Press conference : Carmen, Davao del Norte

Q: Sir, kumusta sir, kasi yung salubong is Duterte-Marcos. Ang daming supporters yung AlDub – Alyansang Duterte-Marcos. Ano pong masasabi niyo doon, sir?

BBM: Alam naman natin na Davao ito. Duterte Country ito kaya nagpapasalamat nga ako na kahit papaano, na kahit hindi ako ang official na candidate ni Mayor Duterte, at siyempre ang ka-tandem ko si Sen. Miriam, ay nagpapasalaamat ako sa aking mga kaibigan na nandito sa Davao del Norte sa kanilang tuluyang pagsuporta sa akin. At siyempre, kagaya ng nakikita natin sa ibang lugar, ganyan na ang naging pamumulitika sa eleksiyon na ito. Na talagang hindi na masyadong nasusundan ang partido at marami ang tumatawid sa party lines. At hindi namimilit sa pamamagitan kung sino ang miyembro sa isang partido kung hindi namimili sa kanilang pagkakilala doon sa bawat kandidato. So, ganun na rin siguro ang nangyayari sa akin.

Q: Sir, diba sinabi niyo yesterday na nmag-usap kayo ni Sen. Miriam. Mayroon na po ba kayong…

BBM: No, I haven’t been able to speak to her yet. But I have relayed all of our discussions to her staff. Kasi nagplaplano nga kami to go to Iloilo on Sunday para makaikot ng kaunti on the following days. I’m sure medyo busy siya ngayon sa paghanda but I’m sure we’ll be hearing from her soon.

Q: Sir, napansin niyo sa Davao City mahigpit po. Bawal yung smoking, tapos may mga multa and all. Ano pong masasabi niyo, sir? Maganda po bang i-adopt yun sa buong Philippines?

BBM: Isa sa naririnig natin sa taumbayan ay wala ng disiplina ang Pilipino ngayon dito sa Pilipinas. Kaya walang sumusunod sa mga rules. Walang sumusunod sa mga plano at yung mga ibang tao kung minsan ay nagsasarili na lang. Hindi iniisip ang mga iba na natatamaan o nawawala sa plano, naiiwanan. Kaya iyan ang hinahanap ng mga tao ngayon, magkaroon ng magandang plano para ang mga tao sumunod. Kaya naman nakikita natin marami namang protest vote dito sa halalang ito dahil sa nakikitang pabaya sa ating mga sistema ng pamahalaan ang ating sistema ng pulitika, ng ating sistema sa iba’t-ibang bagay, magbigay serbisyo sa ating taumbayan. At hindi natin magagawa ito kung hindi nga tayo nagkaaksundo at nagkakaisa at tinatanggap ang isang plano at sumusunod sa planong iyan. Iyan ang ibig sabihin ng disiplina para naman maging mas maayos ang patakbo, hindi lamang sa pamahalaan, kung hindi sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao. I believe that is one of the reasons that there is such a large protest vote now because pananaw ng ating mga kababayan, napapabayaan iyang ganyang klaseng pag-iisip na tayo ay dapat sabay-sabay magtulungan at sabay-sabay na gumalaw.

Q: Sir, kasi bukod po doon sa peace process yung mga problema po sa Mindanao doon sa agriculture is lack of irrigation. Do you have plans po para matupad ang irrigation dito?

BBM: Well, doon sa agrikultura, siyempre mas matindi ang pakiramdam dahil 60% ng agricultural products natin nanggagaling dito sa Mindanao. Kaya napakalaking bahagi ng ekonomiya ng Mindanao iyan. Dapat nga hindi lamang dito sa Mindanao, kung hindi sa buong Pilipinas dapat talaga ay bigyan ng pansin ang ating agrikultura. Simpleng simple lamang iyan. Hindi natin binabago o inaayos an gating patubig. Kailangan palawakin natin an gating patubig, pagandahin natin ang sistema ng patubig. Dapat itigil na natin ang pagsisingil para sa patubig, Ang patubig ay isang serbisyo ng pamahalaan. Hindi dapat sinisingilan ang mga farmer. Hirap na hirap na nga ang mga farmer, bakit pa sisingilin para lang magdala ng tubig sa kanila? Ang ating pautang para sa agrikultura kailangan na kailangan iyan. At bukod pa niyan, ang imprastraktura para tulungan ang ating magsasaka para maging mas mura ang bilihin sa consumer. At yung research and development, kung naalala ninyo nandoon tayo sa Biotech sa UP Los Baños. Kung iyan ang kanilang gawing trabaho, dapat mas malakas ang suporta ng gobyerno para makahanap tayo ng bagong variety ng mas magandang ani, mas marketable, mas malakas ang benta ng sa ganun matulungan ang agricultural sector. Yun lamang, talaga dito sa Mindanao may premise na kailangan na bago makapasok ang malaking infrastructure projects, ay dapat magkaroon na tayo ng kapayapaan. Kaya dapat sabay-sabay na isulong lahat iyan na ipagpatuloy ang proseso ng kapayapaan dapat ipagpatuloy ang ating usapin para gumawa ng sistema na tanggap ng lahat ng sektor ng Mindanao dahil sa proseso ng kapayapaan. At kapag nararamdaman na natin na maganda na ang takbo dito sa Mindanao, ay maaari ng pumasok ang gobyerno na maisulong ang malakaing infrastructure development at ako’y nakakatiyak na kilala ang Mindanao ng mga investor, hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi galing sa iba’t-ibang bansa at sila’y papasok dito para i-develop ang Mindanao.

Q: Sir, Cong. Lagdameo is always present in your sorties. Bakit ganun ka lakas ang support niya sa inyo?

BBM: I think his family and mine have been very, very close for a very long time. On a personal level and on a political level, matagal na kami. The Floirendo family of which Cong, Anton belongs, ay talagang matagal na matagal na kaming nagtutulungan kaya naman ako’y nagpapasalamat lalo na sa Panabo, dito sa Carmen, dito sa Davao ay nandiyan sila at tuloy-tuloy ang pagsuporta. Bukod pa run, ang suporta na iyan ay hindi lamang dahil mayroon kaming kasaysayan na magkasama, kung hindi sa palagay ko nakikita naman nila na tapat ang ating hangarin na tumulong at pagandahin ang Mindanao, ang Davao at ang buong Pilipinas.

Q: Sir, yung sinabi niyo po kanina na kung mayroon kayong gagayahin sa mga nagawa ni Mayor Duterte, ano kayayun para sa buong Pilipinas?

BBM: Simple lang. Ang very hard line on crime, lalo na sa drugs. Alam niyo pagka tinanong ninyo ang tao, ang pinakamalaking isyu ngayon ay drugs, illegal drugs. Dahil ang naging development ay talagang hindi lamang sa mga siyudad, indi lamang sa mga urban areas, kundi pati sa mga rural areas na. Mayroon nang mga pumapasok na mga sindikato. Kaya hindi magandang development iyan. Kaya kailangan talaga nating bigyang pansin iyan at siguro yung tao ay nafrufrustrate na dahil imbes na ayusin ng pamahalaan, sa nakaraang ilang taon palala ng palala ang sitwasyon at napapabayaan. Ang laki ng pagtaas ng krimen sa buong Pilipinas, ang laki ng paglago at paglawak ng coverage ng mga drug syndicate. Kagaya nga sa sabi ko, hanggang bukid na mayroon ng nagbebenta ng ilegal na droga. Kaya iyang very hard line on crime especially on drugs sa palagay ko ay kailangan na kailangan na sa Pilipinas ngayon.

Q: Sir, kung sakaling manalo nga po ang Duterte at Marcos, natatakot daw po sila. Anong masasabi po ninyo doon? Pwede niyo ba i-describe kung ano siguro yung magiging working relationship niyo?

BBM: Sino ang natatakot? Yung mga nakikita ko kapag dinadaanan ko hindi naman natatakot sa akin eh. Mukhang tuwang-tuwa naman sila pagka nakita nila ako. Hindi naman sila tumatakbo at humihiyaw sa takot, so, sa palagay ko natatakot sila dahil sila’y gumagawa ng katiwalian, sila ay labag sa batas. Hindi naman tayo papayag sa ganyan. Kaya ang pangkaraniwan na tao I don’t think masasabi mo natatakot.

Q: Sir, may nagbanggit din kanina na protest vote. Kanino napupunta yun?

BBM: Sa palagay ko lahat ng protest vote pumupunta ngayon siyempre kay Sen. Miriam dahil alam naman ninyo na si Sen. Miriam ay kung magsalita ay walang kinikilingan, walang kinakatakutan, na talagang kung ano ang kanyang iniisip, kadalasan naman tama yung kanyang sinasabi. Kaya sa kanya, yung boto niya, lalo na yung kabataan, alam naman niya ang kabataan ay kadalasan ay aktibista iyan at sila ang nagproprotesta pagka may nakita silang pagkakamali, pagkukulang o masamang nangyayari. Kaya I think she is a beneficiary of that kaya makita mo pagka-nagsusurvey sa eskwelahan, dahil hindi sinusurvey ang kabataan specifically. Nakakapagtaka nga kung bakit hindi kasi sila ang pinakamalaki – 45%. Pero pagka sinusurvey ang mga eskwelahan, lagi siya ang nangunguna. Lagi kaming dalawa ang nangunguna at sa palagay ko iyan ang aking nakikita na protest vote na nararamdaman ngayon sa kampanyang ito.

Q: How will you take advantage of that?

BBM: We continue to say that message that we want unity, we want progress, we want people to come together and to work for the betterment of the lives of the Filipino people and for the Philippines. And that I think is the noblest cause that any of us, especially those of us in public service, can serve.

Back to Blog