Press conference : Sofitel Hotel

SBBM: Wala pa naman kaming desisyun. Pero even iyung NP ewan ko kung nag-agree na mag form up. Pabago-bago rin. Hindi maliwanag kung ano talaga ang magiging arrangement nila. Kaya naman lahat hindi makapagdesisyun ng final dahil hindi nga maliwanag iyung political situation sa ngayon. Habang lumalapit tayo sa deadline for filing ay talagang kahit papaano kailangan magdesisyun. Makikita na natin in the next few weeks or month, mas magiging mas maliwanag kung ano ba talaga ang mangyayari sa Mayo.

Q: Sir isa rin ba sa considerations ng NP iyung sino iyung ilalaban? May ganoon ba?

SSBM: Hindi, wala. Well syempre tinitignan namin. Alam mo pag nalugar sa ganitong klaseng panahon na palapit tayo sa eleksyon, pag pinagsama-sama mo ang mga pulitiko, walang ginawa iyun kung hindi, ano kaya kung si ganito tumakbo, kung ito kasama. Nagsescenario building kami. Ganyan ang madalas namin mapag-usapan iyung mga iba’t-ibang mga maaaring mangyari. That is only speculation on our part. We still really have to wait on what will happen with the parties, with the candidates, kung sino magkasama, sinong hindi. Aalahanin ninyo, ang candidate for president, ang nagdedeklara pa lang dalawa- si Vice-President Jojo Binay at tsaka si Senator Allan. So dalawa pa lang. Ang dami namang pangalang lumalabas, hindi pa naman nagdedeklara. We have to wait for sino ba talaga ang tatakbo.

Q: Sir sa inyo may kumakausap na?

SBBM: Tungkol sa eleksyon? Lahat naman nakakausap ko in other parties kasi marami akong kaibigan. Like I said, pagka iyung mga pulitiko pag pinagsama mo sa isang kainan o isang kwarto, wala kaming ginawa kung hindi mag-isip kung papaano baa ng mangyayari, papaano kung si Mar ang kakandidato ng LP, kung hindi siya, saan pupunta si Mayor Digong, kung anong gagawin ni Senator Grace, lahat iyan. Hindi pa masagot iyung mga tanong na iyan.

Q: Pero may certain offer sa inyo Sir na position from other parties o wala pa?

SBBM: Wala naman. May pinag-uusapan. Ano kaya kung ganito. I wouldn’t call it an offer but, ano kaya kung ikaw ang tumakbo na ganito, kung ikaw ang tumakbo na ganyan. It’s just really a discussion. Hindi naman offer but a discussion on what are the options available to myself and to whoever it is I’m talking to.

Q: Sir, if you’re going to seat a higher position, saan po kayo mas inclined, president or vice-president?

SBBM: Hindi pa natin nakikita kung ano ba talaga. It’s not a question really on your preference but you will look to see what the situation is so that you know what you can do, what you can achieve. That again depends on what everyone else will do.

Q: What will make the situation clearer for you Sir?

SBBM: When people declare that I’m running for presidency, I’m running for vice-president, I’m running together with so and so, I’m running under this party. Pagka may mga ganyan na pronouncement, talagang makikita mo na kung ano iyung pattern sa mangyayari.

Q: Until the end Sir you will wait and see? Kung baga magpapahuli ka magdecide?

SBBM: You know, this is also a decision that’s made not by an individual alone, but jointly with the party. So kasama lahat iyan. Dahil pinagmamalaki nga ng NP kami iyung pinakamaraming presidentiable. Kaya’t kailangan namin pag-usapan lahat iyun. You cannot make this decision in a vacuum. Kailangan iyung mga ka-alyado mo ay konsultahin mo, iyung partido mo na maliwanag iyung iyong gagawin.

Q: Sir paano pag hindi ikaw ang mapili ng NP?

SBBM: Hindi pa naman ako nagdedeklara so malayo pa tayo doon. Palagay ko naman, hindi magiging ganoon ang usapan. Ang magdedecide ang NP kung mayroon ba kaming kandidato. Kung hindi, kung kanino kami makikipag-alyado. That’s the way that decision will be made.

Q: Sir, closed door na ba talaga ang NP po sa UNA? Wala na talagang possibility or may possibility pa?

SBBM: Siguro kagaya ng sinasabi mo, never say never. Baka mangyari pa. iyung nabanggit ko nga kanina, iyung nag-iimbistiga kay Vice-President, iyung dalawa si Senator Allan at tsaka si Senator Sonny Trillanes. Mukha talagang hindi niya tatanggapin na iyung dalawang senador sa kanyang partido.

Q: Sir sa meeting niyo with Ringo Starr, when did you meet him?

SBBM: That was in 1978? Kasi naging kaibigan ko iyung ex-wife niya. One day lumabas kami to head out for dinner, nandoon si Ringo Starr, pinakilala sa akin. Kinausap ko siya. Pinakuwento ko kung ano iyung nangyari sa kanila dito noon na sa Pilipinas.

Q: Sir may po ngayon to bring back Ringo Starr, susuportahan niyo?

SBBM: Sure, of course. No-brainer iyun if you’re a very avid Beatles fan.

Q: How did he respond to that when you asked him?

SBBM: Sabi niya, “yes, sure, I’d love to.” Let’s see when we can do it. Ang naging usapan namin talaga, kung bakit nagkagulo dito sa Pilipinas, bakit nagkaganoon. Alam naman natin iyung mga Pilipino, idol na idol ang Beatles. Bakit naging ganyan? Ang gusto ko naman malaman sa side niya, kung ano iyung nangyari sa inyo, bakit nagkaganyan? Iyun lang, pinapaliwanag. Wala naman daw nagsabi sa kanila. Nanunuod lang sila ng television sa kwarto nila, wala naman silang ginagawang iba. Miscommunication lang siguro.

Q: Senator Lacson earlier kanina reported that 424 billion pesos allotted as a lump sum budget on 2015 and some goes to government agencies, and billions of pesos goes to the DILG as a housing project and roads project. As a Local Government Chair sir, anong reaction mo doon?

SBBM: Actually napoint out ko na iyan noong budget hearings last October, November. Nagtataka nga kami kung bakit. Hindi naman function ng DILG ang housing, hindi naman function ng DILG ang health care, hindi naman function ng DILG ang mga iba’t-ibang nilalagyan nila ng budget. I suppose dahil palapit na tayo sa eleksyon, para makapag-operate ng mabuti si Secretary Mar. That’s the only thing. Bakit iyung functions nga ng iba’t-ibang ahensiya ay napunta sa DILG?

Q: Sir, did you iniate the probe regarding on that as a Chairman of the Senate Committee on Local Government?

SBBM: The Chairman on the Committee on Finance, Senator Chiz, has said that this is temporary. Gusto ko nga siya makausap para maipaliwanag niya kung ano ba talaga iyung ibig sabihin na temporary lang. Siguro what I can surmise from that statement of Senator Chiz is that, sa ngayon lump sum pa lang. pero iiitemize iyan at some point. Let’s see kung tama iyung aking iniisip. Pero hindi ko pa siya nakakausap.

Q: If there’s something wrong?

SBBM: Again, I brought this up already in last year’s budget deliberations, although nabring up natin, hindi tinanggap kung ano iyung mga pagbabagop na pinopropose.

Q: But now with, Senator Lacson, did you initiate?

SBBM: It depends. Let’s find out more about the facts first about bago mag speculate kung ano ang gagawin. Kung tama iyung aking iniisip na iiitemize eventually, ‘di walang problema iyun. Pero again, there still remains the question kung bakit napunta sa DILG ang functions ng kagaya ng housing. Basta’t maraming iba. Pati iyung mga livelihood projects, pati iyun napunta sa DILG which is not usual.

Q: Ano ibig sabihin Sir sa “I suppose palapit na sa elections para makapag-operate ng mabuti si Secretary Mar”?

SBBM: Binigyan siya ng malaking budget. That’s all I can imagine. Bakit mo ililipat ang functions ng ibang ahensiya sa DILG? DILG is there to monitor, not even regulate, but to monitor and to assist the local government units. So, I don’t know. Usually it translates into the function of the local governments kung maayos ang kanilang patakbo, kung may problema sila, anong tulong, etcetera, etcetera.

Q: Pero good news ba na nilagay iyun sa DILG Sir?

SBBM: Well nakakapagtaka dahil hindi naman talaga dapat doon iyung mga function na iyun.

Q: 

SBBM: Well, oo. Kahit naman anong mangyari, pagdating ng budget deliberations, lilitaw at lilitaw iyan. Kung nandiyan pa iyung lump sum na sinasabi, syempre magtatanong kami para saan, bakit napunta doon at papaano gagamitin iyung malaking pondo.

Q: Possible kay DILG Mar Roxas sa budget hearing na itigil?

SBBM: Alam mo sa budget hearing hindi naman siya ang kausap, kung hindi iyung chairman ng sub-committee handling the DILG. But yes, we will ask. Syempre tatanungin namin lahat ng mga tanong na sa palagay namin ay kailangan tanungin at ipaliwanag. Syempre iyun ang proseso ng budget deliberation.

Q: Sir tungkol kay Senator Grace, hindi pa siya nag yes sa LP. Actively sumisimple ba siya sa NP o kinakausap ng NP?

SBBM: Ang NP kinakausap lahat. Ganoon ang style ng aming Presidente. Lahat kinakausap.

Q: Walang special attention for Senator Grace?

SBBM: Of course iyung mga lumilitaw na pangalan, syempre kinakausap natin. She has gained the high approval ratings and all that. So naging factor siya. As I said, NP, syempre kinokonsulta namin lahat para malaman din namin kung ano iyung gagawin namin.

Q: So far may commitment o wala naman?

SBBM: Wala. Hindi pa siya nagdedeklara. Marami pa siyang pagdedesisyunan. I don’t think she has made. I’m guessing. I don’t know this for a fact. I’m guessing na siya mismo hindi pa siya nakapagdecide for herself. We’ll have to wait for that.

Q: Sir, finally may bago ng PNP Chief.

SBBM: Oo. I think necessary development, mabuti iyan. Makakatulong iyan sa ating kapulisan na mayroon ng maliwanag Chief PNP. Dahil ang OIC, kahit ano ang gawin ng OIC, ang powers niya ay limited dahil OIC lang siya. Ang policy direction ng buong kapulisan, inaantay na magkaroon ng Chief PNP bago magkaroon ng policy direction dahil hindi puede magbigay ng policy direction ang OIC dahil alam naman ng lahat, aalis din siya soon. Kaya’t inaantay talaga ito. So, mabuti iyan. Si Chief PNP Marquez is known to us kasi nag RD siya sa Region 1. So kaya niya iyung trabaho na iyan at inaasahan namin na he will do good work for the PNP.

Back to Blog