Postponement ng ARMM malabo pa rin sa Senado

Pinaghahanda pa rin ni Senate President Juan Ponce Enrile ang Commission on Elections (Comelec) para sa Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) elections sa Agosto.

Ayon kay Enrile, bagama’t “certified as urgent” ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang pagpapaliban ng ARMM elections, hindi pa siguradong makakapasa ito sa Senado.

“We have notified informally the Commission on Elections to be prepared just in case we cannot r­eally enact the law, although that has been certified by the President as an urgent bill,” ani Enrile.

Mas mabuti na aniya iyong handa sakaling hindi man maisabatas ang pagpapaliban ng ARMM elections.

Sinabi naman ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Senate committee on local government, na plano nilang matapos sa susunod na linggo ang report ng komite na nagrerekomendang ituloy na sa Agosto ang halalan sa ARMM.

“We will try to do our best to finish the committee report, I think this week,” ani Marcos na tutol din sa panukalang ipagpaliban ang ARMM elections.

Back to Blog