Pahayag ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos sa pagpanaw ng dating senador Ernesto Herrera

Read the English version here.

Isang pakikiramay ang ipinaabot ko sa pamilya ni Sen. Ernesto Herrera

Sa kanyang pagpanaw nawala sa atin ang isang matibay na sandigan ng sektor ng paggawa. Inangkin niyang misyon sa buhay ang maging kampeon ng karapatan ng mga manggawang Pilipino. Bukod dito naaalala natin siya sa kanyang matapang at walang tigil na kampanya laban sa droga.

Tinatanaw nating malaking utang na loob ang paglilingkod na inialay niya sa ating bansa. Marapat lamang na ipagpatuloy natin ang kanyang nasimulan, lalo na sa pagkalinga sa ating mga manggagawa.

Back to Blog