Q&A at Sarangani Government Worker’s Day

Q: Senator Bongbong. Gusto ko lang i-synergise muna. Earlier in your speech on the retirement benefits of barangay officials, importanteng-importante po ito dahil since timely memorial, hindi nabibigyan ng pansin ang mga barangay officials na nagreretire. As a matter of fact, dito sa probinsiya ng Sarangani, kami pa ang naghahanap ng retirement assistance for the barangay captains. Nabanggit niyo po kanina na ongoing ang talks para matupad po ito. What’s the time frame sa tingin niyo na ma-implement?

SBBM: Palapit na tayo sa pagtapos nitong term na ito, unfortunately I have to report that the national government up to now has said that they will study the issue pero hindi pa tayo binibigyan ng sagot. Sasabihin ko na lang sainyo ang aking pananaw. Dahil ang naging tendency nitong gobyerno na ito ay parang inuuna ang national government bago ang local government. Pagka may pondo halimbawa na maaaring mapunta sa local, maaaring mapupunta sa national, laging dinadala sa national. Pati ang pondo ng local government, mabilis kunin ng national government. Magdedeclare savings sa Pebrero, lahat ng savings natin ay kinukuha, ibinabalik sa treasury. Kaya’t itong klaseng pag-iisip, lagi kong ipinapaliwanag, ang una nilang progreso, ang leadership, ang vision, ang pangunguna, ay manggagaling sa national government. Pero ang magbibigay ng buhay dito sa mga pag-implement dito sa mga bagong pulisya at mga magagandang programa, ay ang local government. Hindi kaya ng national government. Kadalasan ang mga ahensiya ng national government, mga regional lang ang kanilang opisina. Papaano kayo doon sa probinsiya? Papaano doon sa lungsod? Papaano sa mga bayan? Papaano sa barangay? Kaya lagi kong ipinapaliwanag na kailangan ninyong makita na ang gobyerno ng Pilipinas, maliit lamang ang national government. Ang mas malawak na nagseserbisyong publiko sa buong Pilipinas ay ang local government. Mula governor hanggang sa barangay volunteers. Iyan ang pinakamarami. Kaya hindi maaaring gawin ang trabaho ng pamahalaan kung hindi nagtatrabaho at nagsasakripisyo ang local government officials. Kaya hanggang ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang aking pag-iksplika sa kanila. Hanggang ngayon ay sinasabi, pinapag-aralan pa rin nila. Medyo palapit na nga tayo sa katapusan nitong term na ito, nitong Congress na ito. Pero palagay ko, kahit ano pang mangyari sa darating na halalan, titiyakin natin na lahait itong pag-uusap na ito at sa bagong administrasyon ay mapapaliwanag namin ng mabuti na importanteng-importante na mabigyan namin ng pansin, bigyan natin ng halaga at bigyan natin ng tulong ang ating local governments at ang local government officials hanggang sa barangay worker.

Q: So, ang ibig sabihin, sa ngayon mapapunta na sa mga kagawads, wala pang plano na date kung kailan ito magaganap. Pero paglabanan talaga natin kasi n akikita ko ang barangay captain, ang kapitan, ang kagawad, mas mahirap ang trabaho niyo sa doktor. Lahat ng problema andiyan sa inyo. So dapat lang, bigyan kayo ng sapat na recognition ng ating gobyerno.

Q: My question Mister Senator is about environment. Although hindi niyo napag-usapan ito doon sa mga speeches niyo pero alam ko na mayroon din kayong pagtingin o let’s say mayroon kayong heart for the environment. Now mister Senator, as to the situation of local government unit, based on Republic Act 7162, the appointment of the local environment officers is only optional. In light of global warming that goes climate change, for the local government chair it is only about 20% of all local government units all through out the Philippines country a permanent of related position for the environment officer. Now with that statistics Senator, how can the local government manage its environment for in fact na walang environment officer? Hindi naman puedeng ibigay lang namin iyung aming environmental management sa DENR. Hindi po namin maaasahan iyun. Sabi nga ninyo kanina, sino ba ang nagmamahal sa atin kung hindi tayo lang rin. Sino lang din ang nagmamahal sa local government kung hindi iyung mga local officers din. Now Mister Senator, ang tanong ko ganito. For the Philippine League of Local Environment Officer, we have submitted a resolution to the Office of the President. Habang finofollow-up namin iyun, sabi ng opisina ng Office of the President, binigay lang nila iyung resolution doon sa DENR. Tinanong namin ulit iyung DENR, so hindi na namin alam kung nasaan, parang pinapasa-pasa lang kami. Now, kung bigyan kayo ng pagkakataon as vice-president of the Republic of the Philippines, sa sitwasyon natin sa environmental condition natin na lalong lumalakas iyung bagyo sa mga areas na iyan at lalo ring umiinit sa mga areas na mainit. Ano ‘ho ba iyung mga plataporma ninyo tungkol ‘ho dito?

SBBM: Nauunawaan ko iyan, ang problemang iyan. Ngayon balikan natin muna kung bakit optional na appointment lamang ang environment officer. Dahil karamihan ng local government units hindi na kaya ang magbuo ng isa pang opisina sa kanilang local government units dahil sa kakulangan sa pondo. Ngayon, palagay ko, kinikilala na ng lahat ng local governments ang paglala ng mga bagyo, ang pagpadalas ng ating mga iba’t-ibang problema na nanggagaling dahil sa environmental damage. Hindi naman natin masasabi na ang mga local government executives ay hindi nakakaunawa. Syempre nauunawan nila dahil sila, pagka nagkaproblema, pagka nagkaroon ng malaking bagyo, pagka nagbaha, pagka nagkalandslide, pagka lahat na iyan ay nangyayari, sino ang kilalang nag-aayos sa problemang iyun kung hindi ang local government officials. Kaya ito iyung nabanggit ko sa aking pagsalita kanina. Halimbawa, sabihin natin mandated. We will change the law. We will change 7162, ilalalagay natin, palitan natin iyung optional, gagawin natin mandated position. Sino ngayon, isipin ninyo, sa opisina ng isang gobernador, sa opisina ng isang mayor, sino ang ilalagay nila? Hindi sila puedeng maghire ng bagong tao dahil karamihan, if not all ng ating mga LGU, sagad na ang PS o personal services. So hindi na sila puedeng kumuha ng bagong tao. Kung kaya man nilang kumuha ng bagong tao pa, sino ba sa loob ng chief executive’s office ang nakakaunawa, nakakaintindi tungkol sa climate change- tungkol sa disaster mitigation and preparedness? Sino ba? Wala namang mga expert iyan. Kung sino man ang mga department head na mukhang libre, iyun na lang ang ilalagay nila. Siguro pabayaan na natin ang ating, ipaubaya natin, hindi natin pabayaan, ipaubaya natin sa ating mga local government units kung sino- kung sila ba ay nagangailangan ng environmental officer. Ngunit, dagdagan natin ng tulong. Anong tulong ang idadagdag natin? Number 1, funding. Para magkaroon sila ng pondo na makakuha ng isang dedicated na environment officer. Kung minsan ang nangyayari, iyung OPAPP, sige ikaw na lang pumirma diyan o iyung DSWD o iyung PPDO, ikaw na lang ang environment officer dahil hindi na nga puede kumuha ng tao. Kailangan dagdagan natin ang funding. Pangalawa diyan, iyung pag-aaral ng para natin mapaghandaan ang mga bagyo ang mga kalamidad na dumadating, dumadalas at lumalakas, ay very technical iyan. Kaya’t kailangan nakakaintindi. Kung kukuha man tayo ng environment officer, kailangan nakakaintindi. Palagay ko responsibilidad ng national government na bigyan ng training o mabigyan ng assistance ang ating mga environment officers doon sa mga bagong teknolohiya, doon sa mga bagong pag-aaral, doon sa mga bagong resulta ng mga study para alam nila kung ano talaga ang trabaho nila. Tsaka hindi lamang iyung mga general na information kung hindi pati kung ano talaga ang magiging epekto doon sa kanilang locality, doon sa kanilang lugar. Pagka mayroon tayong dinadagdag na function, ang lagi kong ipinaglalaban sa national government, huwag na kayong magbibigay ng panibagong function. Bigyan niyo ng karagdagang pondo number one. Pangalawa, bigyan niyo rin ng training- bigyan niyo ng technical support. Lahat naman sa technicalities, 6 plus municipalities, saan sila kukuha ng environmental expert? Kailangan bigyan ng support ng ating mga magagaling na mag-aaral dito sa environmental issues para naman matulungan at masuportahan ang ating mga magiging environment officers. Palagay ko, ang dapat natin gawin. Pero again, I leave it to the autonomy. I very, very much respect the autonomy and the devolved functions of the local government. So I think the limit is optional but we have very many responsible local government officers who will know whether or not they need an environmental officer.

Q: My question is very short but it is going to be very comprehensive. What is your version and vision of good governance in reference to inclusive growth and development?

SBBM: Thank you for that very good question. Ang nararamdaman ninyo ngayon, sinasabi pinagmamalaki sa ating mga economic managers na sinasabi nila ang ganda daw ng takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, we have so many percent growth, one of the highest in Asia, pero hindi nararamdaman ng taong bayan. Ang yumayaman lamang iyung mayaman na at tsaka iyung mga malalaking korporasyon. Ang dapat natin na tinitignan ay ang inclusiove growth. Hindi lamang sa isang sektor lumalaki, kung hindi inclusive growth. Problema kasi ang pinanggalingan ng problemang ito, ay kulang ang ating ginagawa para sa distribution of wealth. Hindi nagbabago ang takbo ng ating pondong pumapasok. Kayamanan ng Pilipinas hindi napupunta, hindi naaabot hanggang sa baba. Kaya ang poverty rate natin ganoon pa rin. Hindi nagbabago. Katulad ng trabaho, ganyan pa rin, kaya madami tayong OFW. Ang statistics ay napakaliwanag. The statistics says that, 70% ng mahihirap sa Pilipinas ay nasa sektor ng agrikultura. Maliwanag na maliwanag na ang agrikultura ngayon ay naghihingalo. Wala tayong magandang agricultural policy na sinusundan. Kaya sa palagay ko balikan muna natin ang agrikultura. We should make public investment not only in funding but also in infrastructure, also in systems in all of the ways that we can help our farmers. Number one, kailangan natin pagandahin ang patubig. Kailangan natin pagandahin ang pautang, ang R&D, para mas maganda ang mga ginagawa. Lahat iyang mga suporta sa department loans, kailangan din natin dagdagan. Lahat iyan ay para makatulong sa ating mga farmers. Palitan na natin ang pag-iisip na ang nangyayari ngayon na unahin ang import- na unahin iyung import bago pagandahin ang agrikultura, pagandahin iyung sistema ng agrikultura. Nagulat ako na isang statistic na nakita, kasi sa nasa public works committee din ako, may nakita kaming statistic na ang irrigated land sa buong Pilipinas ay mas maliit ngayon kesa noong 1986. In other words, iyung mga nasira, hindi na inayos at hindi na naglagay ng bago. So ganito ang naging pulisiya ng agrikultura. Palitan natin iyan. Let us start from the very foundation of our economy. I believe that if we have a strong agricultural sector, we have a strong foundation for the economy, I believe that that will make it a better place for all of our people and especially our farmers who at the moment comprise the largest segment of those under the poverty line in the Philippines today.

Q: My question is this if you will be elected as vice-president po of the Republic in 2016, what will be your priority agenda regarding poverty alleviation particularly on the economic productivity and participation of our marginalized women especially the IPs? Ano po iyung priority agenda po natin tungkol po sa economic productivity and participation of marginalized people?

SBBM: I think that at the moment there are enough laws already in place for gender equality and sensitivity. The question of poverty is not limited to women alone. It must be recognized as a problem that we have to address. Andito ang ating presidential candidate. I want to announce that before you today, Mayor Duterte is the newest presidential candidate for the elections of 2016. Kakawithdraw lang niya bilang kandidatong mayor ng Davao City at nagfile na sa COMELEC sa Maynila para sa pagpangulo ng Republika ng Pilipinas. Kung mayroon pa kayong dagdag na tanong ay ganito na lang. Alam niyo mayroon akong website. Alam kong marunong naman kayong lahat magfacebook ngunit I will take my lead. Alam ko na kayong lahat ay sabik na sabik na na marinig ang ating pinakabagong presidential candidate. Kaya’t ako’y magpapasalamat sa inyo at babatiin ko kayong lahat ng magandang hapon po sa inyong lahat.

Back to Blog