Press conference: Cebu City

BBM: Good afternoon, everyone. Maraming salamat at nakapag-antay kayo. I’m very happy to be in Cebu during the campaign period at nakakatuwa naman at sa aking pag-iikot napakainit ang binigay niyong salubong sa akin dito sa Cebu City. Nandito kami in the city and in the province susunod ng iilang araw at ako’y umaasa na makita at makipag-usap sa ating mga kababayan dito sa Cebu para mabigkas ang ating mensahe ng pagkakaisa ng ating sambayanan. Sa naging nakaranasan ko sa aking napuntahan sa ibang lugar, itong mensaheng pagkakaisa ay tiunatanggap ng ating mga kababayan. Sa palagay ko magsisimula na talaga ang pagkakaisa muli ng sambayanang Pilipino. Maraming salamat sa inyong lahat and I will open the floor now for questions.

Q: During sa oral arguments ng Korte Suprema on the Comelec to implement the voter receipts sa May 9 elections, dapat daw i-move and national elections.

BBM: I don’t see how that is possible. The Constitution is very clear. Maliwanag na sinasabi ang kanilang second mandate. Hindi naman siguro natin maamyendahan ang Konstitusyon mula ngayon hanggang May 9. Nasa batas na iyan at saka order ito ng Supreme Court. Kaya kailangan nilang masundan. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi nila na pag postpone ng halalan at pag manual ng halalan dahil iyang dalawang proposal na iyan ay ilegal. Nakakapagtaka nga na ang Comelec mismo ang nagpropropose ng ilegal na pag postpone o yung pag manual ng halalan kaya siyempre kami mga kandidato nababahala kaming lahat kung inaalala namin ito ba ay postponement dahil sa order ng Supreme Court o mayroon iniisip ang mga iba? Siyempre, hindi na katataka na marami ang nagsasabi baka ito na yung kanilang gagawin palitan ang resulta. Nag-aalala kaming lahat.

Q: Pero pwede ba iyan gagawin in Congress?

BBM: Hindi na ma-approve ng Congress. Wala namang sesyon. Kaya nakakapagtaka eh kasi kung papalitan ang batas, hindi na kami magsesesyon. Wala na kaming sesyon hanggang after the elections. So, hindi ko alam kung kailang ma-approve ng Congress. Mahirap sigurong tumawag ng special session ngayon. At constitutional iyan eh. Ibang usapan na iyan. Hindi na pangkaraniwang batas. Kaya nakakapagtaka na si Chairman Bautista, na abogado, ay sa kanya pa nanggagaling ang proposal na iyan.

Q: Ano pong maaasahan ng mga Cebuano kung sakaling kayo ang maging sunod na bise presidente?

BBM: Yung aking mensahe ng pagkakaisa natin at ng sambayanan na sa aking palagay marami tayong naririnig na problema. Problema ng mataas na presyo, walang trabaho, kulang ang eskwelahan, ang agrikultura natin ay hirap na hirap na. Ngunit, marami tayong nakikita rin na maaaring gawin para tugunan itong mga problemang ito. Sa aking pananaw, kahit ano pang gawin natin; kahit na tama ang ating solusyon, kung hindi pa tayo nagkakaisa, iyan ay makikita nating sagabal para sa ating progreso. Kaya kung ako man ay mahalal na bise presidente, ako’y laging nagsasabi ang una kong gagawin ay pupuntahan ko ang aking pangulo, at sasabihin ko sa kanya na ako’y handa makipag-partner sa pangulo kahit sinuman siya, kahit saan mang partido siya nanggaling at dahil kailangan na kailangan na ng tao na lahat ay nagkakaisa para magtulungan sa dinami-dami ng problema na hinaharap ng Pilipinas. So, unahin natin yung unity. Pangalawa na sa unity ay ang mga praktikal na solusyon sa mga problemang hinaharap natin. Pwede nating pag-usapan iyan pero mahaba iyan kung i-detalye natin. Sa aking nakikita kaya tayo nagka ganito, ay dahil lahat na lang pinupulitika. Kaya pagkatapos ng Mayo, itabi na natin ang pulitika at umpisahan na nating isipin ang kapakanan ng taumbayan. Hindi na yung ambisyon ng isang kandidato. Hindi na yung pagpapalakas ng isang partido. Hindi na yung pampatulong lamang sa isang grupo; kung hindi para sa lahat ng mga Pilipino, saan man sila nanggagaling. Tiga-Cebu man, tiga-Ilocos, Tagalog, Muslim, Kristiyano ay dapat ipagkaisa na natin. Sa aking pananaw iyan ang pinaka importante nating unang hakbang para maramdaman ulit ng Pilipinas ang progreso.

Q: Mayroon po kayong wind farm doon sa Ilocos. Ano po ang mapapayo niyo dito sa Cebu with regards to clean energy?

BBM: Marami tayong mga option. Lumalakas ngayon, dumadami ngayon ang solar. Dahil sa Pilipinas, malakas ang araw. Naramdaman naman ninyo ang init. Malakas ang araw. Kahit saan sa Pilipinas pwedeng lagyan. Yung wind farm kasi hindi kahit saan eh. Kailangan talagang piliin yung lugar kung minsan viable, kung minsan hindi. Pero yung solar dito sa atin ay talagang kahit saan. Yun lamang, kailangan din nating isipin hindi sapat ang alternative energy. Parang yung araw, kapag gabi wala na tayong solar energy. Mayroon pang tag araw lal, hindi na umiihip ang hangin. Wala ng wind farm. Kailangan pa rin natin yung tinatawag na base load. Iyang base load na iyan ay kailangan kahit papaano may supply tayo kahit walang hangin, kahit gabi. Dapat pa rin nating tingnan ang lahat ng paraan sa apg bigay ng kuryente sa ating mga planta, sa ating mga consumer.

Q: Why are you calling for climate change mitigation in all aspect in governance? Bakit kailangan?

BBM: Because we have to face the reality that climate change is here. And we have been assessed in the Philippines as one of the countries at greatest risk in terms of climate change. I think Yolanda is sufficient proof for me in my case and I think that is the same for most people. Para sa akin, wala na tayong pag-uusapan pa kung may climate change o wala. Tinamaan na nga tayo ng Yolanda. Labis 100 taon bago tayo may nakita sa historical record na may ganyan. Kaya nagbabago na ang panahon, at kailangan talaga nating paghandaan iyan dahil yung mga preparation natin noon para sa mga bagyo ay kulang na. Dahila sinasabi nila more extreme weather because of climate change. Alam na nga nating darating, alam na nga nating kailangang paghandaan, gawin na natin habang maaga pa.

Q: Sir, yung $81 million na nakuha from the Bangladesh bank, are you not worried na magamit ito sa election campaign?

BBM: From what I understand, I don’t know if the money is still there. But in any case, I’m not that familiar with the case. The only information I really have is one that I have gotten from my fellow senators at the hearing. Tinawagan ko yung mga iba, tinanong ko kung ano ba talaga nahanap nila. Ang frustration nila ay wala naman talaga silang makuha sa mga bank official. At hindi naman talaga sila nagtataka dahil nandiyan ang batas – ang banking secrecy laws, It is not an unusual situation. There are bank secrecy laws everywhere. Every country has bank secrecy laws. Mukhang maghehearing pa sa susunod. Marami pa yung magtatanong at ako’y pinagmamasdan ko lang ang imbestigasyon. I cannot come to any conclusions just yet. Mayroon talagang dumaan na pera. Ngunit, mukhang hindi masyado nabantayan ng bangko. Pero yung mga detalye hindi pa lumalabas eh kung sino talaga ang involved, kung sino ang nag-utos kung kanino, sino ang kausap nino. Hindi pa lumalabas lahat iyan. Baka sa executive session. Baka mayroong revelation diyan sa executive session. Alam mo naman iyang executive session hindi naman tumatagal.

Q: Is it the negligence of the government, BSP, na naipasok dito sa Pilipinas?

BBM: Naipasok dito sa Pilipinas pero mukhang nailabas na eh. As far as I know. I’m not an expert on the subject. Siguro yung mga nakapag-attend ng hearing kahapon ay yun ang pwedeng itanong.

Q: This is the first time you campaigned in Cebu. How was the reception of the Cebuanos? And are you aware of the groups that are also calling for, going against your candidacy?

BBM: Of course I’m aware of those groups. Every press conference I have, the media brings it up. I cannot avoid being aware. But to go back to your first question, the welcome I got here today was so warm and so enthusiastic. And I’m very encouraged with how the elections will go here in Cebu for me. Sa bagay, nandito pa lang tayo sa city. But I’ll be spending mga susunod na iilang araw going around the rest of the province. If today is anything to go by, then I look forward to even more warm and enthusiastic welcome everywhere I go.

Q: Did you expect that reaction from Cebuano residents?

BBM: Oh, yes. Of course. I think it is because of the message. The message that I am bringing of unity is something that is natural to Filipinos. Wala sa ugali natin yung nag-aaway-away, naghihiwa-hiwalay. Bayanihan nga tayo diba mga Pilipino. Kaya pagka napag-usapan iyang pagkakaisa, mukhang mabilis maunawaan ng mga tao. At palagay ko tanggap ako ng mga tao kahit saan at mainit ang pagsalubong na binibigay nila sa akin.

Q: Sir, sino ang mga local politicians na sumusuporta sa inyo dito?

BBM: Marami diyan pero sila na ang magsasabi dahil baka magselos ang kanilang mga ka-partido, yung kanilang grupo. I’m happy to note that many of our old allies and supporters are still there being very supportive, tumutulong sa atin. So, I hope that will translate into votes when election time comes.

Q: When was the last time you saw our mayor?

BBM: Mayor Mike, the last time I saw him was I think at a wedding a few weeks ago, together with Vice President Binay and some other personalities. But I wanted to mention that your mayor was very prominent in Tacloban after we were trying to rehabilitate and bring relief goods to our people who were victimized in Yolanda. Kaya kahit papaano, nagpapasalamat kami sa Lungsod ng Cebu, sa Lalawigan ng Cebu na kahit tinamaan din kayo ay mayroon din kayong naitulong sa mga naging biktima sa amin. Kaya hindi naming makakalimutan yun.

Q: Senator, kaninong wedding? Kaninong wedding po?

BBM: Hindi ko na maalala. I go to so many weddings.

Q: Yung mga kapitan po, 80% of barangay captains in one room is hard to come by these days. Did you invite them, sir?

BBM: I invited them. And they were kind enough to come and join us. Kagaya ng sabi ko, dahil nalalaman din ng mga ating barangay officials na ang trabaho ko sa Senado ay kadalasan tungkol sa local government. Kaya marami din akong masasabi sa kanila. At kapag may mga gathering ng mga barangay captains ang aming ginagawa ay nagrereport ako kung ano yung mga pangyayari. Hindi na kampanya ang aming ginagawa kundi pinagpapatuloy pa din yung trabaho na bigyan ng boses ang local government sa ating national government.

Q: Sir, reaksyon lang po natin doon sa social media na nagsasabi ng “Never Again” dahil nga po sa nangyari before. Hindi ba ito nakakaapekto sa kampanya natin?

BBM: So far, walang nagbago sa aming mga lakad. I’ve not really felt the effect. As far as I can tell if you’re asking me, pareho pa rin naman. At kagaya sa sinabi ko, mainit ang salubong ng mga tao at tinatanggap ang aking mensahe. Kami naman natutuwa siyempre at nakakataba ng puso na makita ng taumbayan very warm ang reception.

Q: Sir, you are statistically tied with Sen. Chiz Escudero. Sabi niya mayroong mga grupo na nag campaign against sa inyo. Do you believe na itong negative campaigning sa inyo hindi makapag bring down sa ratings ninyo sa kampnaya ninyo?

BBM: I hope not. Lahat naman ng mga kandidato may kalaban o may bumabatikos. Lahat ng mga kandidato may supporter, so ganun naman din sa akin. Pareho ang sitwasyon ko sa lahat ng mga kandidato. Wala naman akong nakitang eleksyon na 100% isang kandidato. Kaya kahit anong posisyon, kahit barangay kagawad ang tinatakbo mo, may kalaban ka. Ganyan ang politika. Ganyan ang proseso. I think it is just a natural part of the political process. Hindi naman siguro nakakaiba ito sa mga ibang kandidato sa lahat ng eleksyon.

Q: Sir, reaksyon sa sinabi ni Cong. Leni Robredo sa rising numbers niya sa survey dahil siya ay outspoken sa Martial Law for the longest time.

BBM: Well, that’s her opinion. I’m not sure how that dynamic works. Kung inanalyze mo ng mabuti yung mga survey, mahihilo ka eh. At least ako, yung mga kasama ko tinitiis nila ng mabuti yung mga survey. Pero ako, sa aking palagay tama yung mensahe ng pagkakaisa, tama ang aking mensahe na ibalik ang galing sa pamahalaan, kumuha tayo ng magagaling na tao, ipagkaisa natin silang lahat at ipaalala natin sa lahat ng mga matataas na opisyal na kaming lahat na lingkod bayan ay sumumpa na kami ay magseserbisyo sa taumbayan. At itong mensaheng ito ay sa aking palagay ang tamang mensahe sa panahon na ito. Tapat ang aking paniniwala na ito ang talagang pangangailangan natin ngayon.

Q: Sir, last point. Doon sa ibang regions sa Visayas for example, our correspondent there from Philippine Daily Inquirer said that mayroong mga grupo na nagkampanya against sa inyo. They are saying that kung pupunta kayo doon, mag pipicket daw sila. Ano ho ang masasabi ninyo dito?

BBM: Kung manood tayo ng kampanya, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa, ganyan talaga. Mayroon talagang ganyan. Maraming example na talagang ganyang ang nangyayari. Kaya may kampanya, kaya may halalan para mamili. At mayroon kang supporter, mayroon kang hindi supporter. Lahat ng kandidato pareho lang yun. I don’t see any difference doon sa ating sitwasyon sa sitwasyon sa lahat ng mga ibang kandidato.

Q: Sir, anong sikreto kung bakit po tayo dumidikit kay Chiz sa ratings?

BBM: Wala. Everybody is asking what is the secret? There is no secret sa campaign. You find a good message, you find the right message – what people need to hear. And you inspire the people and you motivate them. Hindi ko strategy na didikit ako dito o lalayo ako diyan. Basta ikakampanya mo lang naman ay yung sarili mo eh. Hindi mo naman i-kampanya na pwede mong ibaba yung iba. That simply doesn’t work. So, ikampanya mo ang sarili mo. At iyan ang aking ginagawa. Whatever the results will be, that’s what they are. Kaya tingnan na lang natin at ako’y ipagpatuloy ang aking ginagawa. Sa pagtanggap na nakikita ko sa mga tao, maganda naman ang resulta ng pagbigkas ko mensahe ko.

Q: Sir, how confident are you that you are going to make it this election?

BBM: I am confident. This is an election. This is a campaign. The minute you become (over)confident that you will win, you are guaranteed to lose. I am never sure. Until the Comelec proclaims you into position, until it is official, hanggang sumumpa ka, hindi ka pwedeng magtiyak na sigurado. Kaya ang kasabihan sa amin, we are always running scared. We are never overconfident. We are never presumptuous. We are never complacent. That is a kiss of death.

Q: Sir reaksyon niyo tungkol sa isang babae na may kalendaryong dala kanina. May ganun talaga?

BBM: Oo. Lahat ng napuntahan ko may ganyan. Minsan, pumunta ako sa isang lugar at nagsasalita ako. After ng mga three minutes ako nagsalita, nakita ko nag-aalisan ang mga tao. Sabi ko bakit? Anong nasabi ko? Baka mali ang nasabi ko nang nag-aalisan yung mga tao. Pero two minutes later nagbalikan. Pumunta sila sa mga bahay nila at dinala yung mga picture, yung mga kalendaryong tinago nila. Kung minsan pati yung campaign materials ng aking ama. So that’s something that happens everywhere. Kaya pinapapirma sa akin o magpapapicture kasama ako. Nakakatuwa palagi pagka nangyayari ito. It happens everywhere I go. And I’m very happy to see, ako nga nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa kanilang hindi pagkakalimot at pagpapatuloy nilang pagsuporta sa amin, tinago pa nga nila yung mga picture na iyan, yung mga kalendaryong iyan. Ako’y nagpapasalamat sa kanila sa kanilang pag-aalala at hindi pagkakalimot sa akin.

Q: Sir, saan kayo mag-ooposina pag nag VP na kayo?

BBM: Hindi ko iniisip yun. I have not thought of anything after proclamation. Hindi ko na alam.

Q: Bakit hindi sa Cebu?

BBM: Maaari din iyan. May Malacañang nga sa Cebu. Naalala ko yun. Hindi nagagamit. Pwede rin. Pinagbawal ko sila mag victory party, pinagbawal ko sila mag-isip ng kahit ano. Kailangan isipin lang namin yung kampanya at halalan. Iyang mga ganyan madali nang pag-usapan pagkatapos ng halalan. Pagka you start thinking that way na panalo na, malayo pa. Marami pang pwedeng mangyari. Ilan pang linggo, seven weeks. Mahaba-haba ang seven weeks sa Pilipinas. Marami pa ang mangyayari. Okay.

Back to Blog