Pilipino Star Ngayon – Bongbong ‘lucky charm’ ng Azkals sa panalo sa North Korea

By Doris Borja | Pilipino Star Ngayon

Pilipino-Star-NgayonNaging “lucky charm” si vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos ng Philippine Azkals matapos nitong manalo kontra North Korea, 3-2, noong Martes ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

Nanood si Marcos kasama ng kanyang mga anak na sina Joseph Simon, 19 at William Vincent, 18 upang bigyan pugay at suporta ang Philippine team sa kanyang laban.

“Nararapat lamang na bigyan natin ng suporta ang ating Philippine team sa ganitong laban at pagkakataon na rin magkaroon kami ng break sa kampanya upang makasama ko sa ganitong pagkakataon ang aking mga anak,” ani Marcos.

Sinabi nya na nakakatuwa na nanalo ang Azkals sa laban at pinakikita nito ang puso at determinasyon ng mga Pilipino sa bawat gawain. “Naglaro ang Azkals ng may puso at determinasyon na kung saan kilalang kilala ang mga Pilipino sa buong mundo,” aniya.

Matapos ng laro, binigyan si Marcos ng number 10 Azkals jersey ni Azkals’ team manager Dan Palami bilang pasasalamat sa kanyang pagdalo.

Back to Blog