Press conference: Cagayan de Oro

BBM: …Siyempre, laging magandang balita iyan na maganda ang resulta ng survey. Sa aking pag-analyze diyan, palagay ko dahil maganda ang pagtanggap sa mensahe natin tungkol sa pagkakaisa. Dahil ang pagkakaisa at maging tulungin ay nasa lahi ng Pilipino iyan kaya madaling maunawaan at ang taumbayan alam nila na iyan ang pangangailangan natin ngayon. Kaya naman sa palagay ko pagka binibigkas ko ang ating mensahe, tinatanggap ng taumbayan kaya sa palagay ko diyan nanggagaling ang tuloy-tuloy na pag akyat ang numero sa mga survey.

Q: Pero si Sen. Miriam po parang tailing po siya.

BBM: Well, si Sen. Miriam ganyan naman talaga pero siguro hindi kasi masyadong nasasama sa mga suvey yung mga kabataan at hindi sinusurvey ang mga eskwelahan. Pero kung titingnan natin, lalo na sa social media, napakaganda kapag nasa social media. Pag may eleksyon sa eskwelahan, lagi siya ang nangunguna. Palagay ko lalabas at lalabas ang suporta para kay Sen. Miriam sa darating na halalan.

Q: Senator, reaksyon niyo po sa mga pagkapanalo niyo sa mga series of mock polls dito sa mga schools?

BBM: Nababalitaan ko nga at siyempre ako’y nagpapasalamat sa mga nagpakita ng kanilang suporta para sa akin. Nakakataba naman ng puso nang malaman pati yung kabataan sumasama sa atin, sumusuporta sa atin. Alam niyo sa halalang ito, ang sektor ng kabataan ang pinakamalaki sa lahat ng sektor, sa lahat ng demographic kung tawagin. Dahil yung 35 and below sa halalan sa Mayo ay 45% na. Kaya magandang makita iyan at kaya lumalakas yung loob natin at nawawala yung pagod sa tuluyang pagdala ng mensahe sa taumbayan.

Q: Ano ang gagawi niyo sa Mindanao?

BBM: Unang-una, lagi nating naririnig “Promised Land” maraming potential. Totoo nga naman. Talagang marami tayong magagawa dito kaya dapat unahin natin ang pag develop ng imprastraktura. Dapat ang pamahalaan ay magbigay ng malaking pondo para ma-develop hindi lamang ng kalsada, tulay, mga eskwelahan, mga ospital, pati na yung isa sa pinakamalaking problema sa Mindanao, yung kulang ang kurtyente kaya nagkaka brownout. Iyan ang mga kailangan nating tugunan na mga problema na hinaharap. Pero makukuha lahat iyan basta’t desidido ang national government tulungan ang ating mga kapatid na tiga-Mindanao. Bago natin magagawa yun, kailangan nating ma kumpleto ang proseso ng kapayapaan. Napakaimportante. Marami akong kilalang malalaking investor na gustong pumasok sa Mindanao, nag-aalala nga dahil sa nababalitaan nilang may gulo pa, may kidnapping pa, yung mga bagay na iyan. Siyempre, hindi naman nakakapagtakaga dahil yung mga negosyante natatakot baka naman sila’y mabiktima. Iyan ang kailangan trabahuin natin. At ako’y natutuwa na mayroon naman tayong agreement sa MNLF, mayroon ng framework agreement sa MILF, mukhang magaganda naman ang sinasabi ng mga kumander sa MN at MI kahit ano ang mangyari. Kahit na alam nila hindi papasa ang BBL pero kahit papaano kailangan ipagpatuloy ang proseso ng kapayapaan. Magandang magandang marinig iyan at siguro kinikilala din nila na iyan ang kailangan ng Muslim Mindanao, ng Mindanao at ng buong Pilipinas.

Q: Are you committed to push the Mindanao Railway System?

BBM: Lahat ng imprastraktura na kailangan, iyan ang kakulangan ngayon. Hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa ang naging kakulangan ng admnistrasyon natin ngayon. At naiwanan tayo sa pag develop ng imprastraktura. Kaya kung anuman, kung ito’y kalsada, kung ito’y tulay, kung ito’y tren, kung ito’y internet, kung ito’y agrikultura, kung ito’y tubig. Lahat iyan ay kailangan nating i-develop ng mabuti. At sa palagay ko, pagka nagkaroon dito ng kapayapaan, masasabi na nayin na natapos na ang gulo, ay hindi imposible na malalakpasan ng Mindanao ang Luzon sa inyong productivity, sa inyong economic enterprise at sa inyong economic activity dito. Alam na alam ko kasi sa pag-aaral namin sa Basic Law ng Bangsamoro, nakita ko ang listahan ng mga iba’t-ibang korporasyon na nanggaling sa iba’t-ibang bansa na nagaantay lamang na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao at saka’y papasok dito at mag-iinvest sila ng malaki.

Q: Sir any comment doon sa sinabi nila VP Binay at Duterte sa heroes burial ng inyong ama?

BBM: Ako’y nagpapasalamat sa kanila kung sakali ma’y malagay isa sa kanila sa posisyon bilang pangulo, ay kinikilala nila ang karapatan ng aking ama bilang sundalo, bilang isang pangulo na ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Hindi ngayon ito naging priority dahil alam natin na hindi ito priority ng pangulo sa ngayon kaya siguro balikan natin iyang isyu na iyan pagkatapos ng halalan at tingnan natin kung ano ang kailangan gawin. Ang posisyon naman ng pamilyang marcos ay hindi nagbabago. Sa aming pananaw siya’y may karapatan bilang sundalo, bilang pangulo.

Q: Sir, apektado ba yung pangangampanya ng grupo niyo sa health concern ni Miriam Santiago?

BBM: Well, siyempre, kailangan din niyang alalayan din ang kanyang karamdaman. Kailangan niyang magpahinga. Pero kahit na ganun, hindi naman nawawala ang galing. Hindi naman nawawala yung talino. Kilala niyo naman si Sen. Miriam. Yun naman talaga ang puhunan niya. Kaya makikita talaga ninyo na yung mga nakikinig at yung mga nagiisip ay sinasabi si Sen. Miriam ang pinakamagaling.

Q: Sang-ayon ba kayo sa EDCA?

BBM: Una, pinipilit ng administrasyon na yung EDCA ay executive order lamang. Executive agreement. Hindi totoo yun. Sa aking pananaw, ito ay treaty. Dahil treaty, kailangan talaga i-ratify ng Senado. Pero hindi nangyari. Wala naman tayong magagawa para pilitin ang Palasyo kung ano ang gawin kaya nandiyan na yung EDCA. Ngayon, pinagpipilian na yung bases na paglalagyan ng mga Amerikano. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang operational agreement ng US government at ng AFP natin. Ibig sabihin nakakabahala kasi dahil mayroon tayong nababalitaan na mayroong areas sa loob ng mga kampo na pinipilit natin Pilipinas iyan. At parang kinumbida lang natin ang mga Amerikano. Ngunit, doon sa EDCA mayroong sinasabi na mayroong mga lugar na hindi pwedeng pasukin ng mga Pilipino. Kaya nakakapagtakaga, bakit ano ba ang tinatago nila? Eh dapat kung ito talaga’y kampo ng mga Pilipino, dapat kahit saan lalo na yung kumander na Pilipino na opisyal, dapat kahit saan siyang gusto pumunta ng kampo’y pupuntahan niya. Pangalawa, ano ba talaga ang operational agreement tungkol sa training, tungkol sa transfer of technology, tungkol sa pagbigay ng equipment. Dahil mayroon din kaming nakita sa EDCA na, sabi nila magtatayo ng maraming facilities, magtatayo ng kung anu-ano at magdadala ng bagong equipment, eh sinasabi nila pag-alis nila dadalhin na din nila ulit. Papaano yun? Kawawa naman ang ating AFP. Walang natutunan, walang bagong gamit. Iyan mga detalye, kasi yung EDCA, yun nap ala ang agreement. Yung IRR o yung kanilang operational agreement, yun ang kailangan nating makita, kung ano ba talaga ang magiging relasyon ng mga sundalong Amerikano at ang mga sundalong Pilipino. Alam naman natin na tayo’y talagang malapit sa mga Amerikano at sa aking palagay maganda na rin at nandiyan sila at tumutulong sa atin. Pero huwag naman tayong magpalugi masyado. Dati, sa Subic at sa Clark nagbabayad sila ng rent. Ngayon, sa palagay ko hindi na siguro rent pero kailangan siguro mayroon naman tayong natatanggap sa kanila in the form of training, in the form of exercises, in the form of transfer of technology, equipment. Alam naman natin, halimbawa yung Balikatan, pagka umaalis ang mga Amerikano, iniiwan lahat ang mga gamit. Sana ganun din ang mangyari sa EDCA. Sa tingin ko yun ang mga detalye na kailangan siguro malaman natin. Hindi naman mga sikreto yung mga iyan. Hindi naman kailangan malaman yung top secret at classified na kanilang ginagawa pero yung general, para naman malaman natin kung anong nangyayari sa loob ng mga kampo natin.

Back to Blog