People’s Journal – Senate Bill nina Bongbong, Angara ayuda sa mga guro

By Vic Reyes | People’s Journal

Featured-Image-Journal-OnlineMULING ipinakita ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang kanyang malasakit at pagmamahal sa mga public school teacher sa buong bansa.

Sa isang panukalang batas, Senate Bill No. 109, gustong itaas ni Marcos ang monthly minimum salary ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Kapag naging batas ang nasabing bill ay magiging Php24,887 mula Php18,594 ang pinakamababang buwanang suweldo ng isang public school teacher.

Sa ilalim ng SB No. 109, ang “salary grade level of those occupying higher positions will also be adjusted accordingly.”

Sinabi ni Marcos na habang patuloy na lumalaki ang taunang budget ng DepEd ay nananatili namang mas mababa ang minimum salary ng government-employed teacher kumpara sa ibang professionals.

“Worse most teachers are in the borderline of the poverty threshold,” sabi pa ng batang Marcos.

Ayon pa kay Marcos, pati ang saligang batas ay nire-recognize ang “enormous” kontribusyon ng teaching profession para hubugin ang ating mga kabataan upang maging productive citizens.

Si Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara naman ay naging instrumental para tumaas ang suweldo ng mga public school teacher nang siya pa ay kongresista noong 2008.

Ito ay sa pamamagitan ng Joint Resolution 4 o ang Salary Standardization Law III.

Ngayong senador na siya ay naghain siya ng panukalang batas na naglalayong itaas ang minimum salary grade level ng mga teacher mula SG 11 to SG 19. Ang adjustment ay nakapaloob sa kanyang Senate Bill No 61.

Sinabi ni Angara na maraming titser ang maeengganyong magturo sa public schools kung tataas ang suweldo ng mga guro.

Talagang nakakalungkot ang nangyayaring pagpunta ng mga guro sa ibang bansa para lang maging katulong o caregiver doon.

Mas malaki kasi ang suweldo ng isang katulong sa ibang bansa kesa sahod ng titser sa Pilipinas.

Isa itong insulto sa mga guro na malaki rin ang ginagampanang trabaho tuwing araw ng eleksyon.

Itinataya nila ang kanilang buhay bilang mga bumubuo ng board of election inspectors.

Sana maipasa kaagad sa Senado ang mga panukalang batas nina Marcos at Angara.

* * *

Sa susunod na tatlong taon ay magha-hire ang PNP ng karagdagang non-uniformed personnel o NUPS.

Sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na ang pagkuha ng 15,000 NUPS “will allow uniformed police doing administrative work to go to the front lines.”

“Sa halip na maghapong nakaposte sa mga presinto’t opisina ang ating mga pulis, magsisilbi silang karagdagang puwersa sa pagbabantay sa mga komunidad,” ayon pa kay P-Noy.

Ayon naman kay DILG Sec. Mar Roxas, ang pag-hire ng dagdag na NUPS ay tutugon sa kakulangan ng PNP personnel.

Sinabi naman ni PNP Chief Alan LM Purisima na hinihintay na lamang nila ang approval ng DBM sa pag-hire ng mga dagdag na NUPS.

Makikipagpulong din ang PNP sa mga opisyal ng CSC para pag-usapan ang detalye ng planong recruitment ng civilian employees.

Nananawagan din si Purisima sa mga graduate ng mga kursong kagaya ng mass communication, education at psychology, para maging pulis.

Naniniwala si Purisima na ang mga psychologist, titser, social worker at mamamahayag “could serve the PNP better than the usual criminology graduates.”

Talagang tama lang na magpatrulya ang mga pulis sa labas ng opisina dahil hindi sila sinanay para maging taga-makinilya o encoder.

Ang office work ay ’di para sa mga sinanay para habulin ang mga kriminal.

Sana kumilos agad si Secretary Butch Abad.

Back to Blog