Pagbaba ng collection ng buwis, malamang sa susunod na administration na mararamdaman

Read the English version here.

Kumpiyansa si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mas magiging bukas ang susunod na administrasyon sa panukalang bawasan ang income tax na pinapasan ng mga mamamayan na ngayon ay matinding tinututulan ng Malacañang.

Ayon kay Marcos hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ng Malacañang sa naturang panukala samantalang patuloy ang underspending ng gobyerno na umaabot sa bilyun-bilyong piso. Ayon sa ulat umabot sa mahigit sa P600 bilyon ang underspending ng gobyerno mula 2011 hanggang 2014.

Isa si Marcos sa mga naunang nagpahayag ng suporta sa naturang panukala. Aniya dahil sa lumang tax bracket halos pareho na ang buwis na binabayaran ngayon ng mga middle class at ng mga mayayaman.​

Sumuko na ang mga nagsusulong ng panukala matapos muling tanggihan ng Pangulo ang hiling na suportahan niya ito at tinawag pang “papogi” lamang ang naturang panukalang batas.

“Palagay ko sa susunod na administrasyon babalikan ulit yan at maraming kailangang ayusin sa fiscal policies na sinasakop ng Tax Code.”

Sinayang umano ng Malacañang ang tsansa na mabigyan ng kahit konting ginhawa ang mga mamamayang Pilipino nang muling tanggihan ng Pangulo ang panukalang bawas sa buwis.

“Bakit pa tayo nangongolekta ng malaki at tinataasan ang buwis hindi naman nagagamit at hindi napupunta sa mga project? Appropriated na nga yan e hindi pa naman nagamit. Dapat ibalanse natin kung ano yung ating kakayahan, kung ano yung ating pangangailangan dun sa ating gagawing koleksyon ng buwis,”ani Marcos.

Back to Blog