People’s Journal – Marcos: Botohan sa Senate president malayo pa

By Marlon Purificacion | People’s Journal

Featured-Image-Journal-OnlineMALAYO pa bago ang pagpili ng bagong lider ng Senado.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Bongbong Marcos kasabay ng pagsasabing marami pang posibleng mangyari bago ang botohan ng bagong Senate president sa July 22.

Sa ngayon anya ay patuloy ang pag-uusap ng lahat ng mga senador subalit hindi naman anya maiiwasan na may kanya-kanyang paniniwala ang bawat isa.

“Alam n’yo malayo pa eh, ang SONA 22 of July pa, so magbobotohan din. So, siguro naman matatapos ’yan beforehand pero sa ngayon, eh, maaga pa ng konti para makapag-commit at nag-uusap-usap lahat,” saad ni Marcos.

Inihayag din ni Marcos na batay sa pag-uusap nila ng Nacionalista Party ay magiging bahagi sila ng majority bloc.

“Doon sa mga usapan namin within the Nacionalista Party, papunta kami sa majority. But again each individual senator has their own ideas,” dagdag ng senador. As much as possible, ang Nacionalista lagi naming gustong gumalaw na buo, so ’yun ang basis n’yan. Pero hindi naman imposibleng mangyari na ang isa sa amin e maghiwalay o maghiwalay on certain issues,” giit pa ni Marcos.

Back to Blog