PNP dapat mag-level up ng paghahanda laban sa pagsiklab ng krimen

Read the English version here.

unnamed

Sen. Bongbong Marcos oversees the incorporation of Philippine National Police Academy cadets of the B.S. Public Safety Class 2019. Camp General Castaneda, Silang, Cavite.

Nanawagan ngayon si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Philippine National Police na mag-level up sa kanilang kampanya laban sa krimen na maaaring lumala pa sa pagpasok ng panahon ng eleksyon.

“Talamak ang problema sa droga, kabi-kabila ang nakawan, hold-up at patayan, may mga kidnapping pa. Mabigat na ang problema natin sa mga karaniwang krimen kaya dapat lamang na dagdagan pa ng PNP ang kanilang preparasyon dahil sa maaaring pagsiklab ng election-related violence,” ani Marcos.

Noon lamang nakaaang Lunes, napatay sa isang ambush si Tungawan, Zamboanga-Sibugay Mayor Randy Climaco ilang oras lamang makatapos na mag-file ito ng kanyang certificate of candidacy sa lokal na opisina ng Commission on Elections (Comelec).

Anim na iba pa ang nasugatan sa naturang ambush, kabilang na si Tungawan Vice Mayor Abdurauf Abison.

“Bagamat hindi pa malinaw kung talagang may kaugnayan sa pulitika ang insidente, ang timing ng pangyayari ay isang hudyat na sa ating kapulisan na paigtingin ang karampatang mga hakbang upang mahadlangan pa ang mga katulad na insidente na maaaring sumiklab sa pagpasok ng eleksyon,” ani Marcos na kasalukyang chairman ng Senate Committee on Local Government.

unnamed-1

Noong Martes ng umaga naghain si Marcos sa Comelec ng kanyang COC sa pagtakbo bilang vice president sa May 2016 elections. Ayon sa kanya kabilang sa mga isyung nais niyang tutukan kapag naluklok sa pwesto ay ang pagsugpo sa lumalalang kriminalidad sa bansa.

“Magagawa lamang natin ito kung todo ang suporta natin sa aking kapulisan. Bukod pa doon kailangan din nating tutukan ang values formation,” ani Marcos sa isang interview sa radio.

“Ibalik natin ang disiplina sa ating mga kababayan dahil pag nakakausap ko ang mga pangkaraniwang mamamayan ang sinasabi nila ay kailangan natin ng mas matibay-tibay na gobyerno na maayos ang patakbo,” dagdag pa ng senador.

Back to Blog