Pahayag ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa paggunita ng kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio

Read the English version here.

Sa paggunita natin sa kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan at Bayani ng Masa, minsan pa ay gawin nating inspirasyon ang kanyang buhay na inialay niya sa pakikibaka para sa isang malaya at maunlad na bansa.

Matapos nating makamtan ang kalayaan mula sa pagbubuwis ng dugo ni Bonifacio at iba pang mga bayani natin, nakaatang ngayon sa ating mga balikat ang tungkulin na ipagpatuloy ang pangalawang yugto ng pakikibaka para sa paglago at pag-unlad ng ating bansa. Magagawa lamang natin ito kung iwawaksi natin ang pagkakawatak-watak at magkakaisa sa pagsusulong ng isang mas magandang Pilipinas para sa ating lahat.

Back to Blog