Philippine National Police Academy Incorporation Rites of the B.S. Public Safety Class 2019

Thank you very much for your kind introduction.

The Director of the PNPA, Police Chief Superintendent Armando Ramolete. I would like to also greet Police Superintendent Rodora Maylas, the Executive Director, Police Senior Superintendent Neil Alinsangan, who is the commandant of the cadets, Police Superintendent Cordan Pakatinding of Academics…

Sa mga upper class at sa buong pwersa ng mga kadete ng Philippine National Police Academy, sa iba pang mga opisyal, mga guro, at mga tauhan na bumubuo ng PNPA, higit sa lahat, sa mga magulang, mga ka-anak, at mga mahal sa buhay ng ating mga bagong kadete,

Magandang umaga sa inyong lahat!

Bago po ako magsimula, nais ko pong iparating ang aking malalim at taos-pusong pasasalamat sa buong pamilya ng PNPA sa inyong pag-anyaya sa akin upang maging bahagi ng Incorporation Rites na ito.

Isang malaking karangalan ito para sa akin ang makasama kayong lahat dito. Sa aking pagharap sa inyo ngayon, pakiramdam ko tuloy na ka-level ko na sa kasikatan at kaguwapuhan dito si Coco Martin! Dahil kung maaalala ninyo, siya rin, kamakailan lamang, ay naging panauhing-pandangal ng PNP sa pagtataas ng watawat sa Camp Crame, dahil sa kanyang pagganap sa buhay ng isa sa ating magigiting na SAF 44 na alumnus ng PNPA: si Sr. Inspector John Garry Erana ng Class 2009.

Sa mas seryosong usapan, tunay pong nakakataba ng puso na ako ay inyong napili upang makapagbigay ng payo sa ating mga bagong kadete, na babaunin nila sa kanilang pagpasok sa mahigpit at mahirap na buhay-kadete.

You see, I consider myself a privileged member of the extended family of our police force, having been adopted last year as honorary member of the 10th batch of the PNPA, the Class of 1989, which goes by the name “Tagapagbuklod”, here on these very same grounds.

Malapit po talaga sa akin ang Kapulisan ng ating bansa, kaya po ako ay nasisiyahan na makadalo rito sa inyong Incorporation Rites, kung saan ang mahigit 300 na ating mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay pinagtagpo ng tadhana dahil sa kanilang iisang pangarap at hangarin: ang tumugon sa tawag ng tungkulin at sa hamon ng serbisyo sa kapwa.

Sa aking pananaw, ispesyal ang batch ng PNPA Class 2019. Hindi lamang po sa kadahilanang sila ang matatadhanang ika-apatnapung 40th batch ng PNPA, apat na taon mula ngayon. May mas malalim pa po at mas makahulugan na kadahilanan.

To the PNPA Class of 2019: you have bravely entered the gates of the Academy at a rather bleak and somewhat inauspicious time, at a time where our Police force had been beleaguered by serious challenges that have negatively affected not only the public image of the police but also the morale within your ranks.

Corruption allegations at the highest level; Congressional exposition of egregious failings in the chain of command, in the coordination of plans and forces, and in the execution of operational strategies; the preventable tragedy that cost the lives of 44 extraordinary policemen, who, because of their brave and selfless dedication to the cause of peace and public safety, are now forever etched in the collective memory of a grateful nation.

All these have triggered not only public outrage, but have sown seeds of demoralization within the ranks, as well as a distrust by the public. Worse, unsavory developments stemming from these matters continue to cause further and deepening private injustice and indignity to the families and loved ones of our fallen SAF 44.

But in the face of all these, here you all are, having made a firm and wholehearted commitment to join our citizen’s peacekeeping force, the PNP, at this most critical period—and via the difficult road of the Academy, no less!

For this, you deserve the People’s utmost praise and commendation.

Alam ng madla na hindi biro ang pinapasok ninyong mundo. Bukod sa napakahirap at napakahigpit na buhay na ito, kayo ay sadyang nilalayo sa inyong mga mahal sa buhay at sa buhay na madali at maginhawa
At ang ganitong klaseng buhay na inyong tinatanggap nang maluwalhati at walang halong pasubali at pagdududa.

Kung ito talaga ang tawag ng tungkulin sa bayan…

…ang dumaan sa matinding hirap upang patibayin ang inyong katawan, puso at isipan para maihanda ito sa isang buhay ng serbisyo sa kapwa…

…ang gawin ang lahat ng ito na ang hirap ay magpapatuloy pa sa labas ng Akademiya, habang pasan-pasan ninyo ang imahen ng buong PNP at ang mabigat na responsibilidad at mapagtiwalaan ng kaligtasan ng buhay ng inyong kapwa…

Kung ito ang tawag ng tungkulin sa bayan para sa inyo, saludo ako sa inyong katapangan at kagitingan.

You all have made the correct and most worthwhile choice in electing to join the ranks of the brave men and women of PNP. You are all heroes in the making!

Hindi po magiging madali ang pagsasanay dito, na aabutin ng apat 4 na taon. Hindi lingid sa ating kaalaman kung anong hirap at pasakit ang naghihintay sa ating mga bagong kadete dito sa Akademiya.

Tumatango ang kanilang mga opisyal at mga upperclass!

Apat na taon, ngunit tila habambuhay ang paghihintay na ito, na dala ang hirap at higpit sa pag-aaral at pagsasanay na nagbuhat sa matagal na kasaysayan at tradisyon ng PNPA.
Ngunit ang apat na taon na ito ay sulit. Ito na siguro ang magiging pinakamakahulugang kabanata sa inyong buhay.

Dito sa Akademiya ninyo matutunan ang matinding pagmamahal sa bayan, sa bandila, sa ating Saligang Batas.

Dito ninyo matututunan at mapapaigting ang birtud ng kapatiran, at ng katapatan at pagmamahal sa inyong mga kapatid sa Kapulisan.

Higit sa lahat, dito ninyo matututunan ang tunay na diwa ng serbisyo sa bayan at sa ating kapwa.

Kaya ibigay ninyo ang inyong buong lakas, talino at puso sa inyong apat na taong pag-aaral at pagsasanay dito sa Akademiya. Ibigay ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang maabot ang rurok ng inyong abilidad at talento. Umaasa ang buong sambayanang Pilipino sa pinakamagaling at pinakadalubhasang Kapulisan na magiging produkto ng PNPA na siyang mangangalaga sa kanilang kapakanan!

As the future of the PNP and future leaders of our communities and our country, I urge you to do your best and your utmost, and strive to be the best person you can possibly become inside this Academy. For the public deserves no less than the best. The public looks up to you and entrusts their lives, limbs and property to you.

I rally all the cadets to commit to a lifelong pursuit of excellence, of strict discipline, fitness, a healthy lifestyle, a God-fearing, moral and ethical way of life, and to a life of selfless service to our country and to our people.

Saludo ako sa inyong mga kapatid sa Akademiya, na nauna nang nangakong manilbihan sa bayan. Alagaan po ninyo ang inyong mga nakababatang kapatid na ito.

Saludo ako sa liderato at mga guro ng Akademiya sa inyong pagbabahagi ng kaalaman at kahusayan sa ating mga kadete.

Huwag natin pababayaan ang ating mga nakababatang kadete.

Bawasan natin, sa halip na dagdagan, ang kanilang hirap sa loob ng Akademiya, lalo na ang mga hindi kailangan at mga hindi kanais-nais na paghihirap ng ating kadete. (Alam na natin kung ano ang aking tinutukoy dito.)

Tandaan natin na ang ating tunay na kaaway ay wala dito sa loob. Naroroon sila sa labas na naghahasik ng lagim at gumagawa ng karahasan! Kayo dito ay hindi lamang magkakakampi, kundi magkakapamilya at magkakapatid.

Aking palaging binabalik-balikan ang alaala ng ating mga SAF 44. Sa aking pagmumuni, nakatitiyak ako na pinilit nilang ipagtanggol ang isa’t isa hanggang sa huling bala, hanggang sa huling saglit, hanggang sa huling hininga. Saludo ako sa inyo, SAF 44! Sumalangit nawa kayong lahat!

Saludo po ako sa mga magulang, mga kaanak at mga mahal sa buhay ng ating mga kadete. Sa inyong pagiging mapagbigay, sa inyong pagpayag na pumasok ang inyong mga anak sa serbisyos, sa inyong pagpapaubaya ng inyong mga anak sa ating Pamahalaan sa kabila ng kaliwa’t kanan na mga pagkukulang ng Pamahalaan.

Asahan po ninyo na bilang halal ng bayan na naitalaga sa ating Lehislatura, hindi po ako tumitigil sa paghahanap ng hustisya para sa mga nasawi na Pulis, kundi pati ng mga paraan upang mabigyan ng karampatang pagkilala ang ating Kapulisan at mga solusyong lalong magpapaganda at magpapabuti ng kanilang kalagayan at kabuhayan.

So, to the new cadets, I bid you off to a meaningful life of hardships and struggles, physical, psychological and moral purification, and of self-discovery and renewal inside the hallowed citadel of Camp Castañeda!

All of us—your families, your officers and your upperclass, and the entire Filipino people—look forward to the day when you shall finally come out of the Academy as men and women worthy to be reposed with the full trust and confidence of our People, and ready assume great responsibilities in the service of the country, and ready to assure the citizenry of a peaceful, safe and orderly society, conducive to a healthy and productive community life.

And finally, to end, please allow me to dedicate my participation in this Incorporation Rites, and please join me in paying tribute, to our Fallen SAF 44, most especially to the six (6) who are proud alumni of the Academy:

Sr. Insp. Ryan Ballesteros Pabalinas (class of 2006);

Sr. Insp. John Garry Alcantara Erana (class of 2009);

Sr. Insp. Max Jim Ramirez Tria (class of 2009);

Sr. Insp. Gednat G. Tabdi (class of 2009);

Sr. Insp. Cyrus Paleyan Anniban (class of 2010);

Insp. Rennie Tayrus (class of 2011).

Maaalala kayo sa aming alaala, at patuloy pong tatanaw ng utang na loob ang ating buong bayan sa inyo na aming mga bagong bayani!

Nawa’y magsilbi silang mga halimbawa sa ating mga kadete na naririto’t nagsasanay sa loob ng Akademiya.

Mabuhay ang ating mga kadete ng PNPA Class 2019!

Welcome to the Philippine National Police Academy!

Mabuhay ang PNPA at ang Philippine Public Safety College!

Mabuhay ang ating Kapulisan!

Maraming salamat po at hanggang sa atin pong muling pagkikita!

Back to Blog