Press conference : Mariveles, Bataan

Senator Bongbong Marcos: Dahil lahat sila, ang trabaho nila ay malalayo. Hindi natin sila nakikita. Ganito halimbawa, iyung eskwelahan hindi naman doon mapupunta kung hindi ka talaga magiging kadete, kung hindi ka talaga nagtatrabaho dito. So, kung minsan nakakalimutan gaano kahalaga ang ginagawa ng ating mga seafarers, ng ating mga marino. Dapat ibalik natin sap ag-iisip kagaya nga ng nabanggit ko, wala pang OFW, ito na ang OFW. Maagang-maaga pa, milyon-milyon na, bilyon-bilyon na ang kanilang kontribusyon sa ating ekonomiya. Kaya’t pagka naman mayroon silang hinihingi, at mayroon silang sa palagay may kulang sa kanilang gamit. Kagaya ng nabanggit nila na training ship, kailangan dapat seryosohin natin. Talagang hanapan natin ng paraan dahil nakikita naman natin kung ano man ang naitutulong natin ay maganda talaga ang resulta hindi lamang para sa mga kadete, hindi lamang para sa industriya, kung hindi para sa bansa.

Question: Sir, hihintayin pa bang maging vice-president kayo para ma-iprovide iyung training ship na iyon?

SBBM: Ang mahirap sa training ship, madali lang naman bumili ng training ship. Ang problema iyung sino ang magmaintain. Iyun ang medyo mahal. Pero sa palagay ko, kung magawa natin iyan at matuloy ang pagbigay natin ng isang training ship para sa ating mga magiging marino, mababawi, kung ano man, mababawi naman kaagad iyan dahil nga sa dami ng kontribusyon nila. Malaking bagay iyan. I think that the government should undertake a policy that is more supportive and that recognizes our seafarers more. Sa ngayon, hindi gaano. Kagaya ng sabi ko, dahil out of sight, out of mind. It is good and I am very happy na nakapunta ako para mapaalala nga kung ano ang kanilang ginagawa, what is the state of the industry and how do we move forward.

Q: Sir, may tanong lang ako Sir. Kasi iyung Mt. Samat Sir, may plano ang TIEZA na diba, iyung masterplan? Ano po ang palagay niyo ang magandang recommendation to attract investor? Para maging premiere tourist spot ang Mt. Samat na number one project ng inyong father?

SBBM: Hindi naman siguro tayo ang magsasabi. Dapat makipag konsulta sa industriya kung ano ang kanilang kailangan. What I have been espousing is, since nakapasok ako at nagchair ako ng committee on public works, sinasabi ko, dapat business driven ang ating infrastructure. That’s perfect. Kaya naman napunta tayo sa prioritization ng mga tourist destinations, pati sa ating paglagay ng kalsada, ay inuuna natin ang mga tourist destinations. Ang puwerto, ang airport. Dahil diyan, kailangan business driven. That again, the only way to know what is to ask them. Dahil sila ang nakakaalam. Sila ang nagpapatakbo. Sila ang magdadala ng bisita sa atin. That I think is the best method. That’s the way forward but kailangan masabayan iyan ng additional na infrastructure dahil congested na ang airport natin. Sa Maynila, congested na ang puwerto natin. Kailangan na natin dagdagan ang ating kapabilidad, ang kakayahan para naman kung tayo ay mag gagawa ng mga magagandang tourist destination, mayroon din tayong katumbas na facilities ng puwerto at saka airport at saka lahat ng mga iba’t-ibang kailangan na facilities para naman masuportahan kung ano man ang magiging project.

Q: Sir, ang Bataan, halos lahat ng mga vital na structure dito ay galing sa father mo. One is The Philippine Refugee Processing Center, The Export Processing Zone, at iyung Nuclear Power Plant. Ano po ang balak ninyo once you become the vice-president, irereactivate ba iyun? What Sir?

SBBM: Well, iyong Bataan Nuclear Power Plant, ang problema sa Bataan Nuclear Power Plant ay naipagbili na ang fuel. Kailangan kung papaandarin natin iyun, siguro halos babaguhin ulit at lahat ng equipment. Although very well maintained. Napuntahan namin very well maintained pa rin. Kailangan ng baguhin dahil marami ng bagong mga teknolohiya. So, medyo mahirap iyun. Siguro mas madali to start with a clean sheet of paper. Most people do not realize na iyung Sierra Lakes, ginawa iyan para sa Bataan Nuclear Power Plant. Hindi naman iyan resort ginawa. Nagka resort na lang dahil nagkaroon ng bagong lake. Pero we can still use that. Iyung excess power, aakyat nila iyung tubig pag kulang iyung power, pabababain iyung tubig para may hindi lang nuclear power plant, pero may hydro pa. So, nandiyan pa iyan. Available pa iyan. Malaki na ang trabaho ang nilagay diyan. Para sa akin may potential pa. Palagay ko dapat tignan natin.

Q: Sir, nananalo si Grace Poe sa SET.

SBBM: Congratulations to her. Iyun naman talaga actually. Iyun ang inaasahan namin na makakatuloy siya dahil nga naman siya ang gusto ng tao. Kung talagang siya. Dapat naman ay may pagkakataon siya para ipakita kung siya ay pagbibigyan ng taong bayan. So I think everyone should have the same opportunities as everybody else.

Back to Blog