Press conference: after the Joint Public Hearing on the Bangsamoro Basic Law

20150527_BRIEFING_0002

BBM: It was directed towards the issues on economic impacts of the different provisions of the BBL, and also sectoral impact. Meron kami dun sa listahan ng resource persons, we have divided up the subjects on one, the civil service, me womens, merong energy and environment, merong taxation and finance, merong business, trade, economic sector.

As you can see from the subject matter what we were hoping to hear was the analysis of our economic managers ang effect sa on one side the economic side and on the other side on the uses of government funds and what will be the effect on not only Bangsamoro but on the other parts of the Philippines. But unfortunately hindi namin natapos, hindi namin napakinggan lahat. Dahil talagang andaming lumalabas pa rin na detalye na hindi maliwanag sa BBL.

Ang una naming napag-usapan ay tungkol sa Bangsamoro police at naging mahaba ang usapan dahil hindi maliwanag kung ano ba talaga–eto’y matagal na naming pinag-uusapan—hindi maliwanag kung ano ba talaga ang relasyon ng Bangsamoro police sa Philippine National Police. At yung ating mga resource persons ng DILG at pati OPAPP, pati si Usec. Bacani of the peace panel ay iba-iba ang interpretasyon. Ngunit kahit sinasabi na ang Bangsamoro police ay sumasailalim sa PNP sa Crame ay kung papano yung relasyon na yun? Simpleng simple lang yung tinanong ko: kung may utos ang Chief Minister sa isang Bangsamoro police, pwede bang i-countermand yung utos na yun ng Chief PNP? Hindi maliwanag ang sagot. Kaya’t hindi maaaring pabayaan yan dahil kailangang iliwanag natin na mabuti na ang Bangsamoro police ay nasa ilaliim ng PNP, sa Crame.

Ang sunod na napag-usapan namin na naging matagal ang aming usapan—well the last subject yung iba siguro sa inyo nakarinig—yung tungkol sa taxation. At ipinapaliwanag ang tanong ng marami kung bakit ang sharing sa national wealth at saka sa taxation ay ibang-iba sa sitwasyon at sa sharing ng mga pangkaraniwan na local government units. At yun ay mahaba ang naging usapan at marami kaming tanong at ipinapaliwanag kung bakit may kaibahan nga ang pagtrato sa Bangsamoro sa ibang local government units.

Q: So ano yung kaibahan?

BBM: Ay ang laki. Yung sharing ay ibang-iba. Yung sa taxation lahat ng kukulektahin nila 100 percent maiiwan sa Bangsamoro. Sabi nga ni Commissioner Henares, wala namang question sa sharing, wala namang pag-uusapan sa sharing dahil wala namang sharing, nasa kanilang lahat. So isang bagay yun. Sa national wealth bakit iba sa local government, yung sa mina, bakit iba yung sa mga minerals o fossil fuels, bakit iba yung trato doon. So that was one of the points of discussion.

We briefly taked about doon sa health, kung ano yung mga magiging…sino ang magdedevelop, sinong magtatayo ng ospital, siinong magpapatakbo sa ospital, sinong magbabayad dun sa sweldo nung mga ospital, nung mga nagtatrabaho sa RHU, etc. etc. Dahil ibang iba ang sitwasyon. Sa local government units yung tertiary level treatment na ospital, DOH. Yung nasa baba nun kadalasan ay nasa province o nasa LGU.

At napag-usapan din ay ang eskewlahan, napag-usapan din ang tungkol sa eskwelahan: kung papano, sino ang mag-aadminister ng mga eskwelahan; sinong magtatayo ng mga school buildings; sinong magbabayad sa mga teachers.

Pero kagaya ng lahat ng hearing, yung iba sa inyo na sumama sa amin, ang unang naging question ay anong mangyayari sa mga civil servants na nasa ARMM ngayon na iaa-abolish, na pinopropose ng draft BBL na iabolish yang ARMM and all its offices. So ibig sabihin mawawalan sila ng trabaho. Kailangan nating isulat sa draft BBL na maliwanag na maliwanag na yung mga guarantees na nasa loob ng Civil Service Code, they must continue to apply whatever happens. May guarantee halimbawa, yun ang nakuha namin, na lalagyan namin ng guarantee na kung iabolish ang isang entity, isang opisina at magtatayo ng isang opisina under BBL of a similar function, na may preferrence doon sa mga dating nandun na. Ang question ay hindi pa rin maliwanag kung may opisina o ahensya na iabolish na wala namang kapalit sa Bangsamoro anong mangyayari doon sa mga empleyadong yun, sa mga civil l servants na yun? At nasagot lang sa amin ay pwede na silang mag-retire. Sabi namin papano naman kung ayaw pang mag-retire? So isa pa yun.

Ang lumalabas talaga at nagiging….dalawang bagay ang lumalabas sa hearing natin. Number one, ay hindi talaga kinausap itong mga taong ito. Dapat yung ginagawa namin ngayon ay dapat ginawa ng negotiating panel yun,dapat pinag-usapan na nila yan para maging maayos. At dahil dyan, dahil hindii nga nila pinag-usapan o pinag-usapan nila very quickly, very briefly, hidi detalyado ang kanilang diskusyon, maraming maraming maraming provision na hindi talaga maliwanag. Hindi maliwanag hindi lamang sa mga senador, hindi maliwanag hindi lamang sa mga ahensya na dapat mag-implement nito. Hindi rin maliwanag, kahit sa peace panel hindi nila maipaliwanag na mabuti yung mga ibat-ibang bagay dahil nga hindi napag-usapan at hindi sila nakapag-decide kung ano ang tamang gawin.

Q: Sir, pa expound yung sinabi kanina ni Bacani na the passage of BBL is not a guarantee to have this lasting peace?

BBM: That’s right. I’m glad you picked up on that. Sya rin ang nagsabi na because we hope–marami kasi syang sinasabi–we hope that this will bring peace, it is not a guarantee. That’s what I have been saying–ilang buwan ko nang sinasabi yan. That is why I think that squarely contradicts the pronouncements of the Palace and other members of the OPAPP that this will bring peace, that this will guarantee peace.

Q: So how do you reconcile this with what you are doing right now?

BBM: I think it is consistent with the way we are approaching it. And that approach is we look upon the BBL as a part of the peace process. It is not going to, by itself, finish the problem in Mindanao. It will be part of that especially if we have a good version of the BBL that is constitutional, that is legal, that will be successful. Even if the ideal situation prevails we still have many things to make sure that there will be peace. Because the very simple question that was asked is okay maayos na ang MILF, what about the BIFF? And now balikan natin yung MNLF. What about the Abu Sayyaf? What about this new JIM, etc. etc. That is the question we’ve been asking before. And I think our approach is proven by that statement of Usec. Bacani to be correct.

Q: Pero senator kung sinasabi ni secretry Bacani na hindi solusyon ang pagpapasa ng BBL para magkaroon ng peace sa Mindanao, bakit hindi ibasura ng lang ng Senado yung BBL?

BBM: Hindi naman completely na useless, palagay ko may maitutulong sa proseso ng kapayapaan yung BBL. Because again, it addresses the concern of the major armed group which is the MILF. And that is something that we have to do.

Q: Sir papano nyo iaa-adress yung nakita nyo na special treatment sa Bangsamoro pagdating sa taxation?

BBM: Hindi nga maliwanag, kas hindi malliwanag kung ano yung prinsipyo na sinundan nila sa pagsulat nila ng mga provision sa taxation. In fact tinapos ko yung hearing hindi pa tapos yung gustong sabihin ni Commissioner Henares. Marami pa raw syang gustong i-bring up. At sabi ko di mukhang magkakaroon ng isa pang hearing dahil marami pang hindi pa nakapag-salita e.

Q: But you will not allow yung ganung special treatment dun sa taxation? Hindi nyo ia-allow sir?

BBM: Yun ang pinag-dedebatehan. I think we agreed that there is a recognition in the constitution…tinanggal namin, hindi ko tinanggap yung salitang preferential, ang sabi ko it is recognized na iba and therefore maybe the treatment should be different from other parts of the country. But the concept again of social justice–dahil naiwan-iwanan na daw ang Mindanao at kailangang tulungan para makahabol sa rest of the country. That is a concept that actually is valid. But the problem is how do you turn that into actual governance? How does that become part of governance?

The other point that was raised is because of the taxation, yung pondo na ibinibigay sa Bangsamoro ay tama rin naman. Dahil ang local government ay namamahala sa barangay roads, sa municipal roads, sa provincial roads. Ang national government ang namamahala para halimbawa sa infrastucture sa national level. Ano ang gagawin ng Bangsamoro government para sa imprastruktura na kailangan nila ng napakalaking pondo? Dahil yung binibigay natin sa ibang LGU ay maliwanag kung saan nila dadalhin. Hindi maipaliwanag na mabuti kung saan dadahin yung napakalaking pondo na hinihingi sa taxation, sa block grant, sa ibat-ibang normalization fund, etc. Ay yun na naman ay may kalabuan kung papano ang magiging uses. Makakolekta ng sila ng maraming buwis, saan nila gagamitin? Yun ang kinatatakutan ng lahat. Dahil sinasabi na ARMM is a failed experiment. Yun ang isang malaking faillure ng ARMM, marami tayong ibinibigay na pondo, hindi naman nararamdaman ng taong bayan. Hindi naman natn nakiikita sa development ng lugar. So ganun din ang magiging question. E kung sinasabi ginagawa natin ito para ayusin yung naging mga problema sa ARMM, mukhang hindi natin ginagawa yung pag-ayos sa problema sa ARMM.

Q: Sa kabuuan sir magkano yung block grant, normalization fund, sa foreseen na taxation?

BBM: Malaki-laki. Yung normalization fund kung saan-saan nakatago na department e. Pero yung block grant is 75 billion to 79 billion. And then of course the IRA–may IRA naman yung mga local governments e. Tapos yung pondo na inaapropriate para sa ARMM which is 24.3 billion this year. So yun ang idadagdag.

Q: Sir sabi nyo yung issue sa PNP hindi malinaw sir, anong gagawin nyo doon?

BBM: Ako ang plano ko lahat ng mga, halimbawa let’s give an example, yung mga constitutional bodies, ang gusto ko ipagpantay lang sa pangkaraniwang local government unit. Dahil lahat naman ng probinsya may Comelec office, meron naman silang COA, meron naman silang Civil Service–o di pareho na lang. Bakit pa kailangang ibahin? Tapos yung sa Bangsamoro police, ganun din, gawin natin sa ilalim. Dahil sabi ipapantay lang nila sa nangyayari sa local governmet. Ang local government, ang governor ang mayor hindi kasama sa chain of command ng pulis. Pero dito kasama, ang Chief Minister ang boss nila. Siguro kailangang palitan dahil magkakagulo ng husto pagka naging ganyan. At saka yung kinatatakutan ng lahat ay mababalik na naman tayo sa private army. Kaya nga nag-establish tayo ng national police para hindi na mangyari yun.

Q: So sir, to clarify sir, you will remove the authority sa Chief Minister,yung powers over the police?

BBM: Well we haven’t decided what to do yet. Ako ang approach ko, hindi pa namin napag-usapan ng ibang miyembro ng committee, pero ang approach ko sinasabi ko hanggat maari gawin nating pantay doon sa local government. Kung ano yung nangyayari sa province, sa city, sa muncipality, hanggat sa barangay, hanggat maaari. Alam naman natin na iba e, pero hanggat maaari ipagpantay na lang natin, para maliwanag, para consistent yung gobyerno sa lahat ng lugar ng bansa.

Q: Hindi special yung lugar….?

BBM: Well meron tayong…kinikilala nga natin na sila nga ay kakaiba, na sila nga ay naiwan-iwanan; there were injustices that were visited upon them that we have to try to somehow provide them assistance to get beyond that. And that’s well recognized. But how that is going to be done has to be more clearly stated. Dahil sa ngayon pagka sinasabi there were social injustice for hundreds of years—-padalhan natin ng mas marami, here’s another billion pesos. O kasi nagka….eto na naman…billion. Hindi pwede yun e. Kasi anong assurance natin na lahat itong pondo na sinasabi natin etong aayos doon sa mga naging problema ninyo, doon sa inequality na idinulot sa inyo sa nakaraang ilang daang taon, how can we say that giving you 10 billion pesos, or 100 billion pesos is going to actually solve those problems. We have to make those assurances kung magbibigay ang national government ng ganitong pondo ay tiyakin natin pupunta doon para ayusin nga yung mga na-identify na problema, whatever they may be.

Q: Sir may 2nd deadline na daw po for BBL, October? Kaya na po ba yun sir?

BBM: The 2nd deadline ay yan dahil naman sa filing ng COC’s. Dahil kung hindi matapos ang BBL by October ang magpa-file ng COC ay yung mga ARMM officials. Kasi wala pang batas, there’s no reason for anybody to file for the Bangsamoro parliament. Yun at least makita natin maliwanag na maliwanag na pag hindi natapos mayroon talagang mangyayari, may effect. Which is not similar to the other deadlines that we have been hearing?

Q: Sir it is proper to insert the anti-dynasty bill as BBL?

BBM: We do not have an anti-dynasty bill. But an anti-dynasty provision? Actually it was never mentioned. I do not think that it is a particular issue to the BBL: it is an issue that is being discussed in all parts of the country, it’s not specific to BBL. Presumably when an anti-dynasty law is enacted, it will apply also to Bangsamoro.

Q: Sir one more, magkakaroon ba ng conflict kung ipapapasa yung concurrent resolution sa economic chacha and BBL at kung alin ang mauuna sa dalawa?

BBM: I don’t think there will be a conflict, as far as I’m concerned. Unless, pag payag na tayo na amyendahan ang constitution para sa BBL. Yun lang ang magiging involvement ng BBL dun. Ngayon kung talagang economic provisions land it should not have an effect of whatever version of BBL will be passed.

Q: Sir, how many more hearings?

BBM: I don’t know. The more mas lalo nating hinahalungkat yung mga isyu mas lalong dumadami at mas nagiging kumplikado e.

Q: Hindi last hearing bukas?

BBM: I’l have to discuss it with the others because first of all itong listahan ko hindi ko naabot yung kalahati ng resource persons. So marami pang kailangang mapakinggan. We never talked properly, yung health hindi namin natapos. Yung women’s sector hindi namin natapos. Yung energy, environment malaking bagay yan hindi namin natapos. Hindi natin napakinggan ang DTI, NEDA, Mindanao development authority, lahat yung industries and trade, business, hindi natin natapos. So we’ve still a lot of work to be done.

Q: Pwede ba kayong mag hearing sa sine die?

BBM: Sa sine die? Pwede, pero….

Q: Pero maghi-hearing ka? Aalis ka?

BBM:Wala naman akong planong umalis, e. Kasi ang plano ko sa sine die isusulat na yung substitute bill, pero….pwede ko nang simulan pero marami pang hindi pa na decide kung paaano nga i-clarify ito nga yung malalabo e. #####

Back to Blog