Pahayag ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. tungkol sa pagtitipon sa “Marcos Gold”

Nakarating sa aking kaalaman na mayroon na namang pagtitipon na binabalak bukas sa Intramuros, Manila upang pag-usapan diumano ang tinatawag na Marcos gold. Muli kong inuulit na huwag po tayong maniwala sa mga sinasabi ng grupong ito. Ito po ay panloloko na naman upang makakuha sila ng pera sa mga inosenteng taga-suporta ng aming pamilya at sa publiko.

Sa lahat, inuulit ko, wala po kaming kinalaman sa pagtitipon na ito at huwag na po tayong maniwala sa modus operandi na ito. Maraming salamat. ​

Back to Blog