Press Conference: Koronadal City, South Cotabato

BBM: I would like to thank all of those who had a part in organizing this. Mukhang maraming activities ang ginawa. So, pagkatuloy-tuloy na ganyan, makikilala ang T’nalak Festival hindi lang dito sa Southern Philippines kung hindi sa buong Pilipinas. So congratulations sa inyong lahat.
Facilitator: Okay first question.

Q: Magandang hapon po Mister Senator. Sir, uupdate lang namin. Kamusta na po iyong substitute bill po natin na nariyan po sa Senado?

BBM: Ganoon pa rin. Sinusulat po rin. Hindi naman simple lang na bill ito. There are one hundred fifteen (115) provisions. We have to go through it one by one. Siguro, soon after ng SONA baka mabigay ko na sa mga kasama kong Senador.

Q: Pero Sir, ano iyong talagang kinaibahan ng substitute po natin kumpera sa orihinal na bersyon ng Malacanang?

BBM: Marami-rami. Hindi natin mapag-uusapan lahat. Pero basically ang inaayos namin ay iyong sa Constitutional. Iyong kinekwestyon iyong constitutionality. At saka iyong mga economic provisions pati na iyong mga administrative problems na nakikita natin. Pero mainly iyon. Constitutionality, iyong administrative, iyong power sharing, at saka iyong economic provisions. Iyon iyong mga kailangan tignan ng mabuti dahil sa original na version na binigay sa amin ng Palasyo, ay marami ng labag sa Constitution, maraming labag sa batas, at madaming hindi maaaring ma-implement. Kaya ginagawa namin ang lahat para naman kung mapasa iyong version namin ay maging matagumpay ang BBL.

Q: Mister Senator, pagrerecruit ngayon ng MILF at saka iyong ginagamit iyong resources ng DSWD?

BBM: Well, mayroon kasing mga report na iyong pangrecruit ng MILF ng mga… fighters ay binibgyan ng pera at saka pati bigas na mayroon pang tatak na “DSWD”. Iyong mga binibigay ng DSWD ay ginagamit pala sa pangrecruit so iyon ang nagiging report at nakikita namin. Nireport ko naman ito sa DSWD para alam nila iyong mga nangyayari. Titignan natin kung anong maaaring magawa.

Q: Ang mga nasa BBL po ay maraming mga armas, walang mga lisensiya alam namin iyong mga baril na ito. Anytime pag nandiyan na iyong mga baril na hig powered iyong iba pero iyong ordinaryong mamayan na gusto magtanggol ng kaniyang sarili, katakot-takot na requirements mula sa clearance hanggang sa bago makakuha ng lisensiya ng baril, ito po ay sinadya talaga para hindi magkaroon ng baril ang sibilyan?

BBM: Marami ngang nag-aalala na kung papaano ang mangyayari lalo na pag nagkaroon ng plebisito na, nagkaroon na ng eleksyon, ang mga authorize lang humawak ng baril ay iyong mga MILF at hindi sila hinuhuli pero gaya nga ng sabi mo, iyong mga iba na may dalang baril ay hinuhuli kaagad at kung mayroong loose firearms kaya ang ginagawa ko ay pinapabilis ko at pinapatibay ko sa version ng BBL iyong decommissioning process para mawala na sana by the time magka-eleksyon, ay wala ng baril para kahit sino puedeng sumama. Hindi naman natin puedeng maaring sabihin na it’s a safe and a fair election dahil syempre kapag pumatol ang isang grupo ay alam naman natin kung ano iyong maaaring mangyari. So, kailangan mabawasan. So, iyon iyong ginagawa namin. Isa sa pinaka-importanteng bahagi noong BBL na version na gagawin namin, ay iyong decommissioning. Pinapa-una namin iyong malalaking, iyong tinatawag na, crew served weapons at saka ihohold iyong iba’t-ibang ay papalitan namin para maging mas mabilis ang proseso ng decommissioning.

Q: Good afternoon Senator Bongbong. My first question is, will you attend the President’s SONA? And my follow-up is, since the day that the President will deliver the SONA, it will be the first day of business for both Houses of Congress, so what will be the first business of Senator Bongbong?

BBM: Although it is technically the first opening, wala, we don’t conduct any business. It is just there for a joint session of Congress for the State of the Nation but we do not really take up any matters on that day. The next day, simula na, babalik na naman kami sa session, sa dating trabaho. I am hoping by then na maibigay ko na iyong version na ginagawa namin para sa BBL na ibibigay na namin sa mga Senador.

Q: Will you attend the President’s SONA?

BBM: Yes, of course. Why not? I have not yet missed a SONA. There was once, iyong kay Ramos’ time. Because hindi kami makapasok sa traffic dahil ang daming demonstrator, hindi kami makapasok. Kaya’t pagdating namin ng Batasan, tapos na. That’s the only time I missed the SONA.

Q: Good afternoon Senator. I’m… DZRH in Mindanao. Noong dumaan ako ng Camp ng Ramadan, I saw the tarpaulin, tatlong (3) Senators, isa ka doon na tinaguriang “anti-BBL”. What’s your reaction on this?

BBM: I don’t understand how they came to that conclusion. If I was really anti-BBL, I would not touch the original version. You know why? Siguradong talo sa Supreme Court iyon. Inaayos nga namin para hindi matalo sa Supreme Court. Nagtataka nga ako bakit ipinipilit nila, no changes. Kung no changes iyan, walang mangyayari sa BBL na iyan. I guess everyone is entitled to their opinion but I cannot see how they can come to that conclusion. Ang ginagawa ko lang pinagkumpleto ko lang ang lahat ng proseso dahil mayroon kaming nakitang pagkukulang doon sa proseso na ginawa ng OPAPP at saka ng negotiating panel ng Republic of the Philippines. So, kagaya ng hindi nakapagkonsulta sa mga ibang stakeholders, kaya natagalan. Kasi kung ginawa ng OPAPP ito before, hindi na namin kailangan gawin. Pero since hindi nila nagawa, kami na lang ang nakipagkonsulta. That’s why your Governor came to the Senate dahil iyong mga LGU’s ay inimbita ko lahat para makapagsalita. Iyong mga Sultanates pinapunta ko rin ng Senado para magsalita. Iyong MNLF, naghearing din kami. Iyong business community, naghearing din kami para sa economic provisions. Ito lahat, sinasabi ko nga, kung ginawa sana ito sa umpisa, ay hindi na namin kailangan gawin. So, siguro because of that, I’m trying to be thorough, sinasabi dinedelay ko. Lahat ng nagsasabi na nagdedelay ako, ipinakita ko iyong schedule, ano ang gusto ninyong kanselin natin diyan sa schedule? Ano sa palagay niyo ang hindi importante? Wala naman silang, maipakita. So, ang problema gusto nilang madaliin. Kaya’t nagtataka ako, bakit niyo kami minamadali? Importante ito masyado. Everytime magkahearing kami noon, basta’t nandiyan iyong OPAPP, tinatanong ko sila, bakit kayo nagmamadali? Ang pinakamalaking delay sainyo nanggaling. Iyong six (6) months na pagdelay doon sa pagbigay ng BBL. Sumunod doon Mamasapano. Again, mga two (2) months iyon na pag-imbestiga. Kung hindi nangyari lahat iyon, siguro tapos na ito by now. Pero ganoon ang naging time table kaya huwag naman nila isipin na ako’y nagdedelay. It’s just mistaken. We’re just doing our jobs and we are trying to be thorough.

Q: So may tendency Senator na aabot pa ito sa next administration?

BBM: Malamang, malamang.

Q: Mister Senator, tungkol sa decommissioning, sinabi ng MILF, unless maaayos iyong BBL, iyong sa kanilang bersyon, ituloy ang decommissioning, ang sa kwan naman, thirty percent (30%) ang bago mapiramahan? Ano ang tingin niyo dito?

BBM: Well, alam mo ang dapat diyan ay magcompromise at magcompromise nga. Hindi iyong naglalagay ng mga conditions. Ang sinasabi kailangan ang BBL, in this shape in that form, hindi mo pupuedeng iblackmail ang Kongreso. Gagawin namin ang trabaho namin sa alam namin na tama. Kaya’t ako lagi kong sinasabi hindi ako natatakot gumawa ng tama. Kahit ano pang sabihin nila, kung alam kong tama ang aking ginagawa, iyon ang gagawin ko. So, that’s what we are trying to do right now. Lahat ito ng mga conditional na decommissioning gagawin nga namin hindi lang conditional. Gagawin namin, ilalagay ko na sa batas para maliwanag na maliwanag na kung ano iyong schedule ng decommissioning, kung papaano ang gagawin kasi sa comprehensive agreement ng decommissioning, walang nasunod. Walang nasunod. Ang binigay nila two (2) weeks ago, iyon g dinecommission nila na baril, seventy-five (75) pieces, karamihan more than mga kalahati. Iyong iba hindi pumuputok. So, hindi naman tama iyon na sasabihin iyan ang umpisa ng decommissioning. Decommissioning iyong pagbigay ng crew served weapons, iyon ang importante, iyong crew served weapons. Iyong binigay na crew served weapons mga tube lang, walang side. So, kulang. Kulang ang gestures of good faith ng MILF. Pigil na pigil sila. Ayaw nila makipagcooperate sa gobyerno. Kaya’t iyong decommissioning, we will try to make a more stringent system, time table sa decommissioning.

Q: Filing of candidacy is fast approaching, plan for 2016 and how do you react on Duterte-Bongbong Marcos tandem in 2016?

BBM: I don’t know. It’s not up to me to react. It’s on what the people will say. Of course, napapag-usapan iyan. Mayor and I talk often. Hindi naman often, pero nag-uusap kami. Wala naman kaming napag-uusapan, lahat iyan galing sa inyo, galing sa media. So, wala. Kami, nanunuod lang kami. We are watching the developments come in the political arena. Titignan natin how things will develop in the next few weeks.

Q: Are you open to run for President?

BBM: I’m open to run for the Pope if you want me to run. I’m open to anything, this is politics.

Q: Good afternoon Senator, Senator, ano po ang magiging assurance po natin na magiging katanggap-tanggap iyong pag-endorse niyo ng BBL, kasi nagpa-unang pahayag na po iyong MILF na hindi nila tatanggapin iyong bagong version ng BBL kumpera sa orihinal na version Senator?

BBM: Well, that’s too bad pero again, as I said, gagawin namin ang lahat para maging maayos iyong version na maipapasa dahil nga, hindi naman siguro puede na we are being, iyong nananakot na sinasabi magkakagera kung hindi ganito, kung hindi ganyan. Maliwanag ang trabaho natin. Maliwanag ang reponsibilidad namin na kailangan namin tiyakin na lahat ng maipapasa na batas sa Kongreso ay hindi labag sa Constitution. Magiging matagumpay na talagang magdadala ng kapayapaan. All of these things have to be part of it. So, the MILF will react kung ano man iyong kanilang opinyon pero huwag sana silang magulat pagka tinapat namin sa aming responsibilidad at trabaho namin na ayusin lahat ng batas. Lahat ng batas ganyan ang ginagawa namin. Hindi naman sa BBL lang. so, iyan ang dating gawi. Iyan ang trabaho ng Senador. Iyan ang trabaho ng Congressman. So, itutuloy namin kung ano iyong trabaho namin. The MILF will just have to react kung ano iyong kanilang iniisip. We cannot base it on what the MILF is saying. We can only base it on the law.

Q: Ano ang gagawing bargaining mo sakanila?

BBM: Hindi ako nakikipagbargain kahit na kanino. Nagsusulat ako ng batas. I’m not bargaining on anybody. I’m not negotiating anything with anyone. I’m fixing the BBL so that it is a good law.

BBM: Sa tourism, kahit kami sa Ilocos Norte, naalala ko nagkagulo rito sa South. Nacancel ang aming naging tournament. Mayroon kaming international tournament. Sabi ko bakit. May sumabog na bomba sa Basilan ata iyon. Sinasabi ko sa kanila, ang layo ng Basilan dito, bakit? Sabi, basta Philippines. Kaya’t pagka nawala iyong gulo, pag naging maganda ang version na naipasa ang BBL, maging matagumpay ang BBL na magdala ng kapayapaan, siguradong, ang dami ko ng nakitang maganda sa Mindanao. Sigurado dadagsain ng tao iyan. Pagka nga iyon, ay hindi natin ginawang putukan, iyon ang epekto noon. Iiwas hindi lamang ang turista kung hindi ang mga investor.

Q: Sir, Senator Marcos, follow-up doon sa BBL natin. Sir, may timeline po ba tayo doon sa substitute bill?
BBM: Matatapos iyong substitute bill, I’m hoping after SONA maibigay ko na sa Senado.

BBM: Kung titignan ninyo iyong draft BBL, ang laki noong pondo na binibigay sa Bangsamoro Government sa draft BBL. Walang binibigay ang Bangsamoro Government sa national government. Walang kontribusyon sa national. Kaya’t sinasabi ng tao, ang ginagawa natin, we are rewarding iyong mga nanggulo, iyong mga nanggera. Kaya’t ang biro ko nga sa kanila, ihihiwalay na namin iyong Ilocano nation. Baka iyong Kapampangan gusto niyo? Magkadakit naman tayo. Baka bigyan din tayo ng seventy-five (75) billion a year. Baka marami tayong gagastusin. That is the price of peace. That is understood. That is accepted. That is the price of peace. Iyon lamang, kailangan na kailangan na kung talagang magbibigay tayo ng tulong sa Bangsamoro Government sa Muslim Mindanao, ay maging maliwanag kung saan gagamitin iyong malaking pondo na iyon dahil bawat sentimo na ibinibigay sa Bangsamoro, hindi galing sa Bangsamoro iyon dahil ang Bangsamoro hindi na nakikipaghatian ng koleksyon sa national government. So lahat ng ibibigay na pondo ng national government ay galing sa lahat ng ibang probinsiya sa labas ng Bangsamoro. Ngayon, sinasabi naman nila, mababawasan kami. Iyong seventy-five (75) billion, mababawasan kami ng seventy-five (75) billion na puedeng gamitin ng mga LGU. Pero kung talagang iyan ang kailangan gawin para masabi natin na accelerated ang development ng Muslim Mindanao, dahil nasasabi nga, tama rin naman na iwan –iwanan. Pero hindi iyong basta’t pipirma ng cheke tapos ibibigay na ganyan. Kailangan malaman natin na talagang pupunta, gaganda ang eskwelahan, dadami ang ospital, gaganda ang serbisyo na binibigay ng pamahalaan sa tao. Iyon ang importante. Kaya’t kahapon nakipagmeeting ako sa mga ating mga economic managers at saka mga propesor ng economics para pag-aralan kung papaano ba natin puedeng gawin para maging maliwanag na maging accountable, maging transparent ang paggastos nitong malalaking pondo na ibinibigay ng national government. Para naman masabi ng ibang mga LGU, may kabuluhan naman pala na iyong nawawala na pondo sa amin, at least nakikita namin, tumutulong at natigil ang gera. Iyon ang importante diyan.

Q: Hindi po malinaw sa akin na isa sa mga probisyon ng Bangsamoro political entity po ay oo nga, parliamentary system of government na kanila pong ipinopropose. Papaano po natin marereconcile sa taong bayan na Republican po tayo at Presidential in nature ang government system natin dito sa Pilipinas. Tapos po ang iyong ipopropose po sa Bangsamoro political entity ay parliamentary form of government?

BBM: Oo nga. Iyon ang kanilang pinropose. Ang pinropose nila ay essentially is a Malaysian form of government. Ginaya nila sa Malaysia. Pati iyong paglagay ng (20:17 Walling?), pati paglagay ng Chief Minister, that is the Malaysian form of government. So, iba-iba kasi ang nakakausap ko na mga constitutionalists. Iyong iba sinasabi, hindi pupuede iyon. Iyong iba sinasabi, wala naman problema dahil kung babasahin iyong Konstitusyon, ay hindi naman nagsasabing bawal gawin iyon. Wala naman nakalagay sa Constitution, that you cannot have a parliamentary, ministerial form of local government. Iyon ang importante basta’t local government. I think the key there, iyong importanteng bagay doon ay iyong pagboto sa national election ay pare-pareho. I think that’s the important issue. So, iyong question tungkol diyan as I said, medyo hati ang mga opinyon na naririnig ko. Palagay ko pag-usapan na lang naming mga Senador, what we will decide to do. But there is a school of thought saying, that it is contrary to the Constitution. There is another school that would say, the Constitution does not prevent that. So, we will have to debate siguro. Idedebate naman iyan sa Senado.

Q: Kung sakali po ba na mag-iiba po iyong administrasyon, at mag-iiba po iyong manunugkulan, syempre andiyan pa din po iyong hahawak ng Bangsamoro Basic Law, sa palagay po ninyo, tuluyan na po ba, tuluyan na bang mabibinbin sa Kongreso at sa Senado ang Bangsamoro Basic Law kung sakaling mag-iiba po iyong administrasyon na…

BBM: Sa palagay ko, depende sa kung ano ang maipapasa- anong version ang papasa. Kung magandang version, ipaglalaban sigurado ng susunod na administrasyon iyan at ieendorso nila at itutulak nila. pero kung sa palagay naman ng bagong administrasyon hindi maganda ang napasa, back to the drawing board muna tayo. Pag-usapan muli kung ano man iyong dapat palitan o dapat baguhin. I cannot speak for the next administrasyon but I presume na titignan talaga nila kung ito’y magiging maganda ba, kung magiging matagumpay ba ito o hindi. Kung maging successful, ituloy natin. Kailangan natin ituloy ang proseso ng kapayapaan. Whatever it is, ang susunod na administrasyon, ang susunod na Pangulo, hindi puedeng iwanan ang ganitong issue ng gera sa Muslim Mindanao. Dahil ito ay isang issue na ilan daang taon na ito. Mula pa noong Kastila, nandiyan na iyan, noong panahon pa noong Kastila. So, hindi naman maaari, hindi naman tayo dapat pumayag na ang kapwa Pilipino ay naggegera sa isa’t-isa. So, kahit ano pa ang mangyari sa BBL, kung pumasa man o hindi pumasa, ang proseso ng kapayapaan ang dapat natin ipagpatuloy kahit ano pa ang mangyari. Hindi natin puedeng itigil iyan. Hindi natin dapat isipin na ito’y issue sa Muslim Mindanao lamang. Ito ay issue sa buong bansa.

BBM: Inaantay na lang nila iyong kung ano iyong ibibigay ko sa kanila na version. Nakakapag-usap kami tungkol sa mga specifics. Sinasabi ng iba, ito ayaw ko ito, ito gusto kong palitan ito, may tanong ako sainyo. Pero hindi pa natin alam kung ano ang magiging boto nila dahil wala pa akong binibigay sa kanilang substitute bill. At wala pa akong binibigay dahil isinisulat ko pa lang dahil iyong last hearing namin was second to the last day of session. So, bago kami nag-adjourn, kakatapos lang noong hearing process kaya hindi namin nasimulan iyong pagsulat ng substitute bill hanggang nagrecess na. so, aantayin natin ang reakyon nila pag nakapagbigay na ako sa kanila ng substitute bill.

Q: Pero gaano katotoo Senador na umuubong na balita na parang may mangyayari sa Senado natin para maipasa lang po iyong version ng Malacanang?

BBM: Palagay ko hindi naman sa Senado gagawin iyon. Dahil unang-una, malaki ang reklamo ng taong bayan, iyong nangyari sa House of Representatives. Hindi natin malaman kung anong nangyari, kung anong napag-usapan, pero parang bumaliktad lahat bigla. Hindi na napag-usapan, hindi na nadebate sa Committee, iyong tinatawag nating “Palace Version” or “LP Version” na ipinilit na lang, sinabi na lang, ito, take it or leave it. Ito na iyong version namin, either yes or no, wala ng ano. Tapos syempre, kung ano pang pinag-usapan hindi natin alam pero naimadali. Sa Senado palagay ko hindi gagawin iyon. Pero ang lagi kong sinasabi, basta’t asahan ninyo, hindi ako papayag na mamadaliin ang BBL sa Committee ko. Hindi ako papayag na irererailroad sa Committee ko. Pag may naramdaman ako na ganyan, na may gagawin na irererailroad na ganoon, ititigil ko iyong proseso. Pag-uusapan ulit namin kung ano iyong nangyayari dahil hindi maaaring ganoon ang gawin sa Senado.

Q: … Senator, since maihahanda na nga po iyong substitute bill, what if hindi po katanggap-tanggap ng pamunuan ng MILF, ano po iyong next na mangyayari?

BBM: Halimbawa, hindi na bali iyong ginagawa namin na version. Pagka naipasa ang BBL sa Kongreso, pinirmahan ng Pangulo at hindi tinanggap ng MILF, balik tayo sa…

Q: Senador, BBL nanaman ulit. Sa palagay kaya ninyo, hindi sinasabotahe ng Pangulong Aquino ito kasi a while ago, sinabi niyo na, pagisusulong iyong bersyon ng Malacanang at saka iyong bersyon ng MILF, hindi makakalusot sa Korte Suprema ito. Now, isinusulong ng Malacanang, pati si Pnoy nangangampanya nito, hindi kaya sinasabotahe ito ni Pangulong Pnoy?

BBM: Hindi ko lang alam pero nakakapagtaka kung bakit iyong alam ng lahat na hindi papasa, ipinipilit. Hindi ko alam, baka may malalim na plano na hindi natin nalalaman. Ang alam ko lang iyong trabaho namin sa Senado, iyong ayusin iyong BBL.

Q: Sir iyong sa block grant doon sa… iyong sa inyo ‘ho bang beryson Sir, pasok ba iyan?

BBM: Ang block grant, ang talagang ibig sabihin ng block grant, magbibigay kafor a specific purpose. Kagaya ng mga… iyong mga programa ng national government. Magbibigay ng pera sa probinsiya, sa LGU, para i-implement iyong programa ng national government. Hindi basta’t magbibigay lang ng cheke. Kaya’t iyong sinasabi ko, kung babasahin iyong BBL, kulang iyong accountability doon sa block grant at saka iyong block grant hindi ito i-implement ng COA. Iyong block grant gagamitin para sa operations. Wala namang block grant na ganoon. So, tinitignan ko nga kung papaano ang dapat gawin doon. Dahil unang-una, hindi tama ang ginagamit na phrase na “block grant”. Iyong sinasabi nilang basta’t magbibigay, hindi block grant iyon. Transfer payment iyon, parang kontribusyon iyon. Hindi grant. Ang grant, may dahilan. Bibigay ako ng isang daang piso sayo, for a very specific purpose. Para magpa-eleksyon ka, para magpa-ospital ka, ganoon. Although, titignan namin kung papaano. Papalitan namin iyong pangalang, “block grant” siguro. At least gagawin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ng mga ibang Senador pero kailangan maging mas maliwanag iyong block grant na iyon kasi sinasabi, basta’t pipirma ng cheke tapos 75 billion ibibigay ng ganoon, hindi puede iyon. Dahil sa probinsiya hindi puede, sa city hindi puede, bakit sa regional government puede? Kailangan pati DBM kailangan binabantayan nila. Kahit na may pera ang gobyerno, ang local government, pag hindi na-approve iyong gagastusan mo, hindi ka rereleasan ng DBM. Nandiyan din ang COA. Kailangan nakabantay ang COA na tama ang paggamit doon sa pera. So, all of those things ay kailangan tignan natin at liwanagin natin ng mabuti. Hindi naman ako tutol doon sa mga sinasabi ko sa BBL. Pero kulang sa liwanag. Malabo ang pagkasulat. Hindi maliwanag kung para saan gagamitin ang pera, kung papaano ang checks and balances, ano ang transparency, accountability. Lahat iyon ay kailangan liwanagin at bigyan pa ng detalye.

Q: Sir, in the event you become the President of the Philippines, will you be using your power as Commander-in-Chief in case they will not accept?

BBM: We are getting too far ahead of ourselves.

Q: Kasi takot na po ang mamamayan natin sa South Cotabato.

BBM: I have not declared what I am a being a candidate for. So, antayin niyo muna.

Q: In the event lang naman ‘ho na kayo. Para ituloy na natin iyong pagiging Presidente.

Q: …

BBM: Sayang iyon. Dapat tignan natin iyon. Sana ginamit natin iyong pagkakataon na makaipag-usap na sa mga Chinese. Para maging maayos. At least masimulan iyong proseso ng pag-ayos nitong problemang na ito. Kasi noong hindi tayo nakikipag-usap, hindi masisimulan ang paghahanap ng solusyon sa hinaharap ng dalawang bansa- iyong Tsina at saka iyong Philippines. Okay. Maraming salamat. Thank you very much.

Back to Blog