Poll Defeat Looms for Gibo

If he won’t reach out to FVR, JDV, Bayani

Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. has warned that Defense Secretary and presidential aspirant Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. will suffer defeat in next year’s elections if he fails to unify the warring factions within the administration party.

Teodoro was recently chosen as standard bearer of the newly merged Lakas-Kampi-CMD. But his nomination remains in doubt because of the pending petition of former Speaker Jose de Venecia Jr. that questioned the legality of the merger between Lakas-CMD and President Arroyo’s Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi).

De Venecia claimed the merger violated the constitution and by-laws of Lakas-CMD, the political party he co-founded with former President Fidel V. Ramos.

Marcos said Teodoro should reach out to the Lakas founders if he wants his party-mates to give solid support to his candidacy, noting both De Venecia and Ramos continue to have clout among Lakas members.

“Gibo needs to talk and court FVR and JDV because they still have supporters within Lakas. We may not hear from them now but they will surely come out as the Election Day approaches,” Marcos stressed.

Marcos said Teodoro must also convince Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando to support his candidacy despite the latter’s failure to get the endorsement of the administration party’s executive committee.

“BF is good and he also has many supporters. Gibo needs to talk to BF,” he said.

There were reports that Fernando is eyeing an alliance with the group of Ramos and De Venecia after he failed to get Lakas-Kampi-CMD nomination.

Marcos also said Teodoro should prevent the three from forming an alliance because they might create a force that could ruin his chances to become the next president.

Marcos also advised the administration standard bearer to start distancing himself from President Arroyo if he wants to win in 2010, believing that an endorsement from the unpopular leader is a “kiss of death.”

Kailangang pakiusapan at suyuin sina FVR, JDV at BF

GIBO, GIBA SA GULO NG PARTIDO

Mabibigong manalo sa pagkapangulo si Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro sa darating na 2010 elections kung hindi nito aayusin ang gulo sa loob ng partido ng Lakas-Kampi-CMD.

Ito ang sinabi ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte kaugnay sa ilang bloke sa loob ng Lakas-Kampi-CMD na kasalukuyang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Ngunit naniniwala si Marcos na kayang pakiusapan ni Teodoro sina former President Fidel Ramos, Rep. Jose De Venecia Jr., at MMDA Chair Bayani Fernando para suportahan ang kanyang kandidatura.

“Kailangang kausapin at suyuin ni Gibo sina FVR at JDV dahil sa maraming supporters pa rin ito sa loob ng partido Lakas.  Maaaring hindi lang lumulutang ang mga ito, pero pagdating ng eleksiyon tiyak na magsasalita at papanigan sina FVR at JDV,” pahayag ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na mahalaga ding kumbinsihin ni Teodoro na suportahan ni Fernando ang kanyang kandidatura sa kabila ng pagkatalo nito sa nakaraang selection process ng partido Lakas-Kampi-CMD.

“Magaling si BF at marami ding supporters. Kailangan kausapin ni Gibo si BF,” dagdag pa ni Marcos.

Binigyan diin pa ni Marcos na kung tuluyang makikiisa si Bayani sa grupo nina Ramos at De Venecia, malaking pwersa ito at tiyak na kukuha ng boto laban kay Teodoro.

Pinayuhan din ni Marcos si Teodoro na simulan na nitong dumistansya kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung nais niyang manalo sa 2010 elections.

Back to Blog