Pagkakaroon ng awa kailangan sa serbisyo ng pamahalaan

Read the English version.

Sinabi ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ngayon na dapat ipakita ng susunod na administrasyon ang awa sa serbisyo publiko, sabi niya, ito ang mag-aayos ng mga problema na kinakaharap ng bansa ngayon.

“Ang susunod na administrasyon ay dapat maging determinado sa paglagay ng pangunahing tuntunin sa serbisyo publiko: ang pagkakaroon ng awa. Dapat maintindihan ng mga susunod na lider ang mga pangangailangan ng ating kababayan at subukan ilagay ang kanilang mga sarili sa kanilang kalagayan nang sa gayon ay rumesponde sila nang determinado at mabilisan,” saad ni Marcos.

Giit ni Marcos, ang problema na nararanasan ay maaaring makita sa mga mga opisyal na nagpapakita ng kakaunting simpatya sa kapakanan ng ating kababayan “Walang simpatya sa ating mga lider ngayon kaya hindi nagkakaroon nang pagkonekta sa mga dapat gawin at mga polisiya na dapat isulong,” sabi ni Marcos.

Idiniin ng Senador na ang dahilan ng problema sa operasyon ng Metro Transit Rail system ay hindi lamang dahil sa kakulangan ng kakayahan ng mga Opisyal ng Department of Transportation and Communications kundi dahil na rin sa kawalan ng awa sa ating mga komyuter.

“Lalong lumalala ang operasyon ng ating mga tren sa paglipas ng araw at sa nakikita ko, hindi lamang ito kwestyon sa kanilang kakayahan kundi pati na rin sa kawalan nila ng awa sa ating mga komyuter. Kung mayroon silang awa, gagawin nila ang kanilang makakaya para mapabuti ang sitwasyon at bigyan ang mamamayan ng tamang serbisyo,” pagdiin ni Marcos.

Dagdag pa niya, kung napapanatiling maayos at maganda ang pagpapatakbo, hindi lamang magkakaroon ang ating mga komyuter nang maaasahan, mabilis at murang byahe sa kanilang trabaho, pati na rin ang mas maayos na kondisyon ng trapik sa Metro Manila ngayon.

Ayon pa kay Marcos, ang iba pang halimbawa ng kakulangan ng awa ay ang usapin sa kontrobersiya ng “tanim-bala” at kakulangan sa paggastos sa bilyong pisong badyet para sa proyektong imprastraktura na lilikha ng mga trabaho at magdudulot nang paglago ng ekonomiya.

“Ang pagkakaroon ng awa ay susi sa serbisyo publiko, at sa katotohanan, isa ito sa pangunahing katangian ng tunay na lider. Gusto ko ito makita sa susunod na administrasyon upang mabigyan ang ating mga kababayan nang maayos na liderato na nararapat sa kanila,” sabi ni Marcos.

Back to Blog