Press conference: Tuguegarao

Interviewer: If I may just say, if you’re late father, late president were alive today, I’m sure that he’ll be very proud of you.

Sen. Bongbong: Well thank you very much.

Interviewer: Ang tanong ko po sa BBL eh… I’ve read that you will be submitting your substitute bill on July 27, tama po ba yun?

Sen. Bongbong: Around then… because July 27 is the SONA so technically that is the first day of session. Pero wala naman talagang session. SONA lang yun eh. Magsasama sama lahat ng (…). But after that, ibibigay ko na sa mga senador at members of the committee yung aking proposed na amendments.

Interviewer: I would understand na in you privilege speech, the issues you raised there would be addressed in your substitute bill. Ano po yung basis natin for the substitute bill? May pattern po ba kayong ginamit para dito?

Sen. Bongbong: Pag may nagtatanong sa akin kung ano yung mga dapat baguhin, I can only say that it takes a long time bago natin babaguhin. But of course ang unang priority eh yung constitutional provisions – the provisions that are seen as unconstitutional. Ang aming proseso na ginawa sa Senado, ay hiningi ko ang opinyon ng committee ni Senator Miriam Santiago dahil ang committee niya is in the committee of constitutional amendments and revision of laws. So sabi ko tamang tama sa committee ko ‘to. Kung maaari, magpunta ka ng hearing para malaman natin kung ano ba talaga ang constitutional position. At nagpa hearing ng ilang beses at ang kanyang (…) persons eh mga dating Chief Justice, yung mga dating kilala nating propesor, mga constitutionalists. Marami silang na-identify na provisions na unconstitutional. So let me start with those. There’s a constitutional problem in that. Ang nakalagay sa constitution is that the first congress will create two autonomous regions. One in the Cordilleras and one in Mindanao. Alam naman natin yung nangyari sa Cordilleras – natalo sa plebesito kaya hindi natuloy. Pero yung ARMM law nakuha yung ARMM. Now, ang mga sinasabi ng mga iba is that hindi constitutional na gumawa ng pangatlo dahil number one, walang nakalagay sa constitution na may tatlong autonomous regions. Pangalawa, ang ino-authorize ng mga constitutionalists na gumawa ng autonomous region eh yun first congress lamang. So papaano namin, bilang 16th congress, eh kami ang gagawa ng (…). The other one is the creation of the Bangsamoro Comelec, Bangsamoro na COA, na CSC, pati na Ombudsman office, pati na yung HRC, yung Human Rights Commission. Dahil ito ay constitutional bodies, hindi pwedeng bawasan ang powers ng isang constitutional body. Kung anong powers ang binibigay ng constitution sa constitutional bodies, hindi pwedeng bawasan. Eh nakalagay sa constitution na the Comelec will administer all elections. Not all elections except Bangsamoro. So papano ngayon yun? So that same thing with the civil service. The same thing with the COA. The other problem that we can see is the Police. Dahil yung pulis, gumagawa sila ng sariling pulis, at sumasailalim sa tinatawag na Chief Minister. Yung Chief Minister binoboto ng bangsamoro parliament yan at sinasabi na siya ang may operational control. Lagi nilang sinasabi “Pareho lang yan sa LGU”. Sabi ko noong governor ako hindi ko pwedeng orderan ang pulis ko. Pwede akong makiusap at syempre malapit kami ng pulis dahil kailangan natin na mag coordinate but hindi ko pwedeng orderan. At pag inorderan ko at sabihin ko “Habulin mo yung taon yan”, sabihin ng commander nyan, “Wag. Eto yung habulin mo”, kailangan nyang sundan yung commander niya hindi yung civilian. So that is the other problems. The other problems that we see are meron sa bangsamoro, meron silang mga probisyon na pinapayagan ang bangsamoro government na amyendahan ang batas na napasa ng kongreso. Which is not possible because hindi naman pwedeng maging magka sing level ang bangsamoro parliament sa congress of the Philippines. Dapat yung congress of the Philippines, yung batas na naipasa doon, lahat ng Pilipino sundan yun. The other problem that we see, isa sa pinaka malaking kontrobersya is yung Opt-in provision. That on the basis of signature campaign of the 10% of population or by the re-approve resolution of the sanggunian, pwedeng mag conduct ng plebiscite para mag Opt-in to take the option to join Bangsamoro. Ang problema doon, is becase sinasabi doon “only contiguous areas”. Pero ang contiguous areas, ay sinama pati dagat. Kaya umabot ng Palawan. Sinasabi pati Palawan sinasama. Eh sinasabi bakit naman hanggang Palawan eh wala namang ibang batas na ang description ng contiguity eh kasama ang dagat. Kailangan lupa lang. so that is something that we also need to look out carefully para maging maliwanag. So that is just the general area, that’s only the constitutional. Meron pang problem dyan sa power sharing with the National Government. Merong mga mechanism na nakalagay sa BBL na may negotiation as to the policy between bangsamoro government and the national government. Ika namin, “Ang local government hindi nag nenegotiate sa national government. Inuutusan kami ng national government at kung ano ang batas ng bansa, eh yun ang sinusunod namin. Kung ano ang policy ng national government, yun ang sinusundan namin.” So that is one of the area of that we have to look at also. Kailangan liwanagin yung tungkol sa (…) courts, yung Islamic courts. Anong relasyon niya sa Supreme Court? We also have to look at the banking. Pati yung taxation. Kasi nakalagay sa BBL, yung taxation, 100% ng nakolektang buwis sa bangsamoro, walang partehan sa national government. Lahat yun maiiwan sa bangsamoro. So tayo 60% ang binibigay sa national government, sila wala. Nandun naiiwan lahat. Tapos yung nabanggit ko na block grant. Yun din ang sinasabi namin “Okay we recognize the fact that we need to have the accelerated development but you have to give us guarantees na yung pera na kinuha niyo sa ibang LGU ay magamit naman sa tama. Dahil ang isa sa criticism ng ARMM is that kahit na failed experiment, kahit na malaki ang binibigay ng national government na pondo, hindi nararamdaman ng ordinary na pangkaraniwan na pinoy na nandun. So those are the basic… meron pa yun sa administration, tapos yung effects on the business community, so kailangan nating i-solve lahat. Medyo kumplikado kaya’t nasabi ko nga substitute bill na ang gagawin ko dahil hindi na maaaring ayusin yung BBL the way it is. Ang gagawin na lang namin, titignan natin kung ano ang magiging amendment na ipapasa namin, tapos pagagandahin namin ang lenggwahe para it will (…) the (…) and that’s something that we are doing. So mahaba haba. I just gave you the very general points. Marami pang detalye that we have to go through pa. but it is not as easy as all that.

Interviewer: So ano pong pakiramdam ni Senator na makatanggap po kayo ng inyong mga kasamahan sa senado ang inyong substitute bill?

Sen. Bongbong: Kung hindi nila tatanggapin edi papalitan nila yan. Hindi lang naman ako ang gumagawa nito eh. Buong senado ang gumagawa nito. Kung pag uusapan namin, hindi naman yan “tatanggapin o hindi”. Hindi naman yan ang legislative process. “Oh eto ang suggestion anong gagawin ninyo?”, “Ay ayaw namin yan gusto namin yan”, “Bakit hindi niyo gusto, bakit (…)”, “Pag usapan na anong kapalit na mas maganda sa palagay ninyo”, “Oh okay na? Sige thanks.”… hindi ganun ang proseso eh. Nagtataka ako sa inyong sinasabi eh. Process ito eh process na ginagawa namin para maging maayos nga. Ibinigay samin yung BBL hindi maayos eh. Talo nga sa Supreme Court kung pababayaan, talo agad sa Supreme Court yan. Kaya nga malaman ng tao na there is legislative process and the entire legislative process is exist to make the bill as good as it can possibly be.

Interviewer: Sana nga po eh ganoon lahat ng pag-iisip ng ating mga kongreso. Last po. Sa inyo pong pag iikot ng for peace forum, ano po ang nakuha ninyong reaksyon? Specially sa Mindanao ukol po dito sa BBL. 

Sen. Bongbong: Kasi ang naging problema dyan sa proseso, they conducted these negotiations only with the MILF. Wala silang ibang kinausap. Hindi nila kinausap ang MNLF, hindi nila kinausap ang Local government, hindi kinausap ang sultanates, ang business community, ang mga kristyano, lahat. Wala silang kinausap kundi MILF. Kaya nung tinawag na namin yung mga ibang sector, yung mga ibang stakeholder, eh akala nila “Teka! May issue kami dyan”. Kaya humaba ang proseso dahil hindi ginawa ng OPAC yung inclusive na pag konsulta. Ang ginawa nila, yung consultation with the MILF. “Bahala na kayo magreklamo”. Kaya’t kami na ang gumawa ng consultation na yun kaya lumabas ngayon yung mga issue na ito. Kaya kailangan na nating hanapan ng solusyon. Eh marami talagang issue ang lumabas kaya yung iba sinasabi “dito MN ang (…) dito. Bakit MI ang namumuno ngayon dito?” yung iba sinasabi yung sultanates sinasabi “Bakit hindi kami part nito? So we should have a part on it.” Humihingi sila ng seats in the parliament. And then seats in the council of elders also. So palagay ko reasonable naman lahat yun. So again, those are the reactions that we are getting. Of course like Davao and Zamboanga, eh lagi nilang sinasabi “Hindi kami kasama dyan”. Pati Cotabato, pati Isabela City, sinasabi nila “Bakit niyo kami sinama ulit dyan? Dalawang beses na kaming bumoto ng NO. Bakit kami nasama ulit?” so yun ang mga nagiging reaction doon sa Mindanao. Syempre lagi pagka nag hi-hearing, merong malaking demonstration dyan sa labas (…). Parang paulit ulit ko nang pinapaliwanag na if we pass the bill with no changes. The first challenge in the Supreme Court, we’ll lose already. So we’re doing the precise opposite. It is a bit of a (…) job but nevermind, we continue doing it. Thank you.

Interviewer: Thank you. Next Carlos Mahawa, from (…), magbibigay po kami ng isang tanong… follow up.

Interviewer: Magandang hapon apo, Senador. Nandito po sa inyong press release na parang pagod po kayo sa federalism form of government. Bakit po?

Sen. Bongbong: Kung tutuusin niyo, ang federalist form of government ay mas binibigyan ng powers ang mga, sa America ang tawag – State. Baka dito sabihin nalang natin, region. So what I’m thinking is that dahil sa pulitika, pag maraming power center, mas stable ang gobyerno. Dahil kahit mag kudeta sa isang lugar, hindi maaapektuhan ang mga iba. So hindi kagaya ngayon, pagka may nangyari sa kanila, wala namang kinalaman yung ibang probinsya pero damay lahat. Gulo lahat, napapalitan lahat. So kailangan yung federalist state, yung federalist system, eh bigyan talaga natin ng mabusising pag aaral. Pangalawa, again it is because of my belief in Local governments and local government executives – elected officials. Sila ang nakaka alam sa problema, sa sitwasyon sa kanilang lugar. Sila rin ang mga nakaka alam kung ano ang mga dapat na solusyon. Ilang beses na nangyari satin na halimbawa, yung isang bayan, yung isang probinsya, yung isang Barangay, humingi ng tulong, sasabihin “Di ba pwedeng dito kami tumatawid ng tulay? Eh walang tulay, pwede lagyan niyo dito ng tulay?” “Yung ilog dito pinaka malapit at saka hindi masyadong ma-ano yung tubig.”, etc. pero pagdating ng public works, doon nilagay sa kabila at napaka liit o napaka laki, mali naman yung pinag lagyan, unang ulan nabaha, nagiba mga gamit, etc.. ilang beses nangyari yun. Kailangan iwan natin sa Local Governments yung mga ganyang klaseng tactical precisions. Pero national policy, syempre national government. But I think this is a better system to federating. Kung maaalala ninyo, kung titignan niyo ang political history of the Philippines, sinubukan na natin yan sa (…) batasang pambasa. Na ang paghalal sa representative sa batasan noon, ay on a regional basis. So we tried to do that pero nabago nanaman at nabalik nanaman sa congressional (…). So sa ngayon, we are still discussing it. There are many forms of federalism hindi lang isa. So we are trying to see what will be the best and most applicable to the Philippines. Maganda itong nangyari na napag usapan although sa palagay ko hindi na magkakaroon ng constitutional amendment sa term na ito. Pero at least napapag usapan para pagkatapos ng Mayo, pag may bagong administrasyon na, yung diskusyon ay matuloy na. at least naumpisahan na. so I think it is a good idea as a political theory. I think it will apply to the Philippines if we decided properly. And we take into account yung character ng pinoy na, yung character ng mga Pilipino, ito’y kasama sa ating mga idedesign na Republic of the Federated Philippines siguro ang magiging pangalan. Parang Germany, Federated German Republic sila eh. So baka ganun ang mangyayari sa atin.

Interviewer: Susunod po si Rodrigo (…). Isa pong tanong at follow up question bawat myembro po ng ating media at kung may mga katanungan po sa ating mga Barangay Captains, you can (…)

Rodrigo: Magandang hapon po senator. Sir kaninang umaga medyo masama po yung balita ata na gusto po daw nila kayong tanggalin as the committee chair on the local government?

Sen. Bongbong: Oo. Meron kasi na nakita ko sa mga dyaryo na lumabas na nag react yung tatlong senador dahil daw merong threat na ire-organize ang senado para mabilisan ang pagpasa ng BBL. Nagulat ngayon ako. Sabi ko baka ang iniisip nila ako. Habang tayo ay nag uusap, nakatanggap ako ng text galing kay senate president Frank Drilon at kanyang sinabi sakin “There are no plans to reorganize the senate.” So mabuti naman at pinanindigan ng ating Senate President ang kanyang (…). So nagpapasalamat ako sa kanya. So yung threat na yan eh mukang hindi na matutuloy.

Interviewer: Doon sa privilege po ninyo parang po kung isa isa ninyong tanggalin lahat ng ating mga… wala po sa constitution, wala na po talagang maiiwan doon sa BBL. Sinasabi ata na kayo po ang nag dedelay sa pagpasa po sa BBL na yan kasi po parang minadali yung pagpasa ng BBL.

Sen. Bongbong: Bawat hearing nga tinatanong sa kanila “Bakit ninyo minamadali? Bakit kayo nagmamadali?” Bakit sa palagay ninyo pagkatapos neto eh buong mundo eh titigil na? hindi naman eh. The world does not stop after this term. Bakit pinipilit na madaliin. Marami pang detalye na dapat gawin kaya naman yung mga iba nagsasabi “Oh, dinedelay ang BBL”. Pinakita ko sa kanila “Eto yung schedule ko. Ano dyan ang gusto ninyong tanggalin? Ano dyan ang sa palagay ninyo eh hindi kailangan, hindi importante?” wala naman silang masabi. Dahil yung mga kausap ko eh yung mga hindi kinausap ng OPAC. Sabi ko nga sa OPAC, kung ginawa ninyo ng mabuti ang trabaho ninyo, tapos na ito. Pero dahil hindi niyo ginawa, ako ang gumagawa ng trabaho ninyo. Dahil nakikipag usap ako, nakikipag konsulta ako sa lahat. Eto yung dapat ninyong ginawa. At sinasabi nila “Hindi nakipag konsulta naman kami eh”. Pero ang consultation nila “Oh eto yung BBL, basahin ninyo”. Yun ang consultation nila. Tapos na, wala na silang input. Wala na sila pwedeng palitan, wala na silang pwedeng i-suggest. Pero sabi ko kung sa simula’t simula pa lang eh kinausap niyo na sila, lahat itong mga ginagawa namin ngayon, hindi na namin kailangan gawin dahil tinapos niyo na. but the fact of the matter is they only talked to the MILF and that is why chinachallenge ko nga kahit sino na nagsasabing dinedelay ko ay pakita ko sa kanila yung schedule ko, alin dyan ang gusto nilang tanggalin para maging mas mabilis. At sa palagay ko wala silang matatanggal dahil importante lahat ng aking ginagawa. Hindi ko ginagawa, hindi ko kinakausap yung walang kinalaman. Ang mga kinakausap ko, wala man sa gobyerno, mga citizen na walang pakielam… hindi naman ganun eh. Lahat ito mga stakeholders at lahat ng nangyayari sa BBL, sa bangsamoro, aapektuhan ang buhay nila. Kaya lagi kong sinasabi, “I pledge to everybody na hindi ko papabayaan na i-railroad ito. Hindi ko papabayaan na mamadaliin ito.” Dahil napaka kumplikado nito at importante. Dahil kung magkamali tayo sa isang ordinansya, eh siguro madaling palitan. Pagka nagkamali tayo, buhay ang pinag uusapan natin… gera nanaman ang papalit dito eh. So kung gera naman meron nanaman masasaktan, meron nanamang mamatayan eh yun nga ang gusto nating itigil. That is why we ensure that we will pass the BBL.

Interviewer: Maraming salamat. Next question.

Interviewer: Yung bongbong marcos movement may iba’t ibang chapter po yan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Papano po pag ito’y (…). Pano po kung sila yung mag decide na mag presidente?

Sen. Bongbong: Edi pakikinggan ko sila. Tama yung sinabi mo dahil marami nang … ako’y nagpapasalamat sa kanilang suporta, nagpapasalamat ako sa kanilang kumpyansa sakin, at kagaya ng sabi ko, kakaiba yung paparating na halalan na ito kaya kailangan siguro na bantayan natin ng mabuti para makapag desisyon ng tama. But that’s my position right now. Basta lahat ng options ko ay open. Never say never. Mahirap magsabing “Hindi mangyayari yan.” Yung sinasabi na “Ay. Imposible yan”. Yun pala pagkagising nangyari na.

Interviewer: May I add. Hindi lang po buhay nila doon ang maaapektuhan, pati tayo. Because we are attached to yours eh so kailangan ng senado talaga na tuunan ng talagang napaka laking pansin po yung BBL natin. Gaya po ng sinabi ko sa inyo kanina, may proposal narin po si Vice Governor Tonypet Albano na magtatayo na tayo ng Ilokano, Ibanag, (…) para sa ganon, makuha din natin yung mga biyaya na binibigay sa ibang mga lugar.

Sen. Bongbong: Binibiro ko nga sila eh. Sabi ko “Masyadong favorable itong treaty, itong agreement na ginawa satin. Pano kaya kung ihiwalay na natin yung  (…) Nation. Sabi nila “Gusto din namin. Para mabigyan din kami ng 75 Billion dahil hanggang ngayon hindi pa kami nakakaramdam ng ganyang klaseng funding.”

Interviewer: Susunod po na magtatanong mula sa Bombo Radyo. Bombo Romel.

Romel: Sir tanong ko lang po sa dynasty bill kasi nabanggit mo kanina. Ano pong reaksyon mo sa sinasabi nila na parang artista na lamang ito parang moro-moro na lamang yung ginagawa ng congress ngayon at kahit kalian ay hindi mapapasa ito dahil unang una, sila po yung unang tatamaan.

Sen. Bongbong: Well yung anti-dynasty bill ay nasa saligang batas at kailangan nating gawan ng paraan, kailangan natin sundan yung batas para yung dynasties ay hindi ma encourage. That we change the system of government. Ako sa aking pananaw, edi kung yan ang nasa saligang batas, kailangan nating sundin yan. Para sakin, may magandang anti-dynasty mechanism e. Ang tawag, election. Pag ayaw ng tao sa iyo, ayaw ng tao sa’yo. Kahit pang sino ang pangalan mo. Ilan na ba ang dynasty na nabuwag mula noong mga huling eleksyon. Mga pangalan na nandyan na. yung iba 100 years nang nandyan. Yung iba 2-3 generations na. But again, the law is a law and we should follow the law so gumawa tayo ng anti-dynasty bill at tiyakin natin na ito ay magiging talagang makakatulong sa bansa at ito’y talagang magbibigay ng mas magandang pamahalaan at yung pamahalaan na yun ay mas magbibigay ng mas magandang serbisyo. That is all that I’m saying. As usual we should make sure that the law is properly designed and well-put together.

Interviewer: One follow-up question.

Romel: May iba pa po bang nangyaring decommissioning sa mga armas ng MILF doon sa committee na hinahawakan mo? Para mas mabilis daw pong maipasa yung BBL?

Sen. Bongbong: Para mas mabilis na maipasa yung BBL hindi naman siguro pagkakait pa. dahil kung ano yung kailangan naming ayusin, bago yung decommissioning, yung (…) ang kailangan naming ayusin. Ang trabaho ng Senator-Legislator ay ang batas. Hindi yung mga nangyayari sa Maguindanao, (…). Ang taong bayan nagagamot din yun. Yung nangyari sa mamasapano, ang taong bayan ang nag react. Pero ang reaksyon ko doon, dahil tinignan ko yung coordinating mechanisms para ilagay ko doon sa batas… na maganda rin para ilagay ko sa batas. Now because it was only a symbolic gesture, dahil 75 out of 15 thousand ang estimated fighters ng MILF eh. So if 15 thousand fighters, lahat yun armado, 75 out of 15 thousand is a small number. So yung kanilang firepower, yung kanilang talagang lakas, hindi naapektuhan. They are still able to conduct military operations as they were before. As a symbolic gesture, it is important na kahit papano, nagsimula na ang decommissioning. At importante na importante ang decommissioning dahil yan ang center piece nito. Lahat walang armas, walang gera. Ganun lang kasimple yan. Basta’t walang armas, walang gera. So kung mawala na lahat ng armas, kahit ano pang mangyari, eh hindi kailangan mangyari. Well kaya natin pag usapan, pag awayan lahat pero walang kapwa Pilipinong nagbabarilan at pumapatay ng kapwa Pilipino. So that is why it is important. But now that we started about this symbolic gesture, kailangan na nga natin lumipat sa substantive gestures. Wherein makikita natin, isang libo ang itinurn over na armas at 10% ng armas ng MILF eh naturn over na. kaya’t sa BBL isusulat namin, papatibayin namin para maging mas maliwanag ang decommissioning at decommissioning process dahil sa ngayon hindi ko naiintindihan kung bakit yung decommissioning process ay hindi sumusunod sa original na schedule at iba ang nasusundan na schedule. So patitibayin natin yung schedule na yan at i-center piece na lang natin yung decommissioning dahil yan ang pinaka importante dito lahat. Basta’t ma surrender ang armas, ang may hawak na lang ng armas ay ang pulis at saka AFP, eh hindi na tayo magkakaron ng gera.

Interviewer: Ms. (…) mula sa Radyo ng Bayan.

Interviewer: Thank you po Senator BBM. Lately po ata eh paborito ninyo ang Tuguegarao. Pabalik balik po kayo dito. Pinag uusapan na daw po ang 2016 elections, pero ang tanong po, handa po ba tayo? Ano po ba ang nangyayari sa National level?

Sen. Bongbong: Well eto ang problema; handa o hindi, may eleksyon sa Mayo 2016. Dahil nakalagay sa consititution yan eh. Hindi naman siguro pwedeng palitan. Nagka problema kasi na nadisallow yung kontrata ng Smartmatic sa Supreme Court dahil hindi daw sinundan ang proper bidding process. Kaya ngayon, kailangan nila i-bid uli. Hindi naman ididisqualify ng Smartmatic pero sinasabi “Ayusin ninyo ng mas maganda yung proseso”. So ito ang problema ng comelec ngayon. At siguro kailangan din na mas pasyunan yung trabaho para maging handa sila sa darating na halalan. Sa palagay ko kaya naman nila. Pero baka kailangan nila mag adjust ng marami dahil meron pang plebiscite itong BBL. Pag napasa itong BBL at naaprubahan na sa Supreme Court, magkakaroon pa ng plebesito. Yung plebesito, kailangan Makita pa kung ano yung na approve na BBL para malaman kung anong areas ang kasama sa plebesito. Pagkatapos ng plebesito, magkakaron pa ng eleksyon. So depende rin sa resulta ng plebesito yung eleksyon. So meron silang karagdagang eleksyon na kailangang i-administer. Kaya nga sinasabi nating wag nang madaliin para maging maayos naman ang pagtakbo at hindi natin tinatambak ang trabaho sa comelec kung hindi naman kailangan.

Interviewer: Another po. Sir this is something personal. What are your thoughts about Senator Grace Poe?

Sen. Bongbong: She is my colleague in the Senate. She has done very well for herself, maganda naman ang kanyang trabaho at nakikita naman natin ang kanyang performance sa survey, I assure that (…). Tinutukoy mo si sis? Ikaw naman pinong pino pa ko (…). Lumabas yung kwentong yan dahil the first time kong (…) yung 2013 na kampanya eh at lumabas. Kaya nung una siyang dumating sa senado, sabi ko “Oh papano itong gagawin natin eh pinag chichismisan tayo?” sabi ko “I-career na lang natin” kaya ang tawag ko sa kanyan si ‘sis’ at ang pagbati naman niya sakin ay si ‘kuya’. Pero alam mo ganyan naman talaga eh. Sabi nga ng iba “Sir bakit di kayo magpa DNA para maliwanag na kung sino”. Wag na mabuti na nga yung urban legend kasama ka eh diba para pinag uusapan ka ng tao. Kinarir na naming dalawa si ‘sis’ at saka si ‘kuya’. Noong isang araw nasa bahay ko yung ibang mga senador, at nag dinner sila sa bahay at nag kukwentuhan kami. Binigay namin sa Menu… kasi pag may dinner sa bahay lagi naming nilalagay “Dinner in Honor of:”. Ang ginawa namin nung araw na yun “Dinner for sis, kuya, and friends”. Alam niyo ginawa niya inuwi niya at ipapakita daw niya sa nanay niya.

Interviewer: Mr. TJay (…)

Interviewer: Sir nagbabanggaan po tayo (…) sa Pilipinas. Pero namamayagpag naman itong bansang China na sumasakop sa West Philippine Sea. Ano pong stand natin bilang (…)?

Sen. Bongbong: Sa aking palagay, mali ang ginawa ng ating gobyerno ukol sa China. Yung sinasabi nilang ayaw nilang kausapin. Ang problema na nangyayari ngayon sa mga issue na ginagawa sa lahat ng mga issue na dumadating, ay sa gitna ng Pilipinas saka ng China. At hindi maaayos ito kung hindi magkakaron ng agreement ang Pilipinas at saka yung China. Papano tayo magkakaron ng agreement kung hindi tayo nakikipag usap? Ang ginawa lamang ng gobyerno ay sumampa ng kaso sa ICJ (International Courts of Justice). Ang pag resolve ba ng mga ganyang klaseng claims ay tatlo ang paraan. Number one ang ICJ. Ang problema sa ICJ, hindi signatory ang China. At sinabi na nila na kahit anong magiging desisyon ng ICJ, hindi nila irerespeto dahil hindi naman sila kasama dyan. Yung America hindi rin kasama sa ICJ eh, hindi rin sumusunod sa mga desisyon ng ICJ. So ang ICJ, kahit manalo tayo sa International Court of Justice, walang magbabago. Ang pangalawang paraan para mag decide sa mga ganyang klaseng conflicting claims, eh gegerahin natin sila. Kung sino manalo, siya yung magtatabi ng isla na yun. Eh ayaw naman natin yun. Dahil unang una, ayaw natin makipag gera sa kahit kanino. Pangalawa, kung gegerahin natin ang China, many will die. So bakit natin gagawin yun. Ayaw naman tayo gerahin ng China rin so bakit tayo papasok dyan? So kalimutan na natin ang gera. Ang pangatlong paraan, is bilateral agreement. Thos are the only three ways to resolve an issue. ICJ is ineffective, gera is highly undesirable, and the only one left is bilateral and multilateral agreement. So ang kailangan nating simulan… sinasabi ko nga itong ginagawa nila, ayaw natin yan. Tawagin ni Pangulong Aquino yung Chinese Ambassador, mag report sa palasyo at magreklamo at sabihing “Ano tong ginagawa ninyo? Eh tayo magkaibigan dapat tayo. Pano tayo magiging kaibigan kung ganito ang ginagawa ninyo na hindi maganda?” ganito na lang. itigil niyo yung mga ginagawa ninyo at pag usapan natin. Tapos sinasabi nila, yung kanilang ginagawa ay para daw sa lahat. Sabi ko “so kung papatunayan niyo na talagang para sa lahat, (…) niyo samin. Magpa (…) kayo ng helicopter namin dyan. Yung aming mga scientists titignan yung Coral Reef, titignan yung environment…” basta ma establish na talagang… kumbaga yung offer nila, i-call natin. And that’s what I think we should do. You can never come to an agreement kung hindi ka nakikipag usap with the other party. You have to talk to the other party. So whatever our position is, we have to make it know to them to look (…) diplomatic standards. Now the other way to conduct dimplomacy is informally. Eh sabihin natin pag nag sa-shopping makikita ka mga SM, mga Robinsons dahil yung ating mga malalaking Chinese na negosyante, na doon galing, doon pinanganak, ay nag invest na noon. Sabihin natin, magpatulong tayo sa kanila. Kausapin niyo naman yung mga kaibigan ninyo kung sino pwede nating malapitan para matigil na itong gulo. Para mapag usapan na natin para makahanap na tayo ng solusyon. Yung mga nagpadala ng dance troop, oh kausapin ninyo yung mga kaibigan ninyo sa China. Yung mga negosyante, yung mga cultural, o yung mga coach. Merong nag training na Philippine Team sa China. Sino yung nakilala ninyo roon? Kausapin ninyo. Sumubok tayo kahit saan. Hindi mo malalaman kasi kung saan makakalusot. Kagaya ng sinabi ko doon sa sampung suntok isa lang tatama, eh ganun din yun eh. Susubok ka ng lahat ng paraan, baka isa doon maging successful. Yun ang ifollow-up ninyo. Baka before you know eh meron na tayong agreement sa China. But that is the only possible way that I can see. Yung sasabihin “Ah hindi. Pupunta sa ASEAN, pupunta sa UN, pupunta sa G7” though makakatulong yun, yung international influence. But ang solusyon lamang dyan will come between China and the Philippines. And you cannot have an agreement between two countries who do not talk to each other.

Interviewer: sir tungkol po dun sa pag boycott sa mga Chinese products. Sang ayon po ba kayo doon?

Sen. Bongbong: Anong gusto nating ma achieve na sinasabi na “kung i-boycott ang mga produkto natin?” marami tayong mga exports sa China. We have a million dollar trade with China. Eh kung itigil lahat yun? Sino sa palagay ninyo ang mas mahihirapan? Kung gagawin mong trade war. Osige hindi ko na tatanggapin ang produkto mo. Kung ganun edi hindi narin namin tatanggapin ang produkto mo. Sino kaya ang mas mahihirapan? Ang yaman yaman ng China eh. Hindi ganun eh. Parang kailangan pa natin makipag away. Dapat nating gawin eh aregluhin ito eh, hindi awayin. Wag mong palakihin yung away. Paliitin mo yung away at aregluhin itong problema. Solve the problem. Do not make it worst. Maaapektuhan ang ating mga producers, maaapektuhan ang mga negosyante natin, marami nang Pilipino sa china, marami nang Pilipino sa Macau, sa Hongkong, lahat yan maapektuhan. Kaya’t wag natin siguro maramay ang pangkaraniwan na tao, negosyante. Because I don’t know what will the effect be. At sasagot ang China, “We will not be (…) on China.” Di sasabihin bagong Philippine products. Palaki na ng palaki yung sunog. Imbis na naaayos ang problema, lumalala. So that’s what we have to be thinking about. Kailangang both countries will step back. Imbis na nagduduruan, step back and say “Step back, hindi na maganda ang takbo ng usapang ito.” “Halika. Umupo tayo, pag usapan natin.” Tapos yung kaibigan mo medyo may nakilalang mga opisyal, kausapin niyo yung kaibigan ninyo, lahat kayo. Ganyan ang diplomasya eh. You’re compromising. Bumigay ka ng konti at pigilan mo ng konti. Before you know, (…) of ground. At the very least, kahit hindi tayo makahanap ng agreement, pag nag uusap, baka naman matigil. “O status quo muna tayo ah. Hangga’t makahanap tayo ng solusyon.” “Tigil niyo na yan. Kami rin hindi na kami magsasalita ng kung ano anong masasakit na salita. Kayo rin tigil niyo na yan mag usap na lang tayo.” That’s the way to conduct diplomacy we do not conduct it by threatening, eh wala naman tayong panakot, wala naman tayong panlaban. Eh yung China meron na silang dalawang aircraft carrier, libo libo ang eroplano nila, libo libo ang tangke nila. Tayo? Anong meron tayo? So yung gera talaga ay hindi pupwede. So kausapin natin. That is the first step in any compromise. You have to (…) a meeting. Sa ngayon ang iniisip ng gobyerno natin eh basta’t magsalita ng masasakit at masasama, binoycott na ng Chinese Amabassador yung speech ng pangulo dahil doon sa Chinese-Philippine friendship day. Dahil it was the 40th anniversary of the signing of the diplomatic friendship with China. Binoycott nila dahil ang daming sinabi na hindi tama doon sa Japan yung ating pangulo kaya’t binoycott ng Chinese Ambassador. Problema yan. Kung titignan ninyo, imbis na gumaganda ang sitwasyon, lumalala ang sitwasyon. Ano bang gusto natin? Palalain ang sitwasyon o pagandahin ang sitwasyon? Kung gusto nating pagandahin ang sitwasyon, kausapin ninyo. Kahit na nakikipag barilan eh “Oh boss tigil na muna pagusapan na muna natin ang barilan. Pareho naman nating ayaw to.”

Interviewer: Sir (…) mula po sa DZRH.

Interviewer: (…) Sir baliktarin natin. Imbis na Duterte-Marcos, Marcos-Duterte.

Sen. Bongbong: Alam mo noong lumabas yan, hindi ko naman alam kung saan nanggaling yan eh. Eh nangyari at nangyari lang yan, dahil nasa davao ako nung minsan, last week. Nasa Davao ako, eh matagal ko nang kaibigan si Mayor Duterte kaya’t pag nasa Davao ako, lagi ko siyang pinupuntahan. Mag kape kami, mag kwentuhan kami, whatever it is. Unang una, kagaya ng sinabi ko, matagal ko nang kaibigan siya at mukang nagkakaintindihan naman kami sa aming mga political theories kaya’t lagi ko siyang pinupuntahan. Noong last time, inimbitahan niya ko sa… meron siyang programa na local. Eh syempre pumunta ako, nandun ako sa programa niya, at nabanggit lang sa akin pagkatapos ay ako pala ang inimbita na international na tao, na celebrity, sa programa niya. Kaya pala lahat sinabi, “Ay may ibig sabihin ito”. Ang sabi ng press “Ito ba ang Dutert-Marcos, Marcos-Duterte tandem eh malakas ba yan?” at “pwede ba yan?” ang sabi ko sa kanya, kahit na anong team na may Duterte, malakas yun, kahit na anong team na may Marcos, malakas yun kaya bahala na kayo (…).

Interviewer: You are threatened to (…) as the chairman of the local government. Pero may latest po kami sa DZRH na sa dami nung may ayaw sa BBL, mukang si (…).

Sen. Bongbong: Eto nga. Habang nagsasalita ako may dumating na text galing kay Senate President. At sinabi niya “I assure you there is no reorganization, tsismis lang yan.” So nagpapasalamat nga ko sa kanya na pinagtanggol niya ang mga myembro ng senado. I think that was a threatening from the palace. Siguro sa salisalita, lumabas lang. ako naman nabalitaan ko lang kasi sumagot ang tatlong senador at sabi “wag niyong gagawin yun”. Noong nakita ko yun, sabi ko “anong sinasabi nila? Anong tinutukoy nila?” tapos yung pala yun.

Interviewer: Huling tanong na po mula kay Francis(…) Pagkatapos po ay photo-ops po kasama po si Senator.

Francis: Sir maiba naman po tayo. Since kayo po ay naging chairman ng public works and highways, palapit na po yung implementation ng k-12 dito sa Pilipinas, sir. Ano po yung iaambag natin in terms of school infrastructures since kayo po yung Chairman.

Sen. Bongbong: Eto yung problema na nagiging question yung implementation ng k-12. Dahil although ang pronouncement ng DepEd saka ng gobyerno saka ng executives, wala nang back plan classroom. Diba nag announce sila na wala nang back plan classroom. Noong pinag aralan na namin ng mabuti, yung nawala na (…) as of 2010. Anong nangyari, nadagdagan naman ang estudyante between 2010 and 2015. So may back plan parin. Ang problema pati is kahit isang classroom para sa k-12, hindi pa napapatayo. Kaya medyo napapakinggan ko yung kay Senator Trillanes ay palagay ko eh tama naman siya na hindi napag isipang mabuti itong programa na ito. Dahil yung mga teachers… we were talking with your Mayor, sabi niya i-aabsorb ng DepEd ang 43,000 na LGU payed teachers. Yun ay hindi dagdag na (…). Nandyan na yan nagtatrabaho na pero… but they need another 30,000 trainers. Ang problema pa rin dahil yung curriculum magbabago, yung mga nasa CHED na professor, bababa ulit, pupunta nanaman sa DepEd dahil nga yung tinuturo nila hindi na sa college kundi sa high school na. So yun ang mga nagiging problema pa. at kailangan talaga sa palagay ko pag isipan mabuti itong programang ito kasi although maganda ang intensyon, yung implementation hindi maliwanag kung papanong gagawin. At laging nasasabi nga na matatapos ito by 2016, full implementation by 2016, hindi ko pa nakikita kung paano nangyayari yun dahil ang dami pang kailangang gawin at hindi pa natin nakikita kung pano yan gagawin. Yun lang sa (…) eh malaki na ang problema. Ang pinaka malaki nilang problema eh yung kulang sa teachers na ilalagay sa… kahit kunin na niya lahat sa CHED, eh papano naman yung CHED? San naman manggagaling ang mga professor nila? Eh pag college, iba nang usapan yan. Kailangan matataas na ang qualification ng mga mapupunta sa CHED. Hindi lang yung bagong graduate na teacher ang ilalagay mo sa CHED. Kaya madami pang problema at kailangan siguro pag isipan ng DepEd at saka ng administrasyon na bigyan nila ang sarili nila ng more time para sa implementation. O kung hindi, gawan nila ng magadang plano dahil sa ngayon, there is a policy. Meron silang kaunting implementing rules and regulations pero kulang pa ang IR nila dahil hindi pa maliwanag kung ano ang gagawin kung paano nila maiimplement fully by 2016 whereas in the middle of 2015, not one classroom for the last 2 years of highschool, not one has been built. So that’s going to be another problem. The another problem that came up dito sa usapang ito ay kung bakit hindi nakonsulta ang ang mga PTA. Dahil ang pinaka malaking stakeholder dyan mga magulang eh. Dahil added cost sa kanila. Kung kaya nila, kung gusto nila. Yung mga teacher ganun din. There seems to be a tendency in this administration na hindi very inclusive ang kanilang mga consultation. Dahil nag decide yung nasa taas, hindi na kinausap yung mga nasa baba na mag iimplement. Hindi nila kinausap ang mga (…). Hindi nila tinignan ang mga scores. Basta ang tinignan na lang nila ay ang expenditure per student. Tinatapat nila doon sa same level of expenditure per student sa Singapore, sa Thailand, sa Korea, para masabi na mas maganda yung educational system natin. But I don’t know why they need to change the educational system because there was a time in the 80s when we, in the Philippines, had the highest literacy rate in Southeast Asia. We had almost 92% literacy rate. Sana balikan lang natin yung suporta na binigay noon sa mga teachers pati sa infrastructure, pati sa school supplies, pati sa school books, eh pagandahin nila ng husto yan dahil ito talaga ang susi sa development in the educational system. Kaya’t ang problema talaga eh hindi napag usapan mabuti, hindi malaman kung paano iimplement, hindi nakipag konsultasyon sa main stakeholders which is for me is still parents. Eh yung mga parents nagrereklamo sasabihin may additional na cost yan. Sinasabi naman ng DepEd “hindi naman siguro”. Eh ipaliwanag niyo sakin kung bakit hindi… hindi naman nila maipaliwanag. So yan ang problemang nangyayari ngayon kaya nagkakanda gulo gulo yung implementation.

Interviewer: Dyan po nagtatapos ang ating press conference. Ang mensahe po, mula kay (…)

Mayor : Mauna na ko. Sa ngalan po ng mga kapatid natin sa Tuguegarao, nais ko pong magpasalamat sa oras na ibinigay po ninyo sa amin. Sa ganoon po eh naliwanagan po ng ating mga kapatid, ng ating mga liberato sa Barangay at alam nila kung ano po ang isasagot sa kanilang constituents sa mga tanong sa (…) issues sa mga panahong ito. Mga kapatid, maraming salamat nanaman kay Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sen. Bongbong: Thank you Mayor at ako’y nagpapasalamat sayo at nabigyan ako ng pagkakataon to speak with our frontliners in Local Government at maipaliwanag ko naman kung ano yung aking nagawa. And kagaya ng sabi ko kanina, kung ano man ang inyong mga iniisip, kung ano ang mga problema na inyong hinaharap na sa palagay niyo ay makakatulong ako, ay sulatan lang ninyo ko. Marunong ba kayo mag facebook? Matuto na kayo mag facebook para madali ang kontakan. So I will give you my contact numbers, I can give you my contact sa opisina, pati yung facebook, lahat ng pwede niyong gamitin na e-mail at nandito kami para ayusin ang mga iba’t ibang problema na hinaharap ng ating mga local government officials. Asahan niyo lagi na sa aking pag iisip at sa aking trabaho, ay lagi kong inuuna ang ating mga local government officials lalong lalo na ang (…). Thank you very much for your participation here today including the members of the media. Thank you for your interest in what we are doing and pagpapatuloy lang natin ang ating trabaho sa tulong ninyo, sa suporta ninyo, at sa inyong guidance na ibibigay sa amin. Thank you very much.

Mayor: May announcement si Senator Bongbong na yung Local Health Station (…). Ang napili po nyang paglalagyan ng health station para sa region 2 is in Tuguegarao and (…)

Sen. Bongbong: (…) elementary school. Yung fina-follow up kong programa para makapag bigay ng health station. Binabalita ko nga sa inyong mayor yung kanyang sinabi na Barangay people’s day. Meron din kaming ginawang ganyan sa Ilocos Norte dahil mataas ang mortality rate sa ospital dahil hindi pupunta sa ospital yung tao hangga’t malala na masyado at hindi na magamot. Kaya’t ginawa nilang outreach. Yung mga isolated Barangay binigyan ng medical mission. Pero nag umpisa sa medical mission. Pagkatapos nun naging medical-dental na. tapos sabi “Sama niyo na yung LTO, sama niyo na yung BIR, sama ninyo lahat ng ahensya para yung hindi makapunta sa kapitolyo, at least, tayo na ang pumupunta sa kanila”. So that is something that’s a good idea. That’s why health is very important at alam naman natin na pag may medical mission eh lahat ay nagdadagsaan so pinrioritize ko ito at tamang tama sa palagay ko na ito ang unang una na bibigyan ko ng health station dito sa Tuguegarao.

Back to Blog