allan Purisima, hindi tayo makakagawa ng isa pang four-star general nag awing Chief PNP. Kya’t ang kinakatakutan ng iba, haggat hindi nawawala ang kanyan ranggo, ay ibabalik pa siya bilang Chief PNP. Hindi naman ata tama ‘yun, dahil may kaso siyan plunder, may kaso siya sa graft and corruction, may kaso siya sa pag violate ng suspension order ng Ombudsman at wala pa siyang pananagutan dito sa Oplan Exodus, para sa lahat ng bagay na ’un, maawa naman siya sa mga pulis, maawa naman siya sa mga pamilya ng SAF 44 at sagutin na muna niya ang mga charges agains him, both administrative and criminal. Maawa naman siya sa PNP para maging maayos na ang command structure ng PNP. Kung talagang minamahal niya ang kapulisan, ang pinaka maganda, umalis na siya sa, humiwalay na siya sa serbisyo. Para ma re organize nang mabuti ang PNP. Ang PNP lahat ng maaari naming gawin bago binibigyan namin ng gamit, equipment, training, lahat ay ginagawa para maging maganda ang PNP natin. Pero dahil nga dito sa sitwasyon kay General Purisima, hindi nila magawa ang command structure ng mabuti, na final at tsaka permanent. Kaya yan an gaming pinag usapan.

Davis: Senator Bongbong, when mangyari po ang kinakatakutan natin na e re-instate natin siya, anong magawa po ng kongreso o particularly ng Senado po sa issue na ito?

Sen. Bongbong: Well syempre, alam mo ang mga legislators, mga congressman at mga senador, hindi lamang nag susulat ng batas kung hindi, may function kami na tinatawag na over-sight, nanng Makita ang mga batas ay talagang natutupad, na i-implement na mabuti. ‘Yan ang isa pa naming function, hindi lang legislative, kundi over-sight. Doon sa over-sight function na ‘yan, eh kung maliwanang na hindi nasusunod ang batas, pwede naming imbestigahan ‘yan. Dahil siguro, kung mangyari ‘yan na e re-instate si General Purisima, I will initiate an investigation para malaman kung anong nangyari sa kaso niya, para malaman kung anong nangyari sa paglabag sa suspension order niya. Anong mangyayari ngayo, anong pananagutan niya sa oplan exodus, lahat ‘yon sa ngayon ay wala pang resolution.

Fred Winston: Senator, si Fred Winston po ito. Good morning Senator!

Sen. Bongbong: Good morning!

Winston: Alam niyo po, palagay ko hindi nakakagulat sa inyo pagka maaraming nag sasabi na kahit hindi pa naming kayo naiinterview, sinusulong na nila ang iyong pag takbo as president ng Pilipinas. Sabi, dahil walang kaayusan sa ating gobyerno, dapat we need another Marcos to put order in things. Ano po ang reaksyon niyo dito? Na sinusulong kayong president ng Pilipinas.

Sen. Bongbong: Ako’y nag papasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa akin na nag sasabi, may kumpyansa sila sa aking kakayahan, kagaya din sa ating usapan, kagaya rin ng nakaraang lingo ito lang ang tina-trabaho bilang senador at yung mga usapan tungkol sa pulitika ay parang malayo pa dahil nag iiba ngayon ang sitwasyon ng pulitika dahil actually, mga ine year bago ang eleksyon ay maliwanag na kung sinong magiging kandidato, sinong malakas, etc., etc. Ngayon less than one year ay wala pa tayong nakikitang maliwanag dahil nag bago ang picture. Kung maalala ninyo, siguro mga 6 months ago, malakas na malakas ang approval rating ng pangulo at malakas na malakas din ang approval rating ng bise president at magiging maliwanag na may kandidato ang administrasyon, may magiging kalaban ay malamang si VP Jojo Binay. Ngayon ay nag bagong lahat ‘yan. Dahil ang approval rating ngayon ng administrasyon ay bumaba ng husto at medyo naapektuhan din ang bise president. Tapos marami nang mga kandidato ang dahan-dahang lumilitaw. So ang reaksyon ko dyan ay tignan muna natin kung ano talaga ang sitwasyon, para naman maging tama ang desisyon kung ano ang gagawin sa May 2016.

Winston: If this present senaryo Senator Bongbong will be favorable to the would be for candidate for a higher position Sen. Bongbong Marcos, will you run?

Sen. Bongbong: That is exactly what we have to assess. What I have to assess kung talagang this is the right time to do, this is the right decision. Sa palagay ko hindi pa naging maliwanag ang political situation. Maybe right now, imposibleng sabihin what will be the situation in October, kung kelan mag fi-filling nan g COC, palagay ko marami pang mangyayari, palagay ko marami pang lilitaw dyan na pangalan. Tatakbo ng pangulo, tatakbo ng bise, ng senador, lahat ‘yan kailangan maging maliwanag bago makapag desisyon.

Winston: Isa pa Senator, Siguro dapat tanungi koi to, dahil yung aming mga taga pakinig dito, marami pong sumusuporta kay Mayor Duterte at marami din po na ikaw, so is there a possibility po na whenever you decide and if ever Mayor Duterte decide, will you join force? Sen. Bongbong?

Sen. Bongbong: Well, alam niyo naman ang pulitika, ang sinasabi ko dyan, “never say never” lalo na dito sa Pilipinas. Ako naman, kaibigan ko si Mayor Duterte, napag uusapan namin itong mga sitwasyon na ito at mukang siya ri ay nag de-desisyon parin, pero maliwanang naman na … ako suportado ko siya sa kanyan adbokasiya na federalism. Maraming nag susuporta dyan, dahil mukang maging magandang sistema ‘yan para sa Pilipinas. So, when it comes to politics, palagay ko we are natural allies sa ideology namin eh meron kaming pinag kakasunduan. Pero between Mayor Duterte, eh wala kaming pinag uusapan tungkol sa ganyan. At tinitignan lang namin kapag nag kikita kami, pinag uusapan lang namin kung anong nangyayari sa ibang mga declared candidate at para malaman na, siya naman ay kung tutuloy siya, anong position ang hahabulin niya, o babalik siyang mayor. So kagaya ng sabi ko nga, medyo malabo pa ang picture, kaya kailangang linawin pa, maging malinaw muna bago malaman kung ano ba talagan. Anag akin lamang sinasabi, laging payo sa akin ng aking amay’y “keep your options open” ‘yun ang gagawin ko, dahil sa politics, never say never.

Winston: Senator Bongbong Marcos, kung saka-sakaling luminaw, ang station namin ay open po kung e-announce mo na tatakbo ka.

Sen.bongbong: Asahan niyo, kayo ang mauunang makaalam kung ano man ang magiging desisyon, magiging final… kasi kasama, parte ako ng nationalista party at meron din syempre, tinitignan din kung ano ang maganda para sa partido. Hindi lamang ako, lahat ‘yan pagka na desisyonan na, ay asahan ninyo na kayo ay inpormahan.

Winston: Maraming salamat po, ibalik ko po sayo yung balik ng BBL before tayo mag hiwalay. Will you still agree, Bangsamoro parin ang tawag dito even you come up with your version po?

Sen. Bongbong: With the name Bangsamoro? Well, halos lahat accepted ang Bangsamoro, meron syempre, mayroong ibang nag object. Sinasabi nga na yung pangalang Moro ay binigay ng kastila ‘yan, ‘d maganda ang ibig sabihin sa pag bigay ng Moro kaya may ibang nag o-object. Plagay ko yung the term Bangsamoro, generally accepted. At hindi naman para sa akin, it’s not for me to decide, ay hindi naman ako indigenous sa Muslim Mindanao. Palagay ko ang mga taga Muslim Mindanao ay siyang mag sasbi kung tanggap nila ang pangalang Moro tsaka Bangsamoro para sa bansa, sa magiging regional government. Kaya’t sa ngayon sa palagay ko, the majority, palagay ko tanggap na nila na Bangsamoro ang magiging pangalan ng territory na ginagawa ng BBL. As a matter of fact, isa sa mga amendments na ginawa sa House of Representatives ay pinalitan, imbis na Bangsamoro Government ginawanag Bangsamoro Autonomous Region pero na retain yung Bangsamoro, pero palagay ko dahil some might object, ang karamihan siguro tinaggap na nila yung salitan Bangsamoro to describe those who are indigenous to Muslim Mindanao.

Sen. Bongbong: Well, I don’t know about the media, but that is what I will be doing. Mag adjourn kami ngayon, simula ngayon ay sisimulan na namin ngayon, isusulat kona ang committee report, pangalawa ang gagawin ay pag sulat na ng substitute bill, which will contain all of the propose amendments na i-approve ng committee at ng plenary.

Winston: Sen. Bongbong, maraming salamat sa time na ibinigay mo sa amin ’no, in view with the lighter part Sen. Bongbong ‘no, mahilig po ba kayo sa mga lumang kanta?

Sen: Bongbong: Syempre, dahil nung tayo ay lumalaki ‘yan ang mga nariring.

Winston: Alam niyo, itong aming istasyon dito, ay nag bibigay ng mga music na makakawala po ng stress. Mula alas-9 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi. 774 po isa kami sa mga pinapakinggan ng mega at Central Luzon.

Sen. Bongbong: Oo, alam ko ‘yan, siguro maganda ata ‘yang suggestion ninyo. Stress relieving.

Winston: Maganda pong pakinggan pag kayo’y nasa sasakyan, pagkatapos ng stressful session sa Senado.

Sen. Bongbong: Maraming salamat, buti’t alam ko na ngayon ‘yan, stressful talaga yung aming session.

Winston: Ito po ang pabaon namin sa inyo, Sen. Bongbong. And would be President possible of the Philippines, kami po noon pa noong hindi pa namin kayo nakaka-usap, kami po ay pumapabor na sa Federation form of Government. Kami ni Fred Davis at ako po, we’ve talked to the Pimentels, Federalism is the answer to the corruption to our country and development.

Sen. Bongbong: Thank you very much, I’m glad to hear that. Gagawin natin ang lahat para talagang mapag aralan na ito at titignan natin kung magiging practical ang pag aplika ng Federalism in the next term, it is good na nagsimula na ang usapan dyan. It is an important subject, and it is something we must debate on, because it is something a fundamental change in the system of government but in some, I was showed that change is need.

Winston: And because of that, we will keep our eyes and ears open o you, on that.

Davis and Winston: Salamat po. Maraming salamat po!

Sen. Bongbong: Maraming salamat sa inyo, maraming salamat sa mga nakikinig, thank you very much.

Back to Blog