Press conference: Cagayan de Oro

Q: …some Mayors in Midanao and presently po mga iba’t-ibang public officials, Ano po iyung tingin niyo po regarding po parang sunod-sunod po kasi yung pagrerelease sa public officials?

SBBM: Well, as far as I know ang pagkakilala ko sa Ombudsman that she’s a very fair and a very just person. So, we can only imagine that siguro mayroon nga talaga siyang nakitang pagkakamali, kahit technical man lang. I am sure that iyung mga nadismiss ay magbibigay sila ng kanilang mga counter arguments tungkol sa mga pangyayari. So, tignan muna natin. But again, the of Ilocos Norte and she’s from Paoay and we have known her to be a very competent and actually an exceptionally good justice. So, I trust her judgment and I trust that the wheels of justice will continue to turn and once all of these issues have been argued from both sides, we will find out soon.

Q: Sir, isa po sa mga… ng Cagayan De Oro is not… You think Sir it’s …

SBBM: I’m only an outsider looking in. I don’t have any special information or knowledge about these things. But I can imagine that this is inconvenient for them. But again, I cannot say. As I said, I’m only a distant observer to all of these new actions from the Ombudsman.

Q: Sir, bukas na po iyung anniversary ng Yolanda. Paano niyo po i-aassess iyung response nung government po natin sa mga biktima po especially po doon sa Visayas Region natin? Iyung pag-assess po sa pagtulong asa mga biktima?

SBBM: Slow, inefficient, displaying lack of compassion for fellow Filipinos who have suffered. I cannot understand how anyone can in good conscience given the capability to help people who are victims, 2 years later to see that those victims are still suffering and still waiting for assistance in government. Those who are responsible for that should own up to that responsibility and the promises that they made to all the victims should now be given because 2 years is too long a time for people na nawalan ng bahay, nawalan ng mapuntahan,walang trabaho, at hanggang ngayon nakita naman natin kung gaano kahina ang naging response dahil nakahanap nanaman ng lima o anim na bangkay. Nakausap ko lang ang aking mga pinsan doon, si Congressman Martin Romualdez and Mayor Alfred Romualdez, sabi nila ay mayroon pa, hanggang ngayon nakahanap pa rin sila ng mga patay. It just goes to show na talagang very mahina ang naging response ng gobyerno 2 years ago. Mahina in the last 2 years, hanggang ngayon wala pa tayong nakikitang substantial improvement sa buhay ng mga biktima ng Yolanda.

Q: Pagka naging Vice-president po tayo, ano po bang gusto nating improvement na gawin po sa mga biktima po ng Yolanda?

SBBM: Simple lang naman. Kumplikado ba iyon? Hanapbuhay, bahay, eskwelahan para sa mga bata. Iyun lang naman ang kailangan gawin. It’s not complicated. Kahit elementary na bata masasagot iyang tanong na iyan. Hindi ko nga maunawaan kung bakit hanggang ngayon ang gobyerno parang hindi nila magawa-gawa ang kailangan gawin para sa mga biktima ng Yolanda. Halimbawa, sinasabi by their own reckoning, ang kailangan na bahay na itayo is about 250,000. Ang naitayo pa lang ay 17,000, sabi mismo ng DSWD. Bakit ganoon? Iyung mga natayong bahay, wala pang water supply, wala pang kuryente, hindi pa mailipat iyung mga nasa shelters hindi pa mailipat sa permanent na bahay dahil iyung mga bahay nila walang kuryente, wala pang tubig. Paano naman natin sasabihin sa kanila lumipat? Tapos ang isa pa, alam naman natin napakalaki ng pondo ng binigay. Hindi lamang ng gobyerno ng Pilipinas kung hindi pati ang mga kaibigan natin, individual na Pinoy na nasa abroad na nagbigay ng kanilang mga donations. Tapos iyung mga international agencies, bilyon-bilyon ang kanilang binigay. Unang-una , malaman natin, magkano ba talaga ang tinanggap ng Pilipinas at nasaan na ngayon ang perang iyan? Saan nila ginamit? Saan nila gagamitin at kailan nila gagawin? Ang masakit dito, sinasabi 51% daw ng plano ay natapos na. Hindi pa nauumpisahan ang master plan ni Senator Ping lacson, ni Secretary Ping Lacson. Hanggang ngayon, hindi pa nauumpisahan, not in any substantive way. Mayroong mga ibang lugar na mas maganda ang patakbo pero karamihan wala pa rin talaga, wala pa tayong nakikita. Sana naman maramdaman nila ang kaunting pagmamahal sa kanilang kapwang Pilipino para naman iyung napakaliit na inaantay at pinapangarap ng ating mga biktima ay mabigay na sa kanila.

Q: Last question po. Sinabi po ni Senator Chiz na dapat po patalsakin si Secretary Abaya dahil sa issue ng tanim-bala gang sa NAIA. Ikaw po ano pong tingin niyo dito?

SBBM: Kung siya’y patatalsakin, ayusin niya muna ang problema dahil siya ang gumawa ng problema dapat siya ang mag-ayos ng problema. Papaano niya napabayaan ang ganito? Hindi lang dahil nagkaroon ng problema, noong nakita at nahanap na na mayroon ganitong raket, ma mayroong ganitong mga sindikato, anong kanilang ginawa? Sinisi ang mismong OFW dahil hindi raw nakalock iyung kanilang mga bag. Sinisi lahat- ang batas, hindi raw maganda ang batas. Kailangan raw palitan ang batas. Kung ano-ano ang sinisisi. Ang madaling solusyon diyan imbistigahan ninyo kung sino iyung mga gago na nasa loob ng NAIA na gumagawa niyan. Hulihin ninyo, kasuhan ninyo, at ikulong ninyo. Iyan ang solusyon. Sapat ang batas. Bakit kung ano-ano pa ang sinasabi. Alam naman natin walang nagkakamali, wala naman gumagawa ng kalokohan kung hindi iyung mga nandoon mismo na naglalagay ng bala sa bagahe ng mga OFW. Iyan ang dapat. Huwag natin isipin kahit iyung mga taxi driver o kahit iyung mga kung sino pa. Iyan ang gumagawa, edi iyan ang hulihin natin. Iyan ang ikulong natin. Iyan ang parusahan natin.

Q: … Gusto ko lang po kunin iyung reaction niyo doon sa sinasabi ni Presidente Pnoy na huwag sana daw kalimutan iyung nangyari during sa time ni Presidente Marcos. Sa kandidatura niyo po, parang ganoon ang tira niya. Ano reaction niyo doon Sir?

SBBM: Ang taong bayan ay nag-aantay sa atin ng sagot sa kanilang mga hinaharap na kahirapan ngayon. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilhin, ang pagkalat ng iligal na droga, ang pagtaas ng kriminalidad, ang pag walang trabaho, ang paghina ng agrikultura, ang paghina ng ating edukasyon. Iyan ang mga tinatanong sa atin. Iyan siguro ang mga dapat natin sagutin. Dahil ang taong bayan ay nag-aantay sa ating pamahalaan. Ang taong bayan ay umaasa sa ating pamahalaan. Kailangan ang pamahalaan ay kilalanin na iyan ang ating responsabilidad bilang mga opisyal sa gobyerno. At iyan ang mga dapat nating tugunan at bigyan ng solusyon. Iyung mga nangyari sa nakaraang apat-napung taon ay maaari nating pag-usapan, pero bago natin pag-usapan iyun, unahin na muna natin ang mga immediate problems na pangaraw-araw hinaharap ng bawat Pilipino.

Q: Thank you. One last question Sir. Ano ang tingin niyo doon sa stance ngayon ni (Mayor Rodrigo?) sa kaniyang candidacy for President?

SBBM: Wala naman siyang candidacy. Hindi siya tatakbo. Matagal na niyang sinasabi iyun. Bakit pa tayo magspespeculate? Iyung tao mismo nagsabi, hindi ako tatakbo. Tapos.

Q: Gusto lang namin malaman, bakit po ngayong gabi, ang target po ninyo mabigyan ng solusyon ang mga problema sa DOLE? Especially iyung contractualization, iyung pagkulang ng trabaho?

SBBM: Dahil nabanggit ng isang speaker at ako talaga naman pag tinanong sa akin kung ano iyung gusto mong maging opisina, sinasabi ko siguro DOLE makakatulong ako kaya’t medyo pamilyar ako doon sa mga problema na 5-5-5, mga ENDO at isa pa iyan. Dahil kitang-kita kung ano ang nakalagay sa batas. Kung ano ang sinasabi sa batas. Dapat ang DOLE, ang nagbibigay ng proteksyon sa ating mga manggagawa. Pero hindi ganoon ang nangyayari. Kahit na lahat ng kaso ay naipalo na ng labor, ang DOLE pa rin ay pumapanig sa management at pinapabayaan na pinagsasamantalahan ang ating mga manggagawa. Ito’y malaking problema at hindi naman siguro tama iyan, na iyan ang ating ginagawa sa mga nagtitiyaga, mga naghihirap, naghahanap buhay para mapaganda ang kanilang mga buhay. So, that is one of the very many issues na sa palagay ko na iyun ay makakatulong ako.

Q: Second question, with regard sa mga problema ng OFWs natin. Karamihan nagiging victim sa drug trafficking, ano po ang magagawa natin?

SBBM: Ibang problema iyung dalawang iyun. First, iyung OFW pag nagkakaproblema, kailangan dagdagan natin ang budget ng DFA dahil ang DFA kasi, kahit gusto nilang tulungan, wala silang magamit na pondo. Dahil sa unang-unang budget nitong administrasyon na ito, hinati ang budget ng DFA. 50% pinutol. Kahit anong gugustuhin ng ating mga DFA, ng ating mga diplomat, na para tumulong sa mga naghihirap na ating mga OFW, na mga nagangailangan ng tulong, wala silang maibigay na tulong dahil hindi sapat ang suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng funding para sila ay makatulong. Makikiramay lang sila at makikipag-usap, pero iyung talagang kukuha ng abogado at makapagbigay ng tulong na maramdaman ng ating mga biktima na OFW, iyan ay hindi nila kayang gawin sa ngayon. Iyung mga naman nakikita natin na papasok sa mga nagiging drug mule, ang problema kasi diyan, ay walang trabaho dito sa Pilipinas. Kulang ang trabaho. Kaya naman siyam na milyon, siguro 8 o 9 million na ang ating OFW. Hindi natin malaman iyung iba TNT, pero ganoon karami ang OFW, dahil wala silang makuhang trabaho dito. At iyung mga nagiging drug mule, iyan naman ay naghihirap at hindi na malaman kung saan pa makakuha ng pera para tulungan ang kanilang pamilya kaya nasasangkot sila sa ganyang klaseng sitwasyon. Kaya’t sinasabi ko nga, DOLE ang isang lugar at isang departamento, na dapat natin unahin. Para nga mabigyan ng ng sapat na trabaho ang ating mga mamamayan. At sa ganoong paraan, hindi sila masasama sa pagiging drug mule, hindi na natin kailangan paalisin ang ating mahal sa buhay para maging OFW. Dito na lang sila at iyung kanilang galing, iyung kanilang tiyaga, iyung kanilang sipag ay mapupunta para tulungan ang Pilipino.

Q: What were the primary considerations, motivations, and escalation for pushing you for Vice-Presidency?

SBBM: it is only in continuation of what I feel that I can do as a public servant. I have spent a few years now in the legislature. At the end of this term, I will have spent a total of 12 years in the legislature. I think that there are enough laws in the country. I think it is time to move back in the Executive, para naman ma-implement na iyung ating mga napakaraming batas at palagay ko kasi sa pagka Governor ko, nasanay ako sa Executive. Nasanay ako na maraming nagagawa. Palagay ko panahon na mabalik muna sa Executive department.

Q: … South korea, South Korea has… How do you think, if given the chance to be Vice-President, that you can learn from these 2 countries, being where your father failed?

SBBM: My father did not fail. My father was not allowed to finish and to continue. How lang was he as a prime minister, how long was he, how long was he actually hindi pinabayaan na matapos iyung kanyang dapat gawin at bukod pa roon, hindi lang sa pinatapos, kung ano iyung ginawa niya, binaklas na iyun noong mga sumunod na presidente. They dismantled all the good things, all the system that he put in place to make our government better, to make our government more responsive to the people. They changed the entire system and now replaced it with a system that is inefficient. That is insensitive to the needs of our people. And as we can see, we can see what has happened in the past so many years that it’s as if government has completely, parang nagbakasyon ang gobyerno, walang nangyayari, wala tayong nakikitang pagbabago. Ito ay hindi ko alam again how in good conscience how our leadership can allow this to happen. But that is what has happened and that is the reason why we find ourselves once again in this very difficult situation in political ways, in economics, all kinds of dimensions of our daily lives as Filipinos.

Q: What do you think you can do as  the next national leader should have or for us to move forward?

SBBM: Well, we call them leaders. Why do we call them leaders? Because is for them to provide leadership and the quality of leadership that we have had in the past few years has been very, very poor. The so called leaders do not provide a vision, do not provide a direction, do not provide a means for achieving an end, a goal, a vision for our country. They have no vision and they have no means to arrive at anything. That is why we are in this situation now. What the next administration must do, must provide leadership. And by leadership, I mean again, to provide a vision. What will the Philippines be in 5 years? What will the Philippines be in 10 years? In 20 years, in 50 years. And beyond providing that vision, provide the means. Papaano natin gagawin ito? Sino ang dapat natin ilagay? Kanino tayo magpapatulong? Anong sistema ang itataguyod natin para makamtan natin ang ating gusto? That is the provision not only of a vision but solution to acquire that vision. That is what the next administration will have to have. Otherwise, it will be an unfortunate situation for the Philippines at tuloy-tuloy pa rin ang mga ating paghihirap.

Q: Senator, the huge amount of budget intended for food security and agricultural administration, in comparison with and Masagana 1994 during the Presidency of Ferdinand Marcos, parang doon talaga ang may food security, ano kaya iyung administrations after Marcos administration?

SBBM: Wala ng agri ngayon dito sa Pilipinas. There’s no agricultural policy. This government has no agricultural policy. Many more of the much previous also don’t have an agricultural policy kaya’t hindi naman kataka-taka tayo ang pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo, so that’s the situation. Iyan ang nagyari diyan. Wala naman talagang ginawa.

Q: If given the opportunity, would you rather have?

SBBM: I’m not sure I understand. I have always felt to do whatever it takes you need to do so as to make life better for our people. Whatever getting our hands on, if it’s needed, then that’s what we will do. Alright? Thank you.

Q: Inaudible

SBBM: Ito. Sinumpa ko bilang isang miyembro, at makipagita sa ating mga kaibigan dito sa Cagayan De Oro para mapag-usapan na siguro ang kampanya at kung ano ang gagawin sa pagdating ng campaign period para sa halalan.

Q: So ano-ano po iyung platform natin ngayon sa kandidatura po ninyo?

SBBM: Ganoon pa rin ang aking laging sinasabi. Kailangan sa ngayon, sa unang ilang araw ng susunod na administrasyon, hindi kailangan baguhin an gating mga polisiya. Hindi kailangan baguhin ang ating mga batas. Ang kailangan lang natin gawin ay pagandahin ang patakbo ng gobyerno. How do we do that? To make it more streamline, to make it more efficient, at gawing mas madali para sa ating taong bayan na makapag-avail sa mga serbisyo na idinudulot ng ating pamahalaan. Sa ngayon, parang hindi dumadating sa taong bayan ang dapat dumating na serbisyo, ang dapat na dumating na tulong na galing sa pamahalaan.

Q: Lastly po, ang mensahe niyo po ditto sa mga taga Mindanao?

SBBM: Nais ko po kayong batiin lahat at sana dito sa darating na halalan ay tayo ay mamimili ng mabuti at mamimili tayo kung sino man ang magdadala ng pagkakaisa sa ating bansa at sino man ang may karanasan at sino man ay maipakita na performance na ganyan ang kanilang naibigay.

Back to Blog