Radio Interview with Sec. Orly Mercado on Radyo5

Orly Mercado : Magandang Umaga sayo Senator Bongbong.

Sen. Bongbong : Magandang umaga sayo Orly, magandang umaga sa mga nakikinig. Good morning po sa inyong lahat.

Mercado : Ok, ano ba ang kasalukuyang kalagayan ng Bangsamoro Bill in the Senate?

Sen. Bongbong : Well, yung aming 14th hearing na ginanap kahapon ng umaga hanggang after lunch at tumayo nga ako sa Senado at nag privilege speech ako para malaman ng taong bayan kung ano na ang nagyayari sa BBL at parang ulat ko na sinabi ko na ipagpapatuloy namin ang pag aaral at na aking pinapangako sa taong bayan na hindi ma railroad at hind mamamadali ang pagpasa ng BBL na hindi maayos na bersyon sa Senado. Kaya’t sa ngayon ay tapos na, may isang hearing pa tapos may isa pang hearing process at isusulat na naming ang committee report, pero ang gagawin namin sa Senado ay talagang, line by line, provision by provision, at talagang detalyado maraming magiging pag-aaral at diskusyon ditto sa BBL sa Senado.

Mercado : You have casted a very big net para malaman ang pulso ng bayan lalong lalo na doon sa mga lalawigang maaaring maapektohan doon sa kung papaano e-iko-compose ang bangsamoro, ‘yun bang issue ng Palawan ay napag usapan po ninyo?

Sen. Bongbong : Napag usapan ‘yan, but andoon na, inimbita naming si Governor Alvarez na mag punta sa Senado at kasi ang nangyari, merong may listahan sa original na BBL na draft merong may listahan ng mga lugar kung saan gaganapin yung plebesito, pero nung dumating sa.. bago lumabas sa Adhuc Committee House of Representativesyung listahan na ‘yon ay naragdagan pa ng mga ibang probinsya at ibang bayan at ibang lungsod, at kaya naman sila nagpa imbita sila at sinabi nilang pumunta sa hearing niyo para makapag salita at ang kanilang sinasabi… at kahit na sila ay suportado sa proseso ng kapayapaan at sa palagay nila ay kailangan talaga nila na gawan ng paraan para magkaroon na ng… magka-intindihan na ang National Government at tsaka yung iba’t ibang ad group ay sinasabi, ok suportado naming ang BBL pero huwag niyo kami isama dahil wala naman kami diyan sa dating usapan. Kaya’t ‘yan ang mga lumabas at marami kasing nagulat na hindi napapag-usapan ang lugar ay bilang nasama doon sa bersyon na inaprove ng Adhuc Committee sa House of Representatives.

Mercado : Yung House eh mukang desididong kanilang maipasa, well atleast they are trying to target it before the end of the sessions in June. Pero kayo sa Senado, what is the realistic way of looking at it? ‘Yan ba ay praktikal bang maiisip na’yan ba ay malulusot sa Senado before the adjournment?

Sen. Bongbong : Malamang hindi na siguro dahil kitang-kita naman ngayon, may last hearing pa kami at ‘yan na nga ang aking sinabi sa aking privilege speech na ipina-pangako ko na maasahan ng taong bayan, hindi ma ra-railroad ‘to, hindi mamadaliin. Kaya’t siguro ang mangyayari… ang proseso ay ganito, kapag na adjourn na sa Kongreso ay dahan dahna na naming, dahan-dahan ko nang isusulat ang Committee Report at tsaka yung substitute Bill na kasama niya. Pero malamang matatapos ko ito during the recess, at bibigyan ko na ng kopya ang lahat ng Senador para bagbalik naming sa July 27 ay alam na, nakita na nila ang bersyon na pino-propose ko, at ‘yun na pwede na naming upuan, pwede na naming pag meetingan, at isa-isahin na nga ang bawat probisyon ang bawat section para tignan naming kung ano yung mga problema at ano yung mga kailangan naming gawin para ayusin yung mga problema sa BBL.

Mercado : Sen. Bongbong, I’d like to change the subject, kamusta ba yung Blue Ribbon Committee? Napag usapan niyo na ba ang rekomendasyon yung Committee Report?

Sen. Bongbong : Hindi ko pa nakikita yung Committee Report dahil ito nga, lahat nang oras ko ay ibinubuhos ko dito sa BBL para nga maganda ang pag-analyze, at nababali-balitaan ko lang kung ano yung mga pangyayari pero hindi ko pa naka-usap yung mga members of the Sub-Committee, at hindi ko rin nakikita pa yung Committee Report kaya’t pag tinatanong sakin kung na pirmahan ko na, eh hindi ko pa nakita, kailangan ko pa sigurong basahin ng mabuti bago mag desisyon kung pipirma o hindi.

Mercado : Umiinit ang usapan at ang koponan kung sinong kopong-kopong doon sa president at bise-presidente. How do you feel about this particular issue?

Sen. Bongbong : Well, ay talagang maliwanag na nagsimula na ang campaign period para sa 2016, at kagaya nga ng aming sinasabi, aking sinasabi mula pa noon ay sinasabi ko titignan muna natin at marami pang mangyayari diyan, at naging tama naman ang aking prediksyon na hindi pa maliwanag noong Enero, noong Pebrero, noong Marso ay marami pang pagbabago ang nangyari kaya’t tignan natin ang sitwasyon ay dahan-dahan palagay ko lilitaw ang mga tunay na magiging kandidato at palagay ko dadami, dahil noon, very dominant ang positon ni Vice President lalo na sa opposition side, sa government side, sa administration side naman very dominant ang position ni Pangulong Noynoy, pagka balik ngayon dito sa election ng 2016, maraming nagbago, medyo naging pantay ang mga pangalan ng kandidato sa opposition side at humina naman ang suporta para sa Pangulo. Kaya’t nagbago rin ang sitwasyon para sa Administrasyon, kaya’t palagay ko, very volatile pa ‘yan, hindi pa siguro natin nakikita kung ano ba talaga ang magiging sitwasyon sa wakas ng pagdating. Malalaman lang siguro natin talaga ‘yan pagdating ng Oktubre, pag pila ng COC ng mga kandidato.

Mercado : Sen. Bongbong, hindi pa nag de-deklara si Sen. Grace Poe, pero meron nang mga nire-raise na issue laban sa kanya. Sa tingin mo ba valid ‘yung issue ng kanyang residence at tsaka yung kanyang pagiging ampon o foundling?

Sen. Bongbong : Well, yung kanyang pagiging founling ay aminado naman siya na ‘yun naman talaga ay sinabi na iniwan siya bilang sanggol, iniwan siya sa Jaro, sa Ilo-ilo at siya’y inampon at ‘yun naman ay hindi kinukwestyon. Ang lumabas na kwestyon ay tungkol, kung siya ba ay sa residency ay sapat na yung kanyang residency sa Pilipinas para tumakbo sa Presidente o Bise Presidente sa 2016. Yung naririnig ko pabago-bago yung mga ibang abugado ay hindi maaari, yung ibang abugado sinasabi naming hindi problema. Kaya’t magiging mahaba pang usapan ‘yan at titignan natin nga kung anong magiging development pero makikita mo na, na po-posisyon na, nag po-positioning na ang ibat-ibang panig at siguro kaya naman si Senator Grace ang pinupuntirya ngayon ng oposisyon side, ay palagay ko nakikita na siya na factor dito sa election, sa darating na election 2016.

Mercado : At tsaka, very, well slowly moving up, hindi pa man deklarado eh contender na. Doon sa issue kung sino ang mga magulang niya. Ano ba ang reaksyon mo roon at hindi kaba nabibiro dyan kung minsan-minsan kayong mga Senador nag bibiruan, kung ano-anong tsismis ang madidinig mo tungkol sa mga bagay na ‘yan.

Sen. Bongbong : ‘Yun ang tsismis na lumabas sa kampanya ng 2013. May mga nagkakalat na mga istorya na kami daw ay half-brother at half-sister, kaya nung bago siyang dumating sa Senado pagka panalo niya sa 2013 election, nag bibiruan nga kami na itong tsismis na ito ay karirin natin. Kaya ang tawag ko sa kanya ay, “sis” at ang tawag niya sakin ay, “kuya”. Para masiyahan na sila diyan, ang mga tsismosa na gumawa ng tsismis na ‘yan, ayan ginawa nalang naming biro.

Mercado : Alam mo dito sa atin, habang nagiging masalimuot ka ay provides color, but you think it is a fair question or a fair issues samantalang napaka raming mga issue na we shoul really need to focus, like what will you do, anong plano ninyo, anong issue ng integridad, kapasidad na maglingkod.

Sen. Bongbong : Well, of course as a basis, andyan ang ating batas, andyan ang ating mga rules, na dapat sundan kung may kakulangan nga ito ba ay magiging, this is a significant issue or not. Kaya nga yung ibang sinasabi, itong tungkol nga sa residency ay hindi naman siguro importante pero ito nga ang sinasabi nga ng iba, this is important kasi andyan ang ating mga… andyan ang batas, kailangan sundan ang batas. But of course, ang sa palagay ko hindi dito ang desisyon ng taong bayan. Ang magiging desisyon ng taong bayan ay kung sino man, sino sa kanilang palagay ay magiging pinaka marunog, pinaka may malasakit sa taong bayan, sino ang may solusyon sa mga problema na hinaharap ng bansa at ito siguro kapag dumating na tayo sa kampanya at dumating na tayo sa election ay nakalimutan na siguro ang mga issue na ito, at ang mapapag usapan, dapat ang mapag usapan ay issue tungkol sa galing ng isang tao tungkol sa… kung sila ay honest, kung sila ay walang bahid ng korapsyon ay talagang may solusyon sa problema ng ating bayan, ‘yan ang mga iisipin ng botante natin.

Mercado : Maraming salamat Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos. Thank you very much.

Sen. Bongbong : Maraming salamat Sec. Orly at magandang umaga po sa inyong lahat

Back to Blog