People’s Journal – Consensus sa 2016, itinanggi ni Marcos

By Marlon Purificacion | People’s Journal

Featured-Image-Journal-OnlineITINANGGI kahapon ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang impormasyon na nakabuo na sila ng consensus para sa 2016 presidential election.

Ayon kay Marcos, wala pa silang pinag-uusapan hinggil sa posibleng mga kandidato para sa pagiging pangulo at pangalawang pangulo.

Una nang lumutang ang balita na niluluto na ng Nacionalista Party ang kandidatura ni Senador Alan Peter Cayetano bilang pangulo.

“Hindi, we were just here eh. Ang pinag-uusapan lang namin ay ’yung sa susunod na Congress,” sabi ni Marcos.

“Nagbabalita kami kung ano’ng naging effect sa Nacionalista nu’ng last election, who are our people who won, who did not, how does it change the political terrain, ganun lang — the usual things that politicians talk about after an election,” dagdag pa nito.

Back to Blog