QC PTA federation naglabas ng manifesto ng suporta para sa pagkabise – presidente ni Sen. Marcos

Read the English version.

Naglabas ng manifesto ng suporta ang Pederasyon ng Quezon City PTA (Parents Teachers Association) na nag-eendorso sa pagkabise presidente ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Ang “Wall of Support” kung saan nakasaad ang manifesto na may titulong, “MANIFESTO OF SUPPORT TO THE CANDIDACY OF SENATOR FERDINAND “BONGBONG” R. MARCOS JR. FOR VICE PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES THIS COMING MAY, 2016 NATIONAL ELECTIONS,” ay nilagdaan noong nakaraang Huwebes sa Asamba Compound, Barangay Baesa, Quezon City.

Binanggit ng grupo ang pangunahing papel na ginampanan ni Marcos sa pagpapasa ng mga panukalang batas tulad ng SK Reform Bill, o ang Senate Bill 2401 na may titulong, “An Act Establishing Enabling Mechanisms for Meaningful Youth Participation in Nation Building, Strengthening the Sangguniang Kabataan, Creating the Municipal, City and Provincial Youth Development Council and for Other Purposes,” kung saan siya ang may akda at nag-isponsor bilang Chairman ng Senate Committee on Local Government.

Siya din ang author at sponsor ng Senate Bill No 12, o ang “An Act Providing Barangay Officials, Including Barangay Tanods, Members of the Lupon ng Tagapamayapa, Barangay Health Workers and Day Care Workers Retirement Benefits,” na nakapasa na sa ikatlong pagbasa sa Senado.

Nakasaad sa Section 1 ng panukala na: “There is hereby established a retirement benefit for Punong Barangays in the amount of One Hundred Thousand Pesos (Php100,000); a Sangguniang Barangay Member in the amount of Eighty Thousand Pesos (Php80,000); a Barangay Treasurer and Secretary, a Barangay Tanod, a Member of the Lupon ng Tagapamayapa, Barangay Health Workers and Barangay Day Care Workers in the amount of Fifty Thousand Pesos (Php50,000).

“RESOLVED, THAT THE QUEZON City PTA FEDERATION AND THE QC PTA FED-DISTRICT- 1 TO 6 HEREBY ENDORSES AND FULLY SUPPORTS THE CANDIDACY OF SENATOR FERDINAND “BONGBONG” R. MARCOS JR. FOR VICE PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES THIS COMING MAY, 2016 ELECTIONS,” ayon sa Manifesto.

Ang Manifesto ay nilagdaan ng mga opisyal ng Pederasyon at kinatawan ng iba’t-ibang organisasyon.

Pinirmahan din ni Marcos ang dokumento ng: “With humility, I accept.”

Back to Blog