Press conference: Olongapo City

BBM: Good morning. Good morning, everyone.

Q: Inaudible

BBM: Campaigning. Two of my sons are coming home on Thursday and Friday. So, I guess we will be spending the weekend with the family together. Busy lahat, kaya kung saang maaaring mag reunion…it will just be a quiet at home, meditation and taking a break. I guess like all other Filipino families.

Q: So, are you going to Batac or Laoag?

BBM: No. I will be in Manila. Generally we spend Holy Week either in Baguio or Ilocos Norte. But this time because of the schedule, myself and the rest of my family it looks like we’ll be ending up in Manila. I think that’s good because the last time I spent the Holy Week in Manila, it reminded me of Manila when I was younger – walang trapik. So, I want to show my sons what Manila is like when there is no traffic. I hope there is none this weekend but either way, it will just be quiet this Holy Week.

Q: Sir, nung Sunday po yung presidential debate. Wala po doon yung inyong ka-tandem si Sen. Miriam. Kung nandoon po siya ano ang mapapahayag niya sa platform?

BBM: Palagay ko mapapansin ng lahat pagka nandoon si Sen. Miriam. Alam naman natin na si Sen. Miriam ay bata pa siya, nasa eskwelahan pa siya ay kinikilala na napakagaling na debater. At sa lahat ng bagay may masasabi siya bilang judge, bilang immigration, bilang senadora. At alam naman natin pag dating sa ganyang klaseng mabilis na usapan na debate medyo mainit ay palagay ko sayang na hindi siya nakarating. At kung nakarating siya tiyak na siya ang magiging pinakamagaling sa lahat ng mga kandidato sa debate.

Q: Sir, follow up lang po with regards doon sa presidential debate. Napanood niyo yung complete debate?

BBM: Hindi eh.

Q: Ay, hindi pa. So, wala po kayong assessment, sir, sa nangyari doon?

BBM: Well, I read reports at nakausap ko yung mga nakapanood ng buo, pero dahil sa delay mayroon kaming ginagawa sa gabi and I haven’t had a chance to watch it since. Pero mukhang mas naging mainit at mas talagang mas tunay na debate yung bagong format, so, tinatanong ko nga sino ang nanalo? Iba-iba.

Q: Sinu-sino sir sa assessment based sa four na candidates?

BBM: There’s an assessment in the sense that one did this and one did that. But debates in general are a chance to express your opinion play up their platform. But I think this debate was slightly different. Iba’t-ibang kandidato ay talagang nagtanong na nagiging mainit sa ulo ng kanilang mga kasamahan. I would be interested to know some ordinary debate thing. Hindi yung media na…kung hindi yung conventional. I’m sure the surveys would come out very soon and I’m interested to know what makes for a successful debater when it comes to ordinary people.

Q: Sir, mayroong vice presidential debate. Mayroon po kayong preparation na ginagawa?

BBM: Right now, we’re still discussing. Marami kaming mga tanong, pero palagay ko ang format pareho sa naging format nung isang presidential debate. As far as I know, ganun pa rin ang format…

Q: Yung sa EDCA, mukhang nandoon na sila sa implementation sa mga bases. Hindi pa nagbabago ang posisyon ninyo dito? Anything you can say on this?

BBM: Sa umpisa pa lang, sa aking pananaw treaty ko, sana ay na ratify ng Senado. Sinabi Executive Order. Kailangan natin tingnan ng mabuti kung ano ba talaga operational effect nitong EDCA kasama ang mga Amerikano kasi essentially rotating. Pero palagay ko sinasabi nilang rotating dahil para iwasan na sabihin ang base. But it in the end, I think that is what it is going to be. Kaya kailangan nating pag-aralan ng mabuti papaano ba ang pagpapatakbo dito sa mga bases? Ang naging concern namin kaya ang pagkaroon ng tanggi naming sa Senado ay, unang-una, is that it will be a depository for nuclear weapons. At ang Amerika ay hindi umaamin. Ang tanong bakit may mga area hindi allowed ang mga Filipino dito sa mga bases? Dahil sinasabi natin na itong mga base na ito under Philippine military, Philippine armed forces. Papaano naman hindi tayo makapasok sa iilang sektor sa ating sariling base? Pangalawa, kung ano yung equipment dadalhin dahil sinasabi marami tayong makukuhang fighter jet, marami silang itatayo na bagong building. Siguro, interesado akong malaman yung mga facilities na yun. Anong equipment yung dadalhin nila diyan? At finally, ano ang iiiwan nila? Dahil hindi naman sila nagbabayad. They have the privilege of using that. There should be an exchange of different training exercises ng ating military. Again, hindi pa masyadong maliwanag yun. Dahil wala pa yung implementing rules. I’m very interested to know the actual operational implementation of it.

Q: Good morning. Some problems facing the West Philippine Sea. We have latest reports of incidents of harassment from China’s coastguard against Filipino fishermen. What’s your assessment on government’s action on this? How would you address this kind of issue?

BBM: My view has not changed. Ang approach ng ating gobyerno ay kulang dahil ang ginagawa lang natin ay mayroon tayong arbitration sa United Nations. Pero palagay ko kulang yun dahil kung patuloy na patuloy itong sitwasyon, palala ng palala, palayo ng palayo tayo sa sa Tsina at nakita naman natin doon at siguro simulan na natin ang pag-uusap sa China. Para maumpisahan na ang pag-aayos ng problemang ito. Dahil sa kasalukuyan, sinabi na ng China na kahit ano ang desisyon ng UN, hindi daw nila tatanggapin. Kaya anong mangyayari ngayon doon? So, siguro panahon na…Ang mga mangingisda natin dati, kasama ng mga Chinese na mangisda eh. Kasama silang lumalabas. Kasama silang kumakain. Ibalik muna natin sa sitwasyon na yun. And the only way to do that is kausapin natin ang China. Huwag nilang i-harass ang fisherman natin, huwag din nating i-harass ang fisherman nila. Basta nasa international waters. Sa aking pananaw, dapat matagal ng sinimulan ng gobyerno ang bilateral talks with China. At sinasabi kong bilateral talks hindi lamang government-to-government, kundi pati informal, pati educational exchange, pati sports, pati cultural exchange, lahat iyan dapat nating gawin para masimulan ang proseso sa pag-aayos ng problema sa Pilipinas at China. Maliwanag na maliwanag na hindi maayos iyan kung hindi mag-aagree ang China at ang Pilipinas. At hindi mag-aagree ang China at Pilipinas hanggat sila’y hindi nag-uusap. Kaya kailangan natin bilisan yung proseso dahil alam naman natin na ang prosesong iyan ay hindi matatapos sa isang araw o sa isang linggo. Mahabang usapan iyan. Kaya dapat siguro hangga’t maaga, simulan na.

Q: Sir, you did mention na hindi tayo makakasingil sa mga Amerikanong pupunta dito. Mas maganda pa yung dati na nagbabayad sila as part of US bases.

BBM: Well, I think hindi naman siguro kailangan in cash o in kind. In terms of training, in terms of equipment, lahat yun. Usually, pag may exercises sa atin, yung darating na gamit, iiwan na sa atin. At yung paggamit sa mga bagong equipment, tinuturo sa ating mga sundalo. Hindi ko alam kung ano ang arrangement nila ngayon. Noon sa Subic, ganyan ang exchange of information, exchange of technology. Kaya sana naman, ganun din na mayroong advantage para sa Pilipinas. Hindi lang natin ginagawang target ang Pilipinas kung hindi ay dinadagdagan din ang kakayahan ng ating military.

Q: Sir, follow up question. Sa kali man maging vice president kayo, anong gagawin niyo sa EDCA?

BBM: Kailangan siguro nating balikan iyan pero it is a signed agreement already. So, it undermines our Supreme Court na kailangan nating sundan pero pwede nating pag-usapan. Alaman natin and we’ll just get the best possible deal for the Philippines also. Of course they provide protection. Pero hindi maliwanag.

Q: Noong pong nakaraang second round debate ginanap po sa Cebu, sila VP Binay at Mayor Duterte sang-ayon ilibing ang inyong butihing ama sa Libingan ng mga Bayani. Ito po bay kahulugan ang suporta ng dalawa sa inyo bilang tumatakbong vice president sa ating bansa?

BBM: Hindi dahil mayroon silang mga sariling vice president. Sila ang nagsabi na suportado nila ang paglibing sa aking ama sa Libingan ng mga Bayani at lahat kami nagpapasalamat sa kanila. Pero sa palagay ko darating din tayo doon at aantayin na lang natin ang kung ano man ang magiging desisyon kung sino man ang mauupo pagkatapos ng Hunyo ang magiging bagong pangulo. Iyang isyu na iyan ay matagal na nandiyan at maliwanag naman ang posisyon ng pamilyang Marcos. Maliwanag ang posisyon ng pamilyang Aquino kaya nandoon tayo ngayon. Hangga’t magbago yun, ibang isyu na lang ang pag-usapan.

Q: Kung saka-sakali pong mahalal yung dalawa, ang presidente si Mayor Duterte o si VP Binay, kung magbibigay po ng offer sa iyo na humawak ng department, anong departamento ang inyong gagampanan?

BBM: Pagka nagkataon, ang sasagutin ko ang DOLE. Naitanong na sa akin ito, sinasabi ko DOLE dahil iyan ang isa sa pinakamalaking problema sa Pilipinas ngayon ay trabaho. Marami pa tayong kailangan gawin para maging mas maganda ang sitwasyon para sa ating mga graduate, para sa ating mga OFW, para sa ating mga manggagawa at ng ating labor force ay talaga namang nangangailangang suporta, tulong at proteksyon ng ating pamahalaan. Sa palagay ko wala na tayong kailangan idagdag na programa, wala na tayong kailangan idagdag na batas, at kung ano yung batas ngayon, ano ang programa ng pamahalaan ngayon, ay siguro ang gagawin lang natin ang dapat talagang gawin ay ayusin ang takbo at pag implementa ng mga batas na iyan…at sa ating palagay basta’t masimulan ng gobyerno ang, halimbawa, yung training at yung imprastraktura, malaki na ang magagawa at malaki na ang pagbabago na mararamdaman ng ating mga OFW.

Q: Sir, dito sa money laundering scam, dapat daw po bawat government official i-disclose ang bank deposits?

BBM: Ang lumalabas sa imbestigasyon, may talagang ginawang pagkakamali ang RCBC at yung mga tauhan nila. Kaya naman nakita iyan dahil sa batas. Kasi kailangan nating pag-aralan iyan ng mabuti. Kaya may bank secrecy law dahil para sa mga negosyante, para hindi ma-atake ang kanilang pag-aari ang kanilang kayamanan, kaya may bank secrecy law. Lahat naman ng mga bansa may bank secrecy law. Bukod pa riyan, mayroon tayong mga financial agreement na kailangan sundan para tayo’y makasama sa global financial systems. Hindi simple iyang isyu na iyan. At sa aking palagay, nandiyan naman yung batas, effective naman yung batas. Ang problema, hindi yung kakulangan sa batas, kung hindi ang hindi pagsusunod ng mga proper procedure ng mga banking laws. Yun ang problema. Yung enforcement. Lagi namang problema iyan sa Pilipinas eh. Marami tayong batas pero kulang sa enforcement at implementasyon.

Q: Yung isyu sa ancestral domain, mayroong panukala na amyendahan ang IPRA Law. Ano po yung paninindigan niyo dito?

BBM: Palagay ko… anong babaguhin doon sa IPRA Law? Again, the law is very clear, pagka na accredit na ang ancestral land, historically proven, na ancestral lang ng indigenous peoples ang isang lugar, magiging pagaari ng tribu na yun o grupo na yun. It is in the implementation. Kumpleto ang registration, ang implementation ang kailangan. The problem is not in the legislative department. The problem is in the executive department. At hindi natutugonan ng ating namumuno sa executive department ang problemang iyan dahil hindi nila naiimplementa ng mabuti ang batas. Marami naman akong nakakausap na mga IP, mga Lumad, at ang kanilang sinasabi implementahan ang IPRA Law. Hindi nila hinihingi na palitan ang IPRA Law. In fact, nagpapasalamat sila na may IPRA Law, pero hindi nasusundan dahil hindi masyadong masigasig ang pag implementa ng IPRA Law ng ating administrasyon ngayon.

Q: Good morning, Senator and incoming Vice President Bongbong Marcos. Pinapatanong po kung nasa Liga ng Mga Barangay – tinatanong po nila kung ano ang masasabi niyo tungkol doon sa Republic Act 7610, nagkakaproblema po sila sa mga bata, mga minor na mga delikwente. Imbes po nadadampot nila, idala sa kulungan o sa DSWD, malakas pa ang loob ng mga bata na nagpapakita ng birth certificate na minor sila. Ano po ba ang magagawa ninyo sa batas na ito na nagiging problema sa sambayanan dahil sa napakalakas ng loob ng mga kabataan na gumaw ng krimen?

BBM: Actually, ang katotohanan hindi ang kabataan ang naglalakas ng loob. Sila ay ginagamit lamang dahil ang menor de edad ay hindi dapat damputin, hindi dapat makulong. Kaya ang ginagawa, lalo na ng mga drug syndicate, ay ginagamit sila. At balik na naman tayo diyan. Kumpleto naman ang batas, hindi na iimplementa. Hulihin nila ang mga drug syndicate. Hulihin nila ang mga nagsasamantala ang batas na may proteksyon sa mga kabataan. The source of the problem is hindi yung kabataan. The source of the problem ay yung drug lord, yung drug syndicate. Yun ang dapat baklasin. Let us not overly punish pero kung gumagawa talaga sila ng krimen, may pananagutan sila, kailangan sila managot sa kanilang gawin kahit na sila’y menor de edad o hindi man. Ngunit, hindi diyan nanggagaling ang problema. Ang problema nanggagaling dahil pinababayaan natin ang mga drug lord, ang mga drug syndicate at pinababayaan natin silang gumamit ng mga kabataan para maligtas sa pagkakakulong. So, ang dapat nating i-target, kumbaga sa bomba, collateral damage ang kabataan. Ang talagang target dapat ay sindikato at ang drug lord.

Back to Blog