Payong ‘Kapatid’ ni Bongbong kay Grace: Tuluy-tuloy lang

Read the English version here.

Tuluy-tuloy lang.

Ito ang payong ‘kapatid’ ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kay Senadora Grace Poe matapos siyang i-disqualify sa halalang pangpanguluhan sa 2016 ng Second Division ng Commission on Elections.

“Keep going…keep going. Huwag kang (Poe) panghihinaan ng loob and just know that when you are doing the right thing, you will, in the end, succeed,” sabi ni Marcos sa mga mamamahayag noong Martes ng gabi nang tanungin ito kung mayroon siyang “brotherly” advice kay Poe.

Ayon sa ulat, nagdesisyon ang Second Division sa botong 3-0 na i-disqualify si Poe dahil hindi nito nasunod ang 10-year residency requirement ng Saligang Batas.

Ang desisyon ay nag-ugat sa petisyon na isinampa ni Atty. Estrella Elamparo na i-disqualify si Poe sa halalan para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sinabi ni Marcos na hindi na niya ikinagulat ang naturang desisyon bagama’t naniniwala siya na mahaba pa ang proseso bago tuluyang matapos ang usapin.

“Mahaba pa ang proseso at antayin natin. We leave it to the best of our legal minds to decide exactly what to do,” ayon dito.

Nang tanungin kung dapat bang maalarma ang oposisyon dahil sa desisyon, sinabi ni Marcos na inaasahan ang mga ganitong pangyayari.

“Hindi naman bago ito at alam naman natin na maraming iba diyan na imbes na itinataas nila ang kanilang kandidato, ginigiba nila ‘yung iba,” ayon dito.

Back to Blog