Padala o pasalubong ng OFWs’ ilibre sa customs duties

Read the English version.

Itinulak ni Senador Ferdinand “Bongbong R. Marcos na ilibre na sa customs duties ang mga padala o pasalubong ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa Section 2 ng Senate Bill No. 3033, o ang “Duty-Free Padala/Pasalubong Act of 2015” na ihinain ni Marcos: “Goods, articles, personal items and effects herein referred to as “padala” and/or “pasalubong” under this Act, which are sent by Overseas Filipino Workers to his or her family in the Philippines, shall be exempt from the payment of customs duties.”

Ang padala o pasalubong ay mga bagay na hindi ipinagbabawal ng batas na ipinapadala sa pamamagitan ng courier, postal service o mismong bagahe ng mga OFW para sa personal na gamit ng kanyang pagbibigyan dito sa Pilipinas at hindi para ikalakal o ibenta.

“Our OFWs have sacrificed and risked so much, and continue to do so for the benefit not only of their families but of the entire country as well. Hence, they most certainly deserve this special tax and customs treatment from the government,” ayon kay Marcos.

Sinabi nito na ang bawat ‘balikbayan box’ ng OFW ay katumbas na rin ng isang ‘love letter’ sa kanyang asawa at buong pamilya at ang mga bagay na nasa loob nito ay may kasamang pagmamahal.

Ayon pa kay Marcos, ang halaga ng balikbayan box ay hindi lamang ang nilalaman kundi ang sakripisyo ng OFW at ang damdamin na kaakibat nito.

“By the grant of additional exemption from import duties upon the reasonable packages that the OFWs will send with love to their families in the Philippines, the government’s fiscal incentives package for OFWs comes full circle,” anito.

Back to Blog