Pahayag ni Senador Bongbong Marcos ukol sa “Gold Bar” Scam sa UPLB

Nakatanggap kami ng report na may mga grupo ng tao na nagtitipon sa Los Banos, Laguna dahil napangakuan daw sila ng ginto na diumano ay galing sa mga Marcos. Wala po kaming kinalaman sa pagtitipon na ito na malinaw na isang scam. Uulitin ko po — ito ay isang malinaw na panloloko / scam. Paulit-ulit ko na pong binalaan ang publiko na huwag magpapadala sa mga ganitong klase ng panloloko na ang intensyon lamang ay para sa kanilang personal na interes. Ang pagtitipon sa UPLB ay isa na namang ehemplo ng ganyang panloloko.

Back to Blog