Prove You’re Pro-Masses, Presidentiables Urged

Prove you’re pro-masses, presidentiables urged

BONGBONG: SOLVE HIGH POWER COSTS
AND ENFORCE GENUINE AGRARIAN REFORM

Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. on Friday challenged front-running presidential candidates to address the issue of high electricity rates and the clamor for genuine agrarian reform.

Marcos said Senators Manny Villar and Noynoy Aquino, former President Joseph Estrada and Defense Secretary Gilbert Teodoro should offer solutions to the twin problems if they want to win the hearts of the voters, especially the poor.

According to Marcos, poor voters are eager to know the take of these so-called “presidentiables” on the skyrocketing cost of electricity, particularly the one being sold by Manila Electric Company (Meralco), and strict implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

“A presidential candidate who truly loves the country must be willing to stop Meralco from imposing high electricity rates on its consumers. He should also be ready to wage war against big landlords by implementing CARP without fear or favor. If he can do these, he surely is a pro-masa (masses),” Marcos pointed out.

Marcos likewise urged the public not to vote for presidential candidates who will avoid the issue of alleged overpricing by Meralco, which is controlled by the Lopez family.

He said CARP implementation must be one of the primordial concerns of the candidates and that they would care less if they come up against landowners, who normally give huge campaign contributions to politicians.

“They (presidentiables) must prove that they are on the side of the farmers and not of the landlords,” Marcos stressed.

Kung tunay na para sa bayan ang mga presidentiables

HARAPIN ANG ISYU SA KURYENTE

AT AGRARIAN REFORM! – BONGBONG

Mataas na singil sa kuryente at tunay na agrarian reform ang kailangang harapin at resolbahin kung tunay na para sa bayan ang isang kandidato na tatakbo bilang pangulo sa darating na halalan.

Ito ang sinabi ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte matapos na hamunin sina Sen. Manny Villar, dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada, Defense Sec. Gilbert Teodoro at Sen. Noynoy Aquino III na harapin ang isyu sa mataas na singil ng kuryente ng Meralco at pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) bilang patunay na ang isang kandidato para sa pagka-pangulo ay para sa sambayanang Pilipino.

Ayon kay Marcos, mapapatunayan ng isang presidentiable na siya ay para sa masang Pilipino kung walang takot na haharapin niya ang isyu sa patuloy na mataas na singil sa kuryente ng Meralco at walang takot na ipatupad ang CARP sa buong bansa.

“Kung talagang tunay na oposisyon at nagmamahal sa bayan ang isang presidentiable, dapat ay labanan niya ang mahal na singil ng Meralco. Kailangang labanan din niya ang mga big landlords sa pamamagitan ng pagpapatupad ng CARP. Dito masusukat ang isang kandidato na tunay siyang para sa taumbayan,” pahayag ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na hindi dapat na iboto ng taumbayan ang isang presidentiable kung hindi nito kayang harapin at tugunan ang isyu sa mataas ng paniningil ng presyo sa kuryente ng Meralco. Ang Meralco ay pag-aari ng Lopez family.

Idinagdag pa ni Marcos na kailangan ding katigan ng mga presidentiables ang tunay na pagpapatupad sa CARP kahit na ang masasagasaan nito ay ang mga malalaking landlords na kalimitan ay big time campaign contributors ng mga pulitiko.

“Kailangang patunayan ng mga presidentiables na panig sila sa magsasaka at hindi sa mga landlords!” dagdag pa ni Marcos.

Back to Blog