Press conference: Sta. Rosa, Laguna

Q: Inaudible

BBM: Matagal na kaming nag-uusap dahil lumalapit ako sa kanya at humihingi ng suporta, marami pa silang ibang isyu tinatalakay. Kakahiwalay lang nila sa partidong UNA, kaya hindi pa talaga na finalize. You’re asking the wrong side. Ako po yung humihingi ng tulong. Matagal na kaming kaibigan. Si Mang Pabling Garcia naging kaalyado ng aking ama. Mula noon, marami naman kaming pagsasama, marami naman kaming natulungan kaya siguro naman pakikinggan ang aking request.

Q: How big would that endorsement be, sir?

BBM: Every endorsement is important. There’s no such thing as an unimportant endorsement. But more so because they’re the Garcias of Cebu and they’re very prominent and important family that represents a political group in the most populous province in the country.

Q: Sir, factor po ba yung agreement between Cebu and Ilocos way back in 2011? They pronounced that Cebu is hindi na daw Anti-Marcos?

BBM: I suppose factor yun. Parang supportive yung kanilang binitawan na salita. Siguro makatulong yun.

Q: Sir, sa anniversary po ng AFP kahapon sinabi ni PNoy na yung reforms and programs tiwala naman po siya na ang Sandatahang Lakas ay hindi na daw magagamit sa Martial Law. Ano po ang reaksyon niyo doon. Dati po daw niyang dream ay maging sundalo pero dahil daw po sa Martial Law, hindi daw natuloy yung dream niya. Ano pong masasabi niyo doon?

BBM: I really have no reaction to that. That is his message. I don’t really know what to say. You should ask him? Why are you asking me? I really have no reaction to it.

Q: Si Neri Colmenares po sabi naman po niya liar daw po kayo dahil sa massive human rights abuses during Martial Law.

BBM: Those are very strong words. What did I lie about? But it is his opinion and we have to respect that. I do not know what he thinks that I lied about. Ano baa ng sinabi ko na nagsinungaling ako? I don’t think I have. Again, that’s their opinion.

Q: Sir, any reaction doon sa Brussels?

BBM: Terrible. Nakakatakot. Pag uwi ko kagabi, yun ang sumalubong sa akin na balita at malalang development iyan. Kaya kailangan tayong magbantay at kailangan natin ipagpatuloy ang ating proseso ng kapayapaan sa ating mga kapatid na Muslim para naman sila’y patuloy na kasama sa ating lipunan at hindi sumama sa mga grupo kagaya ng ISIS na gumagawa ng karahasan na nakita natin sa Brussels. Ngayon, buong Europa ay nakabanatay at ang buong Europa ay naka alert dahil sa ganyang klaseng pangyayari. Kahit hindi naman natin sila kilala, iniisip natin ang kanilang mga pamilya at ang mga mahal sa buhay.

Q: Sir, if you become vice president, what will be your recommendations to the next president on what to do about ISIS?

BBM: The peace process is the key. The logic is really quite simple. Kapag wala tayong magandang pagkakaisa sa ating mga kapatid na Muslim, sa MILF, salahat ng mga iba’t-ibang armadong grupo, baka sila’y magamit ng ISIS para pumasok dito sa PIlipinas. Ngunit kung nagkakaunawaan tayo ng ating mga kapatid na Muslim at sila’y may pag-asa sa ating pamahalaan na sila’y kasama sa progreso at serbisyo na binibigay ng pamahalaan, ay palagay ko maging mas mahirap ang mga grupo kagaya ng ISIS na pumasok sa Pilipinas. Kaya ang susi niyan lahat ay ang proseso ng kapayapaan.

Q: No military action?

BBM: Those who continue to fight against the forces of law, the State should defend itself. But as far as I know, although the BIFF and ASG have allied themselves with ISIS, I do not believe they are members of ISIS so we continue to enforce the peace and we continue to bring everyone, especially the armed groups to the table so we can talk peace and finally find the lasting peace that we have been searching for.

Q: Sir, mayroon na po ba sa five presidentiables na inyong tingin na kayang gawin ang sinasabi po ninyo na peace process?

BBM: Ang nakakaunawa ng mabuti diyan kaya siya nilagay sa foreign relations committee, siyempre si Sen. Miriam at nakakaunawa siya ng mabuti sa foreign policy. Nakakaunawa siya ng mabuti sa International Law kaya sa palagay ko kakayanin niya iyan. As far as I can tell, the only other presidential candidate who has experience with negotiating with those forces outside the law is Mayor Duterte. So sa mga presidential candidate iyan ang nakikita ko. Si Mayor Digong mayroon siyang karanasan sa pagkaunawa at sa pagka intindi naman ay si Sen. Miriam. Lahat ng mga bagay-bagay na iyan, lahat ng mga isyu na iyan ay talagang pinag-aaralan niya at may karanasan siya.

Q: Sir, yung kay Sen. Miriam , how do you think will she be able to rebound after undergoing treatment?

BBM: I hope that whatever new medical tests and trials she is undergoing will help her condition. That is why it’s a trial. We do not know what the results will be. But our prayers are with her, our best wishes are with her and we are willing her on to good health.

Q: Sir, this coming April 10 is yung vice presidential debate. Ano pong paghahanda ang ginagawa natin?

BBM: Sa ngayon pinaguusapan namin nakita natin yung naging problema sa presidential debate. Tinitiyak natin na hindi mangyari yun na may delay na mahaba, may hindi nagkaunawaan, may pinagka agreehan na sistema, may pinalitan. Sana naman hindi mangyari sa ibang debate yun. Walang naitulong yun sa diskusyon sa mga iba’t-ibang isyu.

Q: Do you expect sir na kayo ang magiging target doon because you are leading right now in the surveys?

BBM: Generally speaking ganyan ang nangyayari kung sino ang nauuna siya ang binabatikos ng lahat. Kaya iyan ang pinaghahanda ko.

Q: Issue of what, sir?

BBM: Ganyan ang debate at ang debate kailangan paghandaan. You cannot predict. You have an idea on what people have brought up before but you have to prepare for every question.

Q: Sir, itong si Neri Colmenares pa rin. Kinikwestiyon po niya yung mga sources of funds niyo na billions or hundreds of millions of pesos ang nagagastos niyo na advertisements niyo…

BBM: There is a process in the Comelec where we will report all sources of funds, all of the uses of the funds and we will comply.

Back to Blog