Press conference : Tanauan, Batangas

Question: Ano pong reaksyon niyo doon sa you are being considered by the PDP Laban to be the running mate of Mayor Duterte?

Senator Bongbong Marcos: Edi syempre nakakatuwa na mabigyan ako ng suporta ng isang napakalakas na kandidato bilang Pangulo. So ako’y nagpapasalamat sa kanyang pag-alala. Siguro pag puede naming pag-usapan at tignan kung papaano ang gagawin, kung papaano ang magiging samahan ng lahat ng iba’t-ibang grupo. I’m very grateful to him for considering.

Q: Doon po sa reaction noong biglaang pagdedeklara ni Mayor Duterte sa pagtakbo niya bilang pangulo?

SBBM: Pare-pareho tayo dahil lahat tayo nanuod-nuod tayo. Pero maliwanag na game changer. Ang tukso ko nga sa mga survey, sabi ko, wala, edi lahat ng survey ninyo, tapon na muna iyan. Back to the drawing board. Mayroon na ngang lumabas na survey, NCR lang, malaki na ang pagbabago. Pero maganda iyan sa aking pananaw dahil tignan ninyo. Maraming pagpipilian ang Pilipino ngayon na kandidato for President. Bukod pa roon, hindi pare-pareho ang mga kandidato. Iba-iba talaga ang plataporma. Iba-iba talaga ang kanilang advocacy- ang kanilang ipinaglalaban. Kaya’t maganda iyan para sa akin para may pagpipilian talaga ang mga botante kung sino ang mapupusuan nila, kung sino ang magugustuhan nilang plataporma. I think that’s good. A wider choice gives the Filipino voter a better opportunity to express their desires as to who their leadership should be.

Q: Senator, nabigyan ba kayo ng assurance ng mga mayor na kayo ang susuportahan?

SBBM: Hindi. Hindi ganoon ang aming pinag-usapan. Tinatanong ko lang kung ano iyung mga issue nila at ano iyung maitutulong ko sakanila dahil hindi lang naman ako kandidato pero matagal na akong Chairman ng Local Government sa Senado. Kaya tinatanong ko kung ano iyung mga naging issue nila. Syempre iyung mga releases, kung papaano pabilisin. Kung papaano pagandahin ang bureaucracy. Syempre nagtatanong kami tungkol sa pulitika. Kung sino ang malakas dito. Kung sino ang gobernador nila. Sari-sari din. So, wala pa. Siguro kasi malayo pa. Lahat ng tao nagbabantay lang. Nanunuod lang kung ano iyung mga development, hindi lamang dito sa Batangas, kung hindi sa national.

Q: Sir, tingin niyo po sa inyong hanay na tatakbong bise-presidente, sino po ang puedeng pinakamalapit ninyong kalaban? Pinakamahirap na kalaban?

 SBBM: Well, kung titignan niyo ang survey, ang nangunguna si Senator Chiz. Again, ang survey kasi lalo na ganitong panahon, ang tao hindi pa iniisip iyung eleksyon. Ang tao, iniisip kung sinurvey mo kung ano iyung nauunang naaalala nila. Kadalasan, after ng Pasko. Kasi kami kahit iyung nangangampanya, titigil din ang kampanya pagka Pasko dahil busy ang tao sa pamilya nila at saka kung ano-anong iba-ibang ginagawa. Hindi iniisip ang kampanya. Kaya’t palagay ko magiging mas maliwanag iyan pagdating ng Enero o Pebrero. Siguradong maglalabas ng survey. Iyun ang magiging starting point iyan. Starting point. Ang tingin ko naman sa lahat ng survey, starting point. Kaya may kampanya. Para kung hindi maganda ang numbers mo, puede mo pang baguhin.

Q: Senator, tungkol po doon sa suporta ng Iglesia, ano po ang estado?

SBBM: Mabuti naman. Alam naman ninyo na matibay-tibay. Mahaba ang pagsasama at pagsuporta ng Iglesia at ng pamilyang Marcos na nagsimula sa aking ama. Mabuti naman at sinasabi sa akin ng ating mga kaibigan sa kapatiran na, sa mga kapatid, maganda naman daw. So, antayin na lang natin siguro ang pasya ni ka Eduardo. Maganda naman ang nagiging usapan namin- sa usapan ko kay Ka Eduardo at sa lahat ng mga kasamahan niya sa Iglesia. Palagay ko maganda ang magiging prospect sa Iglesia.

Q: Senator, in terms of news sa climate change, iyun po bang windmill ay makakaasa kami na mapapadami nga ito?

SBBM: Ang windmill magandang alternative energy dahil hindi kailangan ng gasolina at walang emissions. Walang carbon emissions. Pero ang nagdedecide ng kung saan ilalagay ang windmill, hindi iyung mayor, hindi iyung governor. Ang nagdedecide diyan ay iyung nature. Kung saan puede. May lugar puede, may lugar na hindi. So, puede nating paramihin iyan. Pero mamimili talaga tayo ng kung saan- kung viable. Kasi kailangan commercially viable. Kung hindi, walang papasok- walang mag-iinvest. Pero kailangan din natin maalala na hindi bawat minuto, hindi bawat araw umiihip ang hangin. Papaano pag walang hangin? Kailangan pa rin ng tinatawag na may base load na hindi nawawala. So, kailangan pa rin natin padamihin ang produksyon in the traditional na oil-fired, coal-fired. Iyun lang, tiyakin natin, para naman hindi natin sinisira ang environment, tiyakin natin na iyung pinakamagandang teknolohiya ang gagamitin natin. Marami ng magandang teknolohiya dahil sinasabi iyung coal madumi daw. Pero mayroon akong mga nakikita sa China, mayroon akong nakikita sa Japan, mayroon akong nakikita sa ibang lugar, na malinis na. Marunong na sila. Mas mahal lang. Kaya kailangan natin matutunan kung papaano dalhin dito iyun. Hindi lang coal, iyung oil-fired, lahat iyan. Kailangan natin ang traditional. Naging polisiya natin hindi na tumingin sa nuclear. Pero kung titignan ninyo ang ibang bansa, iyung nuclear ay napakalaking bahagi doon sa kanilang power production. So kailangan lang natin gawin ang lahat ng maaari natin gawin para maging mas mura at mas reliable ang pagdeliver ng kuryente hindi lamang sa consumer, kung hindi, pati sa industriya.

Q: Senator reaction lang po doon sa pagpatay doon sa bill doon sa pagpababa ng tax?

SBBM: Oo nga. Sayang magandang opportunity iyun para mabigyan naman ng kaunting ginhawa. Palaki na ng palaki ang pursiyento ng bawat pamilya, bawat household, may binabayad sa buwis. Nakakapagtaka dahil pagkadating natin sa end of year, sinasabi kagaya noong 2014, sa dami ng panay ang kolekta nila, 800 billion hindi nagamit. Bakit pa tayo nangongolekta ng malaki at tinataasan, hindi naman nagagamit? Hindi napupunta sa project. Appropriated na nga iyun, hindi pa naman nagamit. So, dapat ibalanse natin kung ano iyung ating kakayahan- kung ano iyung ating pangangailangan doon sa ating gagawing koleksyon ng buwis. Palagay ko dapat balikan iyan. Palagay ko sa susunod na administrasyon babalikan ulit iyan. Maraming kailangan ayusin sa fiscal policy sa tax code.

Q: Reaction po niyo in terms of wage increase? Kasi sabi ni Pnoy, within this year, iyung mga nasa gobyerno, tataas. Anong reaction niyo?

SBBM: Edi mabuti. Basta’t makibagay tayo ng tulong lalo na sa ating mga government workers at sa ating mga manggagawa. Sana lang hindi hanggang eleksyon lang ang increase. Sana pagka nasimulan na ay hindi na mababawi at tuloy-tuloy na iyung pagtulong natin sa ating mga workers.

Q: Sakaling mahalal na po kayo bilang vice-president, may plano po ba kayong buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant?

SBBM: Mahirap na siguro iyung Bataan Nuclear Power Plant. Mahirap ng buhayin ulit iyun. Iyung fuel nga niya naipagbili na. Kailangan maraming bagong teknolohiya mula noong itinayo iyan na dapat ilalagay bago mapatakbo ulit iyan. So, hindi ko alam kung kaya pa, technically kung kaya pa. May nagsasabing puede pa, may nagsasabing hindi. Pero ang sinasabi ko, dapat tignan natin ulit iyung nuclear power. Kasi tinitignan namin, iyung Bataan nuclear sabi nila hindi raw maganda. Hindi raw maganda ang pagkadesign. Pero ang Korea, mayroon power plant, may nuclear plant na ganyan na ganyan. Kapareho iyung design doon sa Bataan. Magthithirty years na, wala pa naman nangyaring problema. Dagdag nga sila ng dagdag. Ironically, ang pangalan noong kanilang power plant, Cory. Cory 1, Cory 2, Cory 3. Pero imbis na nagkaproblema, ang nangyari ay dagdag sila ng dagdag. Kumpleto ang kanilang supply. So, tignan natin ulit. Kung kaya pa iyung Bataan nuclear, sayang iyung binabayaran natin. Kung maaari pang balikan, edi gawin natin. Pero bukod pa doon, tignan natin kung ano pa ang puede pa natin gawin. Dahil maraming bagong technologies. Dapat makinabang tayo doon sa mga bagong teknolohiya.

Q: Sa inyo pong assessment sa inyong paglingkod at pag kayo ay naihalal bilang vice-president, ano po iyung inyong priority na dapat tutukan na problema, particular dito?

SBBM: Marami. Marami talaga. Ang sinasabi ko, maraming mga issue. Mataas ang presyo, madaming droga, walang trabaho, at iyung agrikultura natin. Lahat iyan, siguro palagay ko, may kinalaman din ang labis na pamumulitika sa pagpatakbo ng gobyerno. Ang nagiging bunga lang ng labis na pamumulitika ay iyung pagaaway-away. Kaya’t dapat natin ibalik iyung pag-iisip na pagkatapos na ng eleksyon, dapat tayong lahat isa lang ang ginagawa natin, isa lang iyung sinusundan nating plano. Lahat tayong mga Pinoy, lahat tayong mga leader, lahat tayong nasa gobyerno, ay isipin natin, alalahanin natin na walang tutulong sa atin kung hindi tayo rin. Kaya’t kung watak-watak tayo, kaya tayo nagkakaganito. Ang galing-galing ng Pilipino. Bakit tayo naghihirap? Dapat ay ramdam na ramdam natin ang progreso. Pero dahil nga sa pagkahiwa-hiwalay, iba-iba ang patakbo, iba-iba ang hangarin, iba-iba ang ginagawa, hindi nagkakasundo, balikan natin iyun. Marami namang solusyon. Pag sinasabi mataas ang presyo, edi dapat ayusin natin ang bilihin. Ayusin natin ang agrikultura. Ang agrikultura para iyung sistema noon, iyung NFA. Pag may pera ang gobyerno, bumili ng pag-ani, binibili iyung ani para hindi naman babagsak iyung presyo. Pag wala, pag tag-araw, iyun, pinagbibili naman. Para iyung presyo naman, hindi sobrang tataas. Iyung mga sistemang ganoon, para iyung dinadala sa palengke, farm gate price na. Iyung sa agrikultura, alam na natin ang solusyon diyan. Nagawa na natin noon. Dapat suportahan natin iyung patubig, iyung abono, R&D, iyung pa-utang, lahat iyan, irrigation systems. Talagang kailangan natin tulungan ang ating mga magsasaka dahil halos setenta pursiyento ng mahirap sa Pilipinas ay nagsasaka. Kaya nakakaawa naman at hindi tayo magkakaroon ng matibay na ekonomiya kung hindi matibay ang ating agricultural sector. Kahit ano pa ang naayos ng gobyerno, pagka hindi mo kayang pakainin ang iyong populasyon, wala ring progreso na makikita. Kahit na marami kang hawak na pera, kung wala namang mabiling pagkain, wala rin, wala ka rin makain. So, very simple iyan at sa palagay ko, edukasyon. Kailangan talaga natin balikan. Dahil sa ngayon hindi natin nasusuportahan iyung ating mga guro. Mayroon nga akong pinag-aaralan ngayon na puede kong malapit na isusulong sa Senado na sa aking palagay lahat ng estudyante ng SUC sa buong Pilipinas, dapat libre na ang pag-aaral. Kasi kinakalkula ko kung magkano. 15-18 billion ang magiging requirement. Kayang-kaya ng gobyerno ang 15-18 billion. Isipin mo ang dami natin mapapaaral. Isipin ninyo kung gaano karami ang hindi makapasok sa kolehiyo dahil walang pambayad. Kung sino iyung hindi makatapos dahil walang pambayad. Lahat iyun makakatapos. Lahat iyun magiging college graduate. Mas gaganda ang ating literacy. Mas gaganda ang kakayahan ng ating mga graduate. So, isang bagay iyun. Tapos ayusin natin itong pag-implementa ng K-12. May kalabuan ng kaunti iyung kanilang plano. Kailangan tignan natin ng mabuti para maging maliwanag kung papaano ang pag-implement. Iyung isang bagong issue na dati hindi naman ganoon kataas sa priority ng tao iyung droga. Mukhang kumakalat talaga. Hanggang dito ba? Kasi ang naging bago ngayon, dati mga cities, alam natin talagang mayroon iyan. Pero ngayon kahit sa rural area, mayroon na rin. Kaya siguro, maganda naman iyung by-bust na ginagawa ng pulis, pero palagay ko, dapat iyung mga malalaki na ang habulin natin. Alam ko iyan. Alam ko iyung tinutukoy mo dahil napag-usapan namin doon sa loob. Tama na. Baka magsusuicide na ang mga drug lord. Masyadong depressed ang mga drug lord sa inyo.

Q: Sir, final message po para sa ating mga Batangenos po?

SBBM: Well, maraming salamat at ako’y nabigyan ng pagkakataon na makasama kayong lahat at makausap ang ating mga kaibigan dito sa Batangas at sa aking pagpatuloy na paikot-ikot na makita ang mga problema at kung ano ang mga maaaring solusyon dito sa ating hinaharap. So, sana itong aking ipinaglalaban, itong ating pinaninindigan na pagkakaisa ng buong Pilipinas ay kayo’y suportahan ninyo ako ng sa ganoon ay maramdaman ulit ng taong bayan ang progreso ng ating minamahal na bansa. Maraming salamat. Thank you very much. Magandang hapon sa inyo.

Back to Blog