Opening of the Cultural Exhibit of Philippine State College of Aeronautics

Vice President for Academic Affairs, Dr. Roderick Santiago. Officer in charge, office of the Vice-President for admin and finance, Dr. Noel,Campus director, at ang mga iba’t-ibang miyembro ng faculty, ng staff, atsaka ng administration ng Philippine State College of Aeronautics, magandang tanghali na sainyong lahat. Kaya pala’y gutom na gutom na, pag-ikot ko dito sa mga booths ninyo lahat ng Makita ko gusto kong kainin.

Bakit, kayo ba’y ginugutom na? Lilipas din yan. Anyway, maraming maraming salamat sa inyong napakainit na salubong dito sa inyong paaralan sa Philippine State College of Aeronautics. Ako’y nagpapasalamat na bingiyan niyo ako ng isang pagkakataon na makabisita dito sainyong eskwelahan.

Ngayon palang ako nakarating sa Philippine State College of Aeronautics kahit na madalas na madaan-daanan ay ito lang ang naging pagkakataon ko na Makita ang inyong napakagandang eskwelahan na nagtuturo at nagbibigay ng buhay hindi lamang sa ating mga OFW. Kung hindi sa ating tourism industry dito sa Pilipinas. I would also like to congratulate all of those who have put together the booths and the exhibits here today to also celebrate and to highlight the importance of the tourism industry in the Philippines. Alam naman ninyo na tayo, lalo na yung ating mga madalas mag flight, yung manggagaling sa iba’t-ibang lugar ang ating mga piloto , na maraming napupuntahan na iba’t-ibang mga lugar, ay alam naman ninyo kung gaano kaganda ang Pilipinas. Kung gaano kadali ang, kung minsan lamang e siguro ang masaklap diyan lahat ng buong pilipinas ay mapapakita natin na isa sa pinaka maganda, kung hindi ang pinaka magandang bansa sa buong mundo. Yun lamang ay mahirap masyado, dito sa Maynila, masasabi nating hindi ganoon kaganda dahil tayo’y naghihirap lahat sa mga problema na idinudulot ng Maynila kaya’t hinihingi ko ang inyong paumanhin na ako’y na late sa pagdating dahil siguro naman mauunawaan ninyo pare-pareho tayong nabibiktima ng trapik. Kaya’t naaalala ko yung aking paglilipad pagka nakaupo ako sa trapik at medyo frustrated na ako sabi ko, sana, sana nakaupo ako sa cockpit, throttle forward, rotate, alis. Nakalipad ka na. O kung di man, wala ka na. Pero siguro baka isang graduate mula sa kolehiyong ito baka isa diyan makaimbento na ng flying car, magpapasalamat kami sainyong lahat pagka nagawa mo yun.

Yayaman kayo ng husto at maraming bibili ng produktong iyon. But anyway, ganyan kahalaga, ganyan kaimportante ang inyong pinag-aaralan dito sa eskwelahang ito. Dahil sa pamamaraan, hindi lamang sa teknolohiya, kung hindi sa, person to person contact na idinudulot lamang ng industriya ng hihimpapawid ay ito ay ating koneksyon sa buong mundo.

Marami tayong kinakailangan na dahil sa… ng mundo ay tinatawag na globalization. Ibig sabihin ang mga ekonomiya ng bawat bansa, kahit na sila’y malalayo, ay ito’y pinagsasama-sama at pinagkakabit-kabit. At kaya’t naman hindi lamang sa tourism industry kung hindi lahat ng economic activity ay kinakailangan na maging matibay, maganda, efficient and streamline ang ating air corridor sa paglilipad at ang ating mga magagaling na piloto. Kagaya ng aking nabanggit. Kaya naman tayo ay kinikilala dahil sa turismo, dahil kayo na magiging piloto, kayo na magiging mag-aaral sa aeronautics issue, ng aeronautics subjects ang siyang magbibigay buhay sa tourism industry. Hindi lamang yun, ang ating aeronautics industry ang nagdadala rin ng OFW natin sa iba’t-ibang bansa. Na kahit tayo’y nalulungkot na sila’y umaalis, na iniiwanan tayo, tayo ay kinikilala natin ang kanilang sakripisyo at kanilang pagbubuhay ng ating ekonomiya. Kung hindi sa aeronautics industry hindi mangyayari yun. Kaya malaki, malaking bahagi sa ating progreso ang inyong pinag-aaralan, malaking bahagi, Malaki ang kontribusyon sa ating ekonomiya ang inyong industriya. Kaya’t mahalaga, mag-aral kayong mabuti dahil kailangan na kailangan kayo ng ating lipunan. Pagbutihan ninyo ang inyong pag-aaral at ipagmalaki ang bansang Pilipinas kapag kayo ay nakapag biyahe na. Maraming maraming salamat. Congratulations sa inyong lahat! Magandang tanghali sa inyong lahat!

Huwag niyo namang sasabihin na improved version yung kasama ko rito. Sabihin niyo lang mas matalino, sabihin niyo ng mas mabuti, sabihin niyo ng mas mabait, pero huwag niyo lang sasabihin na mas magandang lalaki. Mag—aaway tayo. Alam niyo lagi ako nasa opisina kaya meyo ganito ang ating kutis pero pag ako’y naglanding sa Ilocos Norte, mahipan lang ng konting hangin ay bumabalik na kagad dun sa totoo. Ang ating mga at ang guro sa iba’t-ibang mga kagawaran ng kolehiyo, mga pangalawang pangulo ng iba pang mga ng kolehiyo, ang ating mga student leaders na nandito rin at nakasama sa ating pagdiriwang, at lahat ng ibang bumubuo sa Philippine State College of Aeronautics, at lahat ng ating mga bisita ngayon, ay magandang umaga, tanghali na sa inyong lahat. Kayo’y ba nagugutom na? Lilipas din yan.

Maraming salamat po sa inyong pag-anyaya sa inyong lingkod upang makasama kayo rito sa pagdiriwang ng buwan ng wika, kasaysayan ng turismo, dito sa inyong kolehiyo. Alam po ninyo na ang kadalasang dahilan, ang aking pagpunta rito sa Villamor ay para magpanik-panaog sa ng ating air force lalo na nung bumisita ako sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte at noong dumalo ako sa pagdinig ng Bangsamoro Basic Law sa iba’t-ibang bahagi ng Muslim Mindanao. At ito man ay isang pagkakataon na sadya lamang napaka lungkot at ito ay noong sinalubong natin ang mga labi ng ating mga bayaning SAF 44. Kaya naman ako’y nagalak ngayon na makapagbisita dito sa Villamor, sa isang mas masayang okasyon at maging bahagi ng pagdiriwang na ito. Lalong-lalo na ito ang aking unang pagkakataon na makapag bisita sa inyong kolehiyo. Taos puso ako’y nagpapasalamat sa administrasyon at buong komunidad ng PHISCA pagka’t binigyan ako ng pagkakataon na ito. Nagpapasalamat din ako sa inyong lahat, sa inyong pag organisa ng pagdiriwang na ito kung saan ginugunita natin ang ating pambansang wika, kasaysayan at turismong himpapawid. Tunay na mahalaga ang mga bagay na ito. Unang-una ang pambansang wika, maraming nagsasabi na unit-unti ng nagiging malabnaw an gating pambansang wika. Dala ng globalization o pagbubukas ng pandaigdigang komunidad at kultura at mga makabagong teknolohiya. Mas sikat na raw ngayon ang pinagsasamang tagolog at ingles o taglish. May kasama pang slang. May accent. Hirap na hirap na ang ating mismong kabataan raw na sila ay magsalita ng tunay ng Pilipino. Wala namang masama kung madalas natin gamitin ang wikang ingles sa ating buhay at sa ating lipunan. Kung sa bagay, ang kahusayan natin dito ay siyang binabandera sa iba’t-ibang bansa kaya tayo maraming call centers atsaka yung mga business process outsourcing companies at mga ingles na tutorial schools dito sa ating bansa. Basta huwag lang natin pabayaan ang ating pambansang wika. Patuloy dapat ang ating pagsasanay at pag gamit nito sa ating buhay. Huwag natin hayaang bumaba ang ating pagtingin sa pambansang wika, kung hindi, unti-unti nalang ito’y maglalaho. At sa pamamagitan ng okasyon na ito, pinapatunayan ng ating paaralan at mga institusyon ng karunungan na sila ay nagisislbing mga kawal na nagpapanatili sa katatagan at sa malawak na pag gamit ng mga kabataan sa ating pambansang wika.

Ako rin, hindi ako na isang dalubhasa o batikan sa wikang Pilipino, kaya po ipinaguumanhin ko sa aking pananagalog o sa aking pananalita sa wikang Pilipino. Dahil tulad ninyong lahat, ako rin ay patuloy na isang nag-aaral parin, na parang estudyante, sa ating wika. Patuloy ako na nag-aaral na natututo sa ating pambansang wika, sa bawat araw ng aking buhay. Kapag ako’y nahihirapan at nauubusan ng sa Pilipino minsan gusto ko nalang isigaw “Rock and Roll to the World!” Biro lamang po.

Paano nga natin isasala sa Pilipino yung linyang yun, rock and roll sa buong mundo. O sa aming dialekto. Nakapahirap po hindi ba. Lalong-lalo na yung terminong rock and roll naman siguro sa katunayan ito ay isang klase ng musika na paborito nating pakinggan ngunit ito talaga ay nagmula sa ibang bansa. Ang punto ko lamang, ay ang wikang Pilipino tulad ng lahat ng ibang wika, ay hindi isang saradong agham na ating maikakahon basta basta. Bagkus, ito ay buhay na buhay at dinamiko. Ito ay katuwang at bahagi ng ating kasaysayan na patuloy na sumusunod sa agos at hubog ng panahon at sa kasaysayan natin bilang isang bansa. Ngayon napakaraming impluwensiya na at nagmumula sa ibang wika at kultura ng ibang bansa. Hindi natin maiiwasan na pumasok ang mga ito sa ating sistema basta ang mahalaga ay mananatili at hindi mawawala ang ating pagkakalilanlan at ng ating pagkaka-isa bilang isang at ng isang sambayanang Pilipino. Maaring magkakaiba ang ating lahi at tulad lamang ng buong komunidad ng PHISCA ibang-iba ang campus, may mga taga Maynila na nanalo, mga mga Batanggenong nanalo, may Kapampangan, mayroong Cebuano, ako naman, ako’y isang Ilocano na nahaluaan ng waray-waray, at ng Ilocano, ang mga waray-waray. Sa kabila ng ating pagkaka-iba pinagkaka-isa tayo ng ating kasaysayan bilang isang bansa. Kailangan natin ito respetuhin at mahalin. Dahil ito ang ugat ng ating pagkakaisa bilang isang lahing Pilipino. Sana ay ipagpatuloy pa natin na ipaglaban ang ating pagkakaisa bilang mga Pilipino. Ako, ito mismo ang ginagawa ngayon sa senado habang tinatalakay ang tinatawag na Bangsamoro Basic Law. Buong loob at buong tapang ito’y isinasaayos upang tiyakin na maiwasan ang pagbaklas ng ilang bahagi ng Mindanao mula sa ating bansa. Dahil dito itinatawag na akong “anti-moro”, hindi naman totoo iyon. Hindi ako anti-moro. Hindi ako anti-muslim. Hindi rin ako pro-ilocano lamang o pro-waray, pro-tagalog, pro-manila o pro-katolico. Wala akong sinasariling interes dito, ang hangarin ko lamang ay ang ating pagkakaisa, at pagkaka pantay-pantay bilang mga Pilipino sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Hindi ako makakapayag na tayo’y magkawatak-watak. Hindi ako makakapayag na mayroong babaklas ng bahagi ng ating bansa. Lalo pa na ito’y sa kagustuhan ng ibang bansa. Hindi ng Pilipinas kung hindi ilang mga dayuhan tulad ng Malaysia bagkus ang totoo ay ako’y walang iba kung hindi isang pro-pilipino at pro-pilipinas. Ako rin ay pro-kapayapaan at pro-kaunlaran. Sa madaling salita, wala akong ibang hangad kung hindi ang pag asenso at pag-unlad nating lahat bilang isang nagkaka-isang mga Pilipino.

Bilang isang komunidad na nagsasanay sa larangan ng aeronautika at ng industriyang pang himpapawid, malaki ang papel ninyo na gagampanan sa ating lipunan. Kayo ang nagsisilbi na tulay hindi lamang sa ating mga kababayan, kung hindi sa mga mamamayan ng galing sa iba pang mga bansa patungo sa ating tinaguriang pandaigdigang pamayanan o global community. Sa patuloy na paglabas pasok ng mga tao sa iba’t-ibang kultura at iba’t-ibang bansa, gawa ng turismo, pangangalakal, edukasyon o ano pang ibang dahilan, namumulat ang mga tao sa ibang mga kultura. Lumalawak ang kanilang kanurungan at patuloy nahuhubog ang ating sariling kultura at ng ating bayan. Kasama na ang ating wika at kasaysayan. At dahil sa ekonomiya nasa aspeto ang lahat ng ito, umaasenso at umuunlad din ang ating bansa. Sa kaso nating mga Pilipino piloto, hindi lang sila ang naghahatid ng ligtas sa ating mga OFW’s sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan. Kadalasan, sila mismo ang ating OFW na nagsisilbi sa mga airline mula sa ibang bansa. At sa pagsanib nilang puwersa tumataganting ang dalawampu’t pitong bilyong piso?) pitong bilyong piso na laman ang kanilang naiipasok sa ating ekonomiya. Nagpapasalamat tayo sa ng ekonomiya ngayon walang ibang pupuntahan ang industriyang pang himapapwid ng Pilipinas kung hindi pataas at ika nga po sa wikang ingles, In fact for the aeronautics and aviation industry this is true, not only figuratively but in your case literally.

Ngayon nakikita natin dahil sa mga nangyayari, dahil sa pagdami ng mga gustong bumisita ay marami ng naiinteresado mag tayo ng mga bagong paliparan, at ayusin ang ating mga lumang paliparan. Nangunguna sa mga plano ng ilan sa ating mga malalaking pribadong corporasyon tulad ng San Miguel, JG Summit, Metro pacific, dati-rati ay hindi natin lubos maisip na maaring magsama ang imahe ng San Miguel at ng ideya ng pagmamaneho kasi bawal nga naman talagang pagsamihin ang alak at ang manubelo. Don’t drink and drive. Pero ngayon, ang San Miguel ay pumasok na sa larangan ng pampublikong inprastraktura. Hindi na lamang pagkain at inumin ang kanilang ginagawa, ngayon pati exspressway at MRT gusto nadin gawin. Bukod dito gusto rin nila magtayo ng higanteng paliparan sa malapit na Mall of Asia. At ano raw ang laki nito, hindi doble, hindi rin triple, kung hindi apat na beses pang mas malaki kesa sa NAIA. Kasalukuyan na nilang inaayos ang paliparan sa Caticlan para sa ating gustong magbakasyon sa Boracay at may plano pa sa Davao, sa Bacolod, Iloilo at sa Coron. San Miguel palang yan. Paano pa kaya ang plano pa ng mga iba. Iisa lang ang ibig sabihin nito, nasa tamang ika nga jackpot, sakto, maraming trabaho, maganda ang kita at maganda ang kinabukasan. Kaya bilang mga mag-aaral at nagtuturo sa larangan ng aeronautika at ng ating industriyang pang himpapawid, ko kayong lahat na mag-aral ng mabuti, magturo ng mabuti at mag tiyaga dahil maganda at makislap ang magiging kinabukasan ing industriyang ito. Ngunit ngayon pa lamang ay sanayin na ninyo ang inyong mga sarili sa serbisyong publiko na inyong papasukan. Maraming buhay at mga pamilya ang nakasalalay at nakaasa sa inyong galing at husay. Asahan ninyo na ako sa senado ay naniniguro na magiging maayos ang inyong daan patungo sa matatag na industriya at sa magandang kinabukasan na naghihintay sa inyong lahat. Isa na dito ang pagsasaayos sa Sistema ng tinatawag na PPP. Gusto nating tiyakin na magiging tunay at totoong public private partnership ang mga ito. At hindi na lamang mistulang puro power point presentation ang mga proyekto.

Kapag maganda ang suporta sa mga paaralan, nakakasiguro tayo na magiging magaling at mahusay at world class na mga manggagawa na magiging bahagi ng napakahalagang industriya at pampublikong serbisyo na ito. Kaya’t lahat ng mga estudyante, lahat ng ating mga guro, kailangan magtiyaga at turuan at mag-aral ng mabuti. Huwag tumigil mangarap at huwag tumigil sa paghabol ng inyong mga pangarap. Mahalaga kayo dahil ang kinabukasan at pag-asa ng industriya at ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng isang wata-watak na bansa ang ating mga na Pilipinas. Salamat sa inyong pakikinig. Halina’t ating pormal buksan ang buwan ng wika, kasaysayan at turismo ng PHISCA.

Mabuhay ang Philippine Stae College of Aeronautics! Mabuhay ang industriya ng pang himpapawid ng ating bansa!

Mabuhay ang Pilipinas! Magandang tanghali sa inyong lahat at maraming salamat po.

Back to Blog