Press conference: Calumpit, Bulacan

Q: Mayroon kayong plano para sa problema dito sa Calumpit, Bulacan?

BBM: Marami. Bulacan is still an agricultural province kaya ang agrikultura talaga ang pinakamalaking problema ngayon. Although mayroon na din tayong nakikitang mga development dahil nga malapit sa Maynila at marami nang nanggagaling dito, doon nagtratrabaho. Pero yung imprastraktura palagay ko ang dapat nating unahin dahil sa transport and communication yun ang kailangan para maging mas masigla ang economic activity dito sa lalawigan ng Bulacan. Pareho pa rin ang sitwasyon dito na hinaharap dito sa Bulacan at sa mga lalawigan na nakapaligid dito sa Metro Manila na kailangan dadagdagan ang imprastraktura, kailangan bigyan ng mas malaking pagpapansin ng Metro Manila doon sa mga nagtratrabaho sa Metro Manila, doon sa mga nagnenegosyo, nagsusupply sa mga nagnenegosyo sa Metro Manila para mas maayos ang patakbo ng local economy at dumadating ang serbisyo dahil dumadami pati ang tao kailangan tiyakin natin ang lahat ng pangangailangan ay nabibigay ng gobyerno.

Q: Sir, do you have alliances with local leaders or local parties in Bulacan?

BBM: Yes. Many. I don’t like to name dahil pagkatapos kong umalis natatawagan kung sino at napapagalitan at pinagsasabihan, tinatakot, kung anu-ano. Kahit na dito, linipat yung pagdistribute ng 4Ps. It was supposed to be another day. Lahat nang napuntahan ko may sabay na activity, lalo na sa LP. Iyan ang kanilang ginagawa. Nakakaabala lang maliwanag na ginagamit ang mga serbisyo, mga benepisyo na bibnibigay ng pamahalaan ay ginagamit sa pamumulitika. Sana naman hindi gawin yun dahil ang serbisyo sa taong bayan ay hindi dapat sinasama sa politika iyan. Kung sino man ang nandiyan, kampanya man o hindi, ipagpatuloy lang ang ating pagtulong sa tao.

Q: Sir, nagbigay ng statement ang Pangulong Aquino kahapon. Hindi daw po kayo mananalo sa kabataan.

BBM: Siguro, iyan ang kanyang opinyon. Pero so far naman maganda naman ang nagiging response sa akin, lalo na sa mga kabataan at very important sector sa akin iyan. Mula nga nung aking pagbalik, iyan ang inuna ko, iyang National Youth Commission. Ako ang sumulat ng batas na iyan. Ako ang principal author ng batas na nagbuo ng National Youth Commission. Pati sa SK, ako ang nagtratrabaho. Lahat ng youth issues siguro palagay ko ako na ang nangunguna diyan. Siguro kinililala naman ng ating mga kabataan na tapat naman ang aking pagtulong sa tinatawag na youth movement.

Q: Sir, 40 days na lang, election. Ano yung fearless forecast niyo?

BBM: Sa aking nakikita, sa aking nababalitaan sa iba’t-ibang lugar, maganda naman ang takbo ng kampanya. Nakikita naman natin sa pagtanggap sa ating mga kababayan, very warm, masigla, napakainit ang salubong binibigay sa akin. Siyempre, hindi lamang iyan. Kasama an gating pag organisa na at nababahala nga ang lahat dahil nga sa pagbago-bago ng polisiya ng ating Comelec. Kung anu-ano ang sinusubukan nilang gawin. Nagsimula iyan sa pag postpone ng eleksyon. Tapos prinopose gagawing manual ang eleksyon. Tapos yung resibo, pinaglalaban nila na ayaw nilang magbigay ng resibo. Lahat ito. Siyempre, inaalala naming lahat na kandidato na hindi sa administrasyon. Dahil wala naman kaming magagawa na iba kung hindi bantayan ang mga boto. Sa ngayon, sa last 40 days kailangan talaga nating tingnan ang pag-organisa sa bawat lugar at ano pa ang maaari nating gawin para tiyakin na tama at tuna yang resulta na lumabas sa halalan.

Q: Sir, kapag tama at malinis yung halalan, kayo yung mananalo?

BBM: Sa palagay ko maganda ang chance kasi nakikita ko nga yung mga survey- survey, marami akong nakikita. Hindi pinupublicize yung internal survey. Hindi akin pero sa ibang kampo. Kahit papaano lumalabas yung mga survey ng mga ibang presidentiables. Marami naman tayong mga kaibigan diyan at pinakapakita nila ang kanilang survey. Sa aking mga nakikita, hindi lang maganda kundi gumaganda ang chance na manalo sa Mayo.

Q: Sir, dito sa Bulacan, binabaha ang lalawigan. Paano po natin mahahadlangan ito?

BBM: Iyan ang nagiging problema dahil nakadikit kasi ang Bulacan sa Metro Manila. Kaya yung mga illegal conversion na ginagamit sa mga bukid ay ginagamit yung lupa na hindi naman tama ang pagka convert from agricultural to commercial. Lahat ng pinanggalingan nito ay ang patakbo ng pamahalaan. Hindi maganda, hindi maayos ang patakbo ng pamahalaan. Kaya ako pumunta mag bise, dahil sa aking nakikita, sapat naman ang batas eh na hindi dapat gawin iyan pero hindi naiimplementa nitong administrasyong ito ang mga batas na nagbibigay ng proteksyon, nagbibigay ng tulong lalo na sa ating mga magsasaka. Kaya ang nangyari, nabanggit ko kanina, dati 30% ng ating ekonomiya ay galing iyan sa agrikultura. Ngayon, 11% na lang. Kaya 70% ng mahihirap sa Pilipinas ay nasa agrikultura. Kitang-kita natin napapabayaan ang ating magsasaka kaya isa iyan sa mga importanteng bahagi ng ating plataporma na pinag-uusapan na kailangan natin ibalik ang sigla sa agrikultura. Kailangan itayo ulit natin at palakarin ulit natin yung suporta ng pamahalaan sa agrikultura. Sa ngayon, wala tayong agricultural policy. Wala tayong plano sa agrikultura. Wala tayong sistema na ginawa para matulungan ang magsasaka at para pagandahin ang agrikultura. Kailangan nating palitan iyan dahil maliwanag pagka hindi matibay ang agrikultura, hindi magiging matibay ang ating ekonomiya.

Q: Sir, question po tungkol doon sa mga komiks na pinamimigay sa mga campaign. Ano po yun sir, from the supporters or…?

BBM: Yung iba galing sa amin, yung mga iba pinapagawa na lang ng mga supporter naming, kagaya ng lahat ng materials namin. Kung minsa, siyempre, may dala kami, pero kung hindi nakararating doon sa ibang lugar sila na ang nagpapagawa.

Q: Pero yung mismong laman, sir. Sa inyo po ba nanggaling yun? Accurate po ba ng nakalagay sa loon doon?

BBM: Hindi ko alam yung tinutukoy mong komiks, pero mayroon kaming komiks na nilalabas. Mayroon lang simple lang para ipaliwanag kung sino ako, kung saan ako galing.”

Q: Mayroon pong nagbabatikos na nagsasabi na biktima po rin kayo sa EDSA revolt na parang…lalo na nung pumunta kayo sa Hawaii, tinutukan kayo ng baril and all. Masasabi niyo ba din na biktima kayo?

BBM: Hindi. Buhay ko yun eh. Wala naman akong sinasabing biktima eh. Hindi ko sinasabing biktima ako. Iyan ang buhay namin eh. Siyempre, yung buhay ng ibang tao mas peaceful dahil na pasok tayo sa larangan ng politika. Wala naman akong sinasabing biktima ako. Swerteng-swerte nga akong tao eh. Ako na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo at napakamaraming taong nagmamahal sa akin.

Q: Pero, sir, nung pagdating niyo sa US, doon po kayo inapi ng US military?

BBM: Siyempre. Talagang aping-aping kami nung nasa Amerika kami dahil iniipit kami ng Amerikano dahil yun yung utos ng gobyerno natin, yun ang nangyari. Pero wala akong sinasabing maawa kayo sa akin, kawawa naman ako. Wala akong sinasabing ganun. Nagpapakilala lang ako. Ito ang buhay namin. Ito yung nangyari sa amin. At sa palagay ko kahit naman sino tingnan nila, nagtataka nga ako nagsasabi sila na “hindi daw totoo yung sinasabi ko,” Ano yung sinabi ko na hindi totoo? Kahit saan diyan, kahit anong lumabas sa aking mga labi, pwede niyong hanapin, pwede niyong i-research, nakabuklat naman ang buhay ko. Wala naman akong sinisikreto.

Q: Sir, yung UP Department of History, deceitful daw yung…

BBM: What? What is deceitful? Hindi ko maintindihan. They keep telling me that this is hindi tama. Ano yung sinabi ko na hindi totoo? Yun ang gusto kong malaman. Kahit na isang bagay, hindi ako nagsisinungaling. Hindi ako masinulanginin na tao. Yung sinasabi ko ang alam kong totoo. I’m not trying to deceive anyone. I am not trying to change anything. What history is, it is what it is. The facts remain whatever you do. Kahit sinong kausap mo. Kaya nagtataka ako diyan. Bakit ngayon lang lumalabas iyan? Dahil kampanya.

Q: Sir, may poem daw kayong ginawa. Talaga bang kayo ang nagsulat na yun para kay Mayor Duterte?

BBM: Oo. Kasi kapag nag-uusap kami ni Mayor Duterte, maraming katatawanan eh. Ang usapan namin lagi palabiro, kaya ganun ang pabati ko sa birthday niya.

Q: So, wala namang nabubuong alliance? Talagang friends lang kayo?

BBM: Kaibigan ko talaga eh. Binati ko lang ang kaibigan. Nagkataon lang na tumatakbo siya ng pangulo, tumatakbo akong vice. Walang kulay yun. Kaibigan na bumabati sa isa pang kaibigan sa birthday niya.

Q: Sir, may alyansa na daw kayo ni Grace Poe. Totoo ba yun?

BBM: Utol na nga eh. Ano pa ba ang gusto niyo?

Back to Blog