Press conference : Holy Cross, Tarlac

Q: Senator, puede na po pahapyaw nabanggit niyo tungkol sa Canadian waste na tinatapon sa Tarlac? Ano pong masasabi natin dito?

SBBM: Parang nagiging problema ito hindi lamang sa inyo dito sa Tarlac, kung hindi sa ibang lugar. Since nakita na nga natin ang mga nangyayari, unang-una itong specific na kaso na ito. Kaya nagsuggest ako sa ating mga butihing liderato ng probinsiya na dalhin ang isyu na ito sa Kongreso. Local government naman ako, this is a local government issue. It is also an environmental issue. Maybe there will be 2 or 3 committees studying it. Suggestion ko sakanila, more specifically to the Vice-Governor na sulatan ako para may pagbasihan ako na magfile ng resolution para imbistigahan itong nangyayari dito. Kailangan natin malaman papaano nakakalusot ito. Iyung last na nabasa ko sa pahayagan, ang sabi is that nailibing naman daw iyung basura so tapos na ang issue. Apparently, hindi natin alam kung ano iyung nasa loob noon. Kung mayroong organic waste, may medical waste. Malay natin baka kung ano-ano ang nilagay diyan. Hindi naman dito nanggaling sa atin. I think this will serve to highlight the problem that we have around the country on waste disposal. Kailangan talaga natin pag-isipan dahil hindi lamang iyung malalaking siyudad na may problemang ganito, kung hindi bawat bayan na. Kailangan natin magkaroon ng mga strategy para kahit iyung maliliit na bayan, mayroon silang kahit papaanong processing sa basura para naman itong mga ganitong klase iyung open-pit na waste na landfill kung tawagin, hindi na uso. Sa ibang bansa hindi na ginagawa iyan. Kaya’t bawal na kasi siguro sa Canada, kaya dito na lang pinadala iyung basura. Dahil ayaw nila gumastos at humukay kasi hindi na puedeng kagaya ng dati na huhukay ka ng malaking butas, tatapon mo na iyung basura doon. Ang kailangan gawin ngayon, pag humukay ka ng malaking butas, ilaline mo muna iyun. Maglalining ka ng goma para hindi tumulo sa loob ng lupa kung ano man ang nailagay doon. Pagkatapos noon, kailangan natin iseal para iyung mga para hindi magkaroon ng langaw, hindi magkaroon ng kung ano-anong mga hayop na nagbibigay ng sakit sa mga nakapaligid doon sa landfill. May paraan kung paano gawin ang waste disposal na hindi magiging health issue sa mga nakapaligid. Pero kailangan natin pag-aralan ng mabuti at bigyan ng sapat na pondo lalo na sa ating DENR at kailangan makapagtraining din para sa ating mga local government officials kung ano ang sistema, kung ano ang magandang puedeng gawin para mayroon silang sistema na kung saan itatapon iyung basura na hindi sumisira sa environment.

Q: Ito po ay galing pa sa abroad na basura. Dito itatapon sa atin.

SBBM: Oo nga. Pagkaalam natin, ilang container iyun? 47. So lahat-lahat ilan na? This is the second batch.

Q: 23 po iyung next batch.

SBBM: Kita mo. Sa Canada pa dinala. Ibig sabihin, talagang may savings sila dahil hindi na sila gagawa ng landfill. Kasi iyung standards nila mataas. Kung gagawa sila ng landfill siguro sa Canada, times 10 ang gagastusin nila. Kung basta na lang ipadala sa Pilipinas. Dapat tayo dito sa Pilipinas, mga authoridad natin, bakit natin tatanggapin iyan?

Q: So natatakot po kayo Senator na magiging preceded ito sa other countries na magtapon din dito sa atin?

SBBM: Palagay ko, hindi ito nauuna. Nangyari na ito sa ibang lugar. Mayroon na tayong mga tinatanggap na basura na galing sa Europe lalo. Dahil ang European Union pinatibay nila iyung batas doon sa waste disposal. Kaya naging very expensive ang waste disposal sa Europe. Kaya para sakanila mas mura na isakay na lang sa barko at ipadala nalang kung saan; kung sinong tatanggap which is okay by me kung iyun ang gusto nilang gawin. Pero bakit tayo ang tatanggap? Sinong kumikita rito na pinipinsala ang health ng ating mga kababayan.

Q: Una pong tanong, Senator lumabas po iyung political ads niyo sa TV, tungkol sa BBL. Ano pong plano niyo?

SBBM: Hindi iyun ad. Wala akong binebenta. Wala akong kinakampanya. Nagpapaliwanag lang ako dahil ang nangyari kasi diyan, marami akong nababasa, maraming nakikita tungkol sa BBL na sinasabing ginagawa ko o sinabi ko na hindi naman tama. Kaya sabi ko mas mabuti diretsuhin ko na ang taong bayan at sila ang kausapin ko sa pamamagitan ng isang infomercial. That is what it is. So iyun ang aking ginawa. Kasi maraming hindi nakakaalam kung ano ang ginagawa namin sa Senado- kung nasaan na ang proseso ng pagpasa ng BBL, kung ano ang susunod, kung ano ang mga papalitan namin. Kaya ako naglabas noong video para maipaliwanag nga sa tao.

Congressman speaks

Q: According daw po sa reports kahapon, sa DENR parang sinasabi safe naman daw. Anong reaction niyo po? Sa tingin niyo may magagawa iyun?

SBBM: Kung talagang safe, ipakita nila kung ano iyung nandoon. Kunwari, ilista nila. 100 pounds of organic waste. Kung ano man ang nandoon. Para maging maliwanag kung ano ba talaga ang nandoon. Ang problema, dahil bago pa ipinakita, basta’t nilibing na kaagad para hindi mainspeksyon. Bakit? Anong tinatago nila? Sana mas maganda kung talagang walang problema, sana inimbita iyung mga lider na mga elected officials at pinakita, ito papel lang ito. Unang-una dapat iyung papel hindi nasa landfill. Pero kailangan maipaliwanag nga nila, unang-una kung bakit naging polisiya ng isang bahagi ng Pilipinas na tumatanggap ng basura ng ibang bansa. Malaki na ang problema natin sa Pilipinas. Ayusin muna natin iyung problema natin, bago natin ayusin iyung problema ng ibang bansa. Ito’y nakakapagtaka kung bakit napabayaan. Iyun ang dapat natin malaman kasi doon sa sistema na nilalagay natin na nagtatanggol, nagbabantay ng ating environment, ay nakalusot itong ganitong klase na pagdumping ng waste sa Pilipinas. Tama iyung nabanggit ng isang kasama mo na baka it becomes preceded. Paano iyan? Makikilala tayo. Basta’t may basura kayo, ipadala niyo sa Pilipinas. Tatanggapin nila iyan. Hindi maaari iyun. Isipin ninyo kung ganoon ang mangyayari, kung iyung basura natin hindi pa natin nadidispose ng mabuti, pagka nadagdagan pa ng ganyan. Ang problema diyan, lahat ito ay may kumikita. I’m sure may kumikita na diyan. Sino kaya iyun? Kailangan natin malaman at kailangan natin itigil iyung kanilang ginagawa.

Q: May mananagot po?

SBBM: Dapat naman. Dahil hindi maliwanag. Tanong natin sa DENR. Is it now national policy of the Philippines to accept waste from other countries? Ganoon na ba ang approach natin dito sa waste disposal? Tayo na ba ang magiging dumping ground ng buong mundo? Ito ba talaga ang gusto natin na maging role ng Pilipinas? Pangalawa, isipin na natin at siguro puede na antin pag-aralan pati kung papaano talaga tugunan iyung problema ng waste disposal. Also iyung mararaming paraan para maging safe ang waste disposal at hindi tayo biglang tumatanggap ng toxic waste; hindi tayo tumatanggap ng medical waste; ng organic na hindi natin alam nkung anong magiging epekto sa ating environment. Kaya’t kailangan pag-ingatan natin. The only way we can do that is to find out first. Is this allowable? Is this DENR’s policy? If it is, that is a bad policy. We will have to change it. If it is not policy, paano nakalusot ito? Iyun ang mga simple na tanong. Siguro palagay ko, pagka nasagot iyung dalawang tanong na iyun, alam na natin kung anong nangyari. Alam na rin natin kung ano gagawin para hindi na maulit.

Q: Definitely DENR po ang mananagot?

SBBM: Oo. DENR ang mananagot. Kasi sila ang dapat nagmomonitor at tsaka nagreregulate niyan. It’s funny because nasa Norte ako. Ganyan din. Basta’t bigla na lang nagkaroon ng pagdump ng basura. Hindi namin malaman kung saan nanggaling. Sabi ng mga barangay officials, tinignan daw nila. Hindi english iyung nakatatak doon. So, sa ibang bansa nanggaling. Dapat nga itigil na kaagad iyan. That should not be the policy the Philippine government.

Q: …BBL forum sa university. Pero ang sagot po nila sa akin, walang assurance. So ibig sabihin iyung tanong ko, parang walang sagot po. Baka sayo, magkaroon po ako ng kalinawagan. Hindi po dito po. Sa ibang forum naman po iyun.

SBBM: Saan iyun?

Q: Sa Angeles po.

SBBM: So sa House iyun.

Q: Ganito po ang tanong ko. Senador, bilang taga Mindanao po ako, so concerned din po ako sa kapayapaan sa Mindanao kasi sawa na po ako sa gera doon. Laking gera din ‘ho ako doon. So ang tanong ko, papaano po tayo makakasigurado na iyung pondong ilalaan natin sa BBL, na malaking pondo po na galing sa ating mga taxes na mapunta po doon sa dapat pagpuntahan doon sa pinakamahirap na gusto natin tulungan? Bigyan niyo po ako ng assurance sa tanong ko, sabi ko. Ang sagot po nila sa akin, wala pong assurance. Wala pong sagot sa tanong ko. So baka sainyo po magkaroon po.

SBBM: Isa iyan sa una naming nakita. Dahil ang nabanggit nga ay magbibigay ang national government sa Bangsamoro government ng mga 75 billion every year for the first 5 years. Ang total niyan pagka kinalkula natin ang lahat na iyan, that is over 500 billion over a period of 5 years. Pag titignan mo iyung BBL, walang checks and balances. Parang ang ginawa, iyung national government pumirma ng checke for 75 billion, binigay, bahala ka na diyan. Hindi naman maaari iyun. Dahil iyung perang iyan, pinaggalingan niyan, iyung ibang LGUs sa labas ng Bangsamoro. Kaya’t iyung mga ibang LGU tinatanong, anong ginagawa ninyo? Kasi kung kukuha kayo ng isang sentimo sa national government at dadalhin sa Bangsamoro na galing sa amin, that is 1 centavo less available to the rest of us. 75 billion, ang laking pera niyan. Ang nakita naman natin, ang sinasabi, ARMM is a failed experiment. Dahil hindi naramdaman ng pangkaraniwan na tao iyung kalaki-laking pondo na ibinibigay ng national government. Kaya’t sabi namin, huwag natin uulitin iyan at tiyakin natin na pupunta iyung perang iyan na pinaghirapan na makalekta sa iba’t-ibang LGU na dadalhin na ngayon sa Bangsamoro. Tiyakin natin we have checks and balances. One of the best ways we can do that is to make sure, naging problema sa ARMM, iyung COA sa ARMM, ARMM COA. Ang proposal dito is also to have a Bangsamoro audit office. May sarili din sila. Sabi namin, hindi puede iyan. Dahil kailangan lahat ng pera ng gobyerno, ang nag-aadit ang COA. So tatanggalin natin iyung nilagay nila na may sariling COA. Maglalagay tayo ng opisina ng COA na ang headquarters nasa Maynila pa rin. So part ng organization ng COA, nasa Bangsamoro. Pero ang pag-aaudit niya ay according to accepted auditing principles na sinusundan ng lahat ng iba. Para maliwanag na maliwanag kung saan pumupunta. Ang pangalawa diyan ay ang DBM. Dapat ang DBM titignan nila kung saan pumupunta iyung pera at titignan nila kung tama ang pinupuntahan. That process is already being done sa mga LGU. Kung halimbawa, si vice-gov gumawa ng budget at gusto niyang bumili ng Cadillac para sa sarili niya, sasabihin ng DBM, hindi puede iyan. Hindi mo puede gastusin iyung pera na ganyan. So kailangan iyung DBM, ganoon din ang pagbantay sa Bangsamoro. Hindi naman natin sinasabi na suspetsa natin magnanakaw sila. Hindi ko sinasabi iyun. Sinasabi lang natin na kung ano iyung sistema ng pag-audit, ano iyung sistema na pagbantay na ginagawa sa buong gobyerno, ay iyun din ang gagawin sa Bangsamoro. Iyun ang ilalagay ko sa batas. Pangalawa, sa LGU, iyung budget pagkatapos ng pagbayad noong PS, iyung personal services, ang susunod na mandated appropriation is iyung 20% development fund. Ito talaga nilagay iyan para tiyakin na at least kahit anong sabihin ng governor at tsaka ng vice-governor, may pumupunta sa health; may pumupunta sa education; may pumupunta sa peace and order. Siguro may iniisip kami, baka ganoon din ang gawin namin sa Bangsamoro para naman nakakatiyak tayo at least a certain percentage will be going to development initiatives. Hindi ipangbibili ng magagandang kotse. Hindi ipagpapatayo ng malaking bahay. Or even worse, bibili ng armas. Iyun ang aming kinakatakutan.

Q: Alam po natin iyung contractor po ng Canadian waste, nagtatago po. May balak po ba kayong kasuhan iyun?

SBBM: Pa-imbistigahan muna natin at malaman kung anong nangyari at sino ang may pananagutan dito sa pangyayaring ito. Kung mayroon talagang pananagutan, kasuhan natin sila at sila’y sasagot doon sa kanilang ginawa. Palagay ko, it will be a combination of public hearings at tsaka private meetings. Actually after I leave here, tatawagan ko na si Sec. Mon Paje. Tatanong ko, ano ba talaga ang nangyari dito? Tulungan niyo naman kami. Hindi na namin malaman kung ano dapat gawin dahil napakagulo itong naging sitwasyon.

SBBM: Hindi naman kailangan maging presidente para magkaroon ng stand. Ang stand ko sa West Philippine Sea, sa palagay ko, ang dapat natin gawin ay kausapin na natin ang Tsina. Kasi ang issue ay nasa gitna ng Pilipinas at tsaka ng Tsina. Iyung pagdesisyun diyan sa mga conflicting claims sa dagat ay tatlo lang ang paraan kung papaano dedecide iyan. Ang unang paraan ay dito nga sa adjudication. Pero ang sinabi ng ng China, kahit anong maging resulta doon sa UN sa adjudication, hindi nila tinatanggap at wala silang babaguhin. Pangalawang paraan para idecide ang mga conflicting claims lalo na sa dagat, gera. Kaya iyun ang ginawa ng China sa Paracel. Pinaputukan nila iyung mga barko ng Malaysia. Tapos inoccupy nila. So that is another way. Ayaw naman natin mang-gera o gegerahin natin ang Tsina. So ang natitira ang pangatlong option is bilateral cooperation.

Q: Inaudible

SBBM: Ayaw kasi ng Pilipinas. Ang China, sinabi lang Ambassador noong makalawa, sabi niya, we are ready to speak to conduct bilateral relations. Hindi tama iyung mga sinasabi ng mga ibang commentator na marami daw condition na nilagay. Walang condition kahit isa na nilagay. Basta’t sisipot lang ang representative ng Pilipinas. Sisipot ang representative ng China. Mag-uusap sila. Sa palagay ko ang dapat natin gawin dahil nga iyung mga ginagawa natin, iyung position na ginawa natin, iyung policy na sinusundan natin, foreign policy, walang resulta. Hindi maganda ang nagiging resulta. Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang ginagawa. Kung mabigyan ng pagkakataon, dapat talaga at ginawa ko na ito, pero syempre I am only a Senator. I’m not even in the Executive. Pero sinabihan ko na kasi kaibigan ko naman iyung mga nasa embassy ng China. Sinabi ko, hindi maganda iyung ginagawa ninyo. Ako gusto ko tumulong sa inyo pero ang hirap ipaliwanag iyung ginagawa ninyo. Dapat itigil ninyo iyan. Dapat pag-usapan natin. Sabi nila, ang problema iyung gobyerno ng Pilipinas ayaw makipag-usap sa gobyerno ng China tungkol dito. Kaya’t unang-una sa palagay ko ay dapat magbukas tayo ng lines of communication. Sabihin natin sa China, papaliwanag natin. Hindi namin gusto iyung ginagawa ninyo. Magkakaproblema tayo sa gitna ng dalawang bansa kung ituloy ninyo iyan. Ngayon, ang susunod doon pagkasinasabi na natin, pag naipaliwanang na natin iyung position natin, magtanong naman tayo. Paano natin ngayon aayusin ito? Dahil hindi naman puedeng basta’t pabayaan na ganyan na lang ang sitwasyon. Paano natin aayusin ito? Ngayon, ang diplomasya hindi government to government at tsaka formal talks lang iyan. Ang diplomasya, sa lahat ng paraan. Sabihin natin sa mga taipan, iyung mga mayayaman na Chinese Filipino businessman na may investment sa China. Sabihin, kausapin mo naman iyung kaibigan ninyo. Baka mayroon silang maitulong dito sa problemang ito. Iyung mga athleta na nagtraining sa China. Iyung mga nakilala, kausapin ninyo. Baka sakali. Sa lahat ng paraan na maisip natin, kontakin natin sila. Kasi kung minsan iyung nagkakabunga hindi iyung formal talks, kung hindi iyung informal. Dahil sasabihin, sige basta iyan ang usapan natin. Huwag muna natin ilabas. Bago natin dalhin sa mga namumuno, mag-agree sila, mayroon na tayong agreement. But that is the only way. That only way is to come to a bilateral agreement. Matatapos lamang itong problemang ito kung ang representative ng China at ang representative ng Pilipinas ay pumirma sa isang agreement na kung papaano ang magiging relasyon ng China at Pilipinas, lalo na sa disposition ng mga conflicting claims sa West Philippine Sea. There is no way to solve this problem na hindi natin kausapin ang China.

Q: Iyung nasilip ni Trillanes po na gagamitin na funds sa budget natin?

SBBM: Well, wala pa kasi para sa akin, mayroon si Senator Trillanes na panawagan na pag-aralan. Mayroon din si former Senator Secretary Lacson tungkol nga diyan sa mga lump sum payments. Ngayon, ang paliwanag ng aming committee Chairman ay sinabi niya na temporary lang iyan. Pero iyung malalaking lumpsum, lalagyan daw ng itemized. So inaantay namin ngayon iyun. Kasi ang budget naman, kayo magsisimula October? October, tatapusin sa House ng October, pupunta naman sa amin. Siguro by that time, makikita natin, bibigay na sa atin iyung actual na proposed na GAA. Doon, hahanapin natin lahat iyun. Kung mayroon pang nakabukol doon na malalaking lump sum payment. Kung mayroon, kailangan kuwestiyunin natin iyan at sasabihin natin sa kung sino mang departamento iyun. Sasabihin, ipaliwanag ninyo ng mabuti. Malaking pera ito. Paliwanag niyo ng mabuti kung saan pupunta para mabantayan din ng COA; mabantayan din ng DBM; at matitiyak natin na tama ang paggamit doon sa pondong iyun. Lahat ay nakabantay dahil syempre inaalala ng mga magiging kandidato sa darating na halalan na ang pera ng gobyerno ay ginagamit na pangkampanya kung sinong mga kandidato. Hindi tama iyun. The fear is that government funds will be used for political purposes. Hindi naman tama iyun. Magbabantay tayo but let us give the DBM the chance to explain kasi iyungnakita nating budget, hindi pa naman iyun ang katapusan. Baka naman mayroon silang ilalagay na itemized list. Mula noong desisyun sa PDAF, kailangan na talagang iitemize lahat. Hindi na puedeng basta’t lump sum- lump sum. Iyun ang binabantayan namin lagi pagkadating ng budget hearing.

SBBM: Iyun ang pera ng bansa. Hindi naman puedeng basta’t iwaldas iyan. Kailangan talagang lahat nakatutok. The best remedy to all of these questions is iyung transparency, accountability. Kasi ang tawag na ngayon diyan, that is already the election budget. Ang tawag nila. Tignan natin na huwag naman magamit ang pera ng tao sa kampanya ng kung sino-sinong kandidato. Hindi naman kaya kinolekta iyan para tumulong sa isang partido o isang kandidato. Iyun ang inaalala ng marami.

Back to Blog