Press conference: Makati City

Q: Sir, yung Senate po ang sinisisi sa hindi pagpasa ng Coco Levy Funds. Ano ang masasabi ninyo po?

BBM: I have been campaigning since February 9. Hindi na ako nakakapunta sa mga hearing so namomonitor ko lang yun at hindi ko alam kung bakit dahil ang pagkaintindi ko nung last naming napag-usapan ang Coco Levy Fund, ay mayroon ng batas para ma i-release ang Coco Levy Fund. Ang problema lang kasi ay may Executive Order ang Pangulo na sinasabi na kukunin ang Coco Levy Fund at ilalagay sa treasury. At yun ang nilalaban ng ating mga coconut farmers. Sana sa lalong madaling panahon, iyang levy fund ay magamit na para sap ag replant ng ating mga coconut trees para matulungan ang mga farmers at health insurance ang ating mga farmers at iyan naman talaga ang gamit sa Coconut Levy Fund.

Q: Sir, anong pag-asa po kasi busy kayo sa campaign?

BBM: Well, ganun na nga ang situation ngayon. Actually, wala ng session ngayong election. Mayroon kaming session pagkatapos ng election. Mayroong mga ilang bill na inaasahan maipapasa pagkatapos ng halalalan. Kung kakayanin, susubukan naming tapusin. Maaari din next congress na magstart ang deliberasyon. Hindi ko alam kung bakit ang Senado dahil ang Senado ang gumawa ng batas. Si Sen. Cynthia Villar ang gumawa ng batas para sa tamang paggamit ng Coco Levy Fund. Hindi mapunta sa treasury ng gobyerno kung hindi mapupunta sa mga coconut farmer.

Q: Sir, doon sa debate kagabi, doon po sa mga presidentiable na pabor sa Libingan ng Mga Bayani si dating Pangulong Marcos si Duterte po at maging si Vice President Jejomar Binay. Any comments po?

BBM: Well, si Vice President talagang tumulong siyang pag-aaral sa isyu diyan sa paglilibing ng aking ama sa Libingan ng Mga Bayani. Kaya ako’y nagpapasalamat sa kanilang suporta sa pamilyang Marcos at sa karapatan ng aking ama bilang isang sundalo, bilang isang pangulo na mailibing sa Libingan ng Mga Bayani. Sana pagkatapos ng halalan, baka mabalikan natin at mapag-usapan ulit kung maaari na maibigay sa kanya ang kanyang karapatan na mailibing sa Libingan ng Mga Bayani.

Q: Sir, malaking bagay kung nakadalaw si Sen. Miriam sa debate?

BBM: Sa palagay ko malaki dahil naging mainit-init ang salita. Alam naman natin na bagay na bagay si Sen. Miriam diyan kaya kayang-kaya niyang sabayan ang ganyang klaseng usapan. Kung nandiyan sana siya, tumaas ang level of discussion ng ating mga presidentiables. Pero palagay ko mayroon pa siyang pagkakataon para sabihin ang kanyang mensahe at ipakita ang kanyang galing at angkin na talino at ang kanyang kasanayan diyan sa pagdedebate.

Q: Sir, anong assessment mo doon?

BBM: Hindi ko napanood ang lahat dahil inaantay namin ang haba nung delay. Wala pang kalahating oras ang napanood ko dahil mayroon kaming napuntahan. Papanoorin ko. Well, hindi ko i-aassess ang bawat kandidato pero mukhang desidido ang lahat na magpakita ng gilas at hindi na kagaya ng dati na medyo matamlay ang kanilang usapan. Ito ay mukhang palaban ang ating mga kandidato.

Q: Sa tingin niyo pa mas iinit pa ang usapan ng presidentiables ang korapsyon?

BBM: Palagay ko. Hindi pa matatapos iyan at siyempre isa sa pinakamalaking isyu sa ating mga kababayan ang korapsyon. Kailangan lahat ng kandidato ay masagot nila yung tanong yung binibigay. Sa palagay ko, totoo iyan. Palagay ko tuloy-tuloy ang usapan na iyan.

Q: Sir, yung tuloy na kampanya sa EDSA sa Martial Law ongoing pa rin ngayon.

BBM: Ah, ganun ba? Maaga kasi kaming umalis sa kung saan man yung aming tirahan kaya hindi ko na masyadong napapansin kung ano yung mga nangyayari sa ibang lugar. Again, kasama sa proseso iyan. Kasama sa pagka kandidato. Mayroong mga bumabatikos at mabuti naman marami namang sumusuporta.

Q: Sir, yung merger ng DBP at Land Bank, paano yun?

BBM: Wala na tayong agricultural bank. Eh yung Land Bank iyan yung agricultural bank kaya binuo yung Land Bank, kaya nga land bank ang tawag, para sa mga nagsasaka ng lupa. At ang kaniilang dapat inuuna at priniprioritize ang mga magsasaka at mga agricultural na proyekto. Ngayon, kung magmemerge sila ng DBP, ang mangyayari diyan ay commercial bank na lang. So para ka na lang normal na banko. Kaya makikita talaga natin na hindi inaayos ng gobyerno ang ating agrikultura at pinababayaan ang ating mga magsasaka. Kay 70 porsiyento ng mahirap sa Pilipinas ay nasa agrikultura. Bawat taon pinapangako sa atin na mayroon tayong self-sufficiency. Tapos ang susunod na announcement ay magiimport tayo ng mas malaki bawat taon. Tayo na ang pinakamalking rice importer sa buong mundo. Kahiya-hiya. At ang gagaling naman magsaka ang ating mga farmer, pero hindi tinutulungan ng gobyerno. Heto, ang kaisa-isang bangko na dapat tumulong sa agrikultura at gagawing commercial bank. Iiwanan na naman ang ating mga magsasaka.

Q: Sir, yung issue ng money laundering. Ano po yung assurance na yung mga kandidato ay hindi nakakatanggap ng campaign money sa mga nakikinabang sa laundered money?

BBM: The assurance that we don’t break the law. Nagtataka nga ako minsan yung isyu parang bago iyan. May batas na tayo. May Anti-Money Laundering Law tayo. Mayroon tayong mga banking law. Hindi ko masasabi yung mga ibang kandidato, basta wala akong ginagawa na labag sa batas. Money laundering man o kahit na anuman. Iyan na siguro ang pinakamaling assurance na masasabi ko.

Q: Sir, pero naniniwala ba kayo na may connivance between the bankers and the RCBC employees.

BBM: Parang ang impression na nakuha ko sa hearing sa Senado ay lahat daw iyan ay magkasabwat. Alam ata nila ang lahat ng nangyayari. Yun lamang pinagtatago nila sa Banking Secrecy Law. Hindi naman talaga natin maipipilit na palitan natin ang batas. At ang Banking Secrecy Law, lahat naman ng mga bansa mayroong Banking Secrecy Law. Palagay ko kaya naman nating malaman kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Kailangan lang imbestigahan ng mabuti. Mahirap kasi mag-imbestiga pagka kampanya at ginagawang political issue eh financial issue ito, legal issue ito kaya kailangan mapag-aralan. Sa ngayon, hindi pa naman matapos. Hayaan muna natin ang testimonial ng mga iba at kung ano ang magiging findings ng committee.

Q: Sir, yung dirty money na yun from Bangladesh may mga pinasok din daw sa ibang bansa pero na istop. Bakit dito sa Pilipinas nagtuloy-tuloy, sir? Anog ang pagkukulang natin?

BBM: Palagay ko mayroong mga taong handang tumulong sa ganitong klaseng proseso. Pero puro spekulasyon ito eh. Kailangan muna natin malaman kung ano ang nangyari talaga, kung sino ang kasabwat. Kung sino ang nasangkot dito sa ganitong klaseng money laundering. Nandiyan ang batas, sundan natin ang batas. Dapat silang imbestigahan at kung mayroong makitang paglabag sa batas, dapat kasuhan na sila. Palagay ko aabot din tayo sa ganun. Sa ngayon, iniimbestigahan pa lamang ng ating mga ibang government agencies. Iniimbestigahan ng Senado at aantayin natin kung ano ang mgaiging resulta ng mga imbestigasyon na iyan.

Q: Sir, sa tingin niyo ba sapat na yung Anti-Money Laundering Act o kailangan bang amyendahan pa para maging mas epektibo?

BBM: Well, hindi ganito kasimple iyan dahil mayroon tayong mga international agreement na kung saan tayo pumirma at kailangan nating sumunod sa mga agreement na yun. Wala namang kailangang baguhin dahil nahuli na nga itong kanilang ginagawa. Kailangan lang sigurong bantayan ng mabuti at tiyakin ng mga bangk, lahat ng kasama sa paglilipat ng pera ay maliwanag ay sila ang sumusunod sa tamang proseso sa paglilipat ng pera sa pagkikilala kung saang nanggaling ang perang iyan, kung sino nanggaling ang perang iyan at kung saan gagamitin. Again, sana batas iyan, nasa banking rules iyan. Nasa banking procuderes iyan. Kaya dapat lamang masundan kung ano ang batas, ano ang tamang procedure na dapat sundan according to the Bangko Sentral. At palagay ko mahahanap din iyan. Makikita rin kung sino talaga ang nasa likod nitong lahat.

Back to Blog