Pahayag ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. pinakahuling Pulse Asia survey

Ang pinakahuling Pulse Asia survey ay pagkumpirma na ang ating mensahe para sa pagkakaisa ay tinatanggap ng ating mga kababayan. Ito ay naglalarawan ng pag-asam ng buong bansa ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Ngunit marami pang kailangang gawin bago ang tunay na survey – ang eleksyon sa Mayo. Tayo’y lalong magsisikap na ihatid itong mensahe ng pagkakaisa sa ating mga kababayan, lalung-lalo na sa mga kapus-palad nating mga kapatid.

Back to Blog