Poor to Decide on Next President

Not the opportunistic elite

The country’s poor will decide the outcome of the May 10, 2010 presidential elections, Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. said on Thursday.

Marcos said the indigent is likely to vote for a candidate who originated from their ranks and clearly understand their plight.

He said the fate of the nation lies in the hands of the poor, noting that a great majority of Filipinos is impoverished.

“The number of rich voters is relatively small compared to the poor voters. If poor voters will unite and turn up in large numbers to vote next year, their candidate will surely win,” Marcos stressed.

Thus, Marcos called on the farmers, laborers, fisher folk, urban poor, the youth and other marginalized sectors of society to vote as one and prevent a pro-elite candidate to win in the elections.

“It’s very easy to determine a candidate who belongs to the ruling class and favors the elite.  Just look at the people that surround him, they are either former top government officials, mestizos or not fluent in Tagalog,” Marcos pointed out.

He said next year’s elections can turn into a “class war” and the poor should not allow themselves to be dictated by the upper class.

Hindi ang mapagsamantalang mayayaman sa lipunan!

BOTO NG MAHIHIRAP MAGPAPANALO

SA ISANG PANGULO – BONGBONG

Ang boto ng mga mahihirap ang siyang magtatakda kung sino ang mananalo at tatanghaling bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas sa darating na May 10, 2010 presidential elections.

Ito ang sinabi ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte matapos na manawagan na suportahan ng aping mamamayan ng lipunan ang kandidatong nagmula sa uri ng mahirap at hindi sa uri ng mayaman.

Ayon kay Marcos, higit na nakararami ang uri ng mahihirap kung ikukumpara sa uri ng mayayaman na kung magkakakaisa ay kayang magpanalo ng isang kandidato para sa pagka-pangulo.

“Maliit lang ang sector ng mayayamang botante kung ihahambing mo ito sa mahihirap sa ating lipunan.  Kung magkakaisa ang sector na ito, tiyak na panalo ang iboboto nitong kandidato,” pahayag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na kailangang magkaisa ang mga magsasaka, manggagawa, mangingisda, urban poor, kabataan, at iba pang aping sektor ng lipunan upang ang kandidato ng mayaman ay hindi manalo sa darating na halalan.

“Madaling makilala ang kandidatong nagmula sa ruling class o naghaharing uri. Tingnan ninyong mabuti ang mga nakapalibot na tao sa isang presidentiable,  kundi mga taong dating nasa matataas na puwesto ng gobyerno, mga mestizo at baluktot magsalita ng tagalog!” pagdidiin pa ni Marcos.

Idinagdag pa ni Marcos na maituturing na ‘class war’ ang darating na halalan at kailangan umanong ipakita ng mahihirap na botonte na hindi sila kayang diktahan ng naghaharing uri o ruling class sa lipunan.

Back to Blog