Open Forum at Renaissance School of Science & Technology

Q: Hello Sir, good afternoon po. Sir tatakbo po ba kayong bise-presidente?

BBM: Maraming napapag-usapan tungkol diyan, ngunit ang katotohanan ay wala pang desisyon hanggang ngayon. Alam naman natin, kung titignan ninyo, kung nagbabasa kayo ng pahayagan ay ‘yung mga binabanggit ng mga kandidato ay paiba-iba at hindi pa nagdedeklara, ‘yung iba nga nagdedeny kaya’t hindi pa, nakakapagtaka itong eleksyon na ito.

Dahil kadalasan, ganitong panahon, one year before the election alam na natin, ay wala pa, less than one year na lang ay alam na natin lahat ng kandidato. Alam na natin kung saan ‘yung mga partido, pero ngayon naiba at hindi na nga din nagkaganoon. Kaya sa ngayon ang masasabi ko lamang ay tuluy-tuloy ang aming pag-uusap sa aming mga kasamahan sa loob ng partido, tuluy-tuloy ang aming pag-uusap tungkol sa anong mga magiging tandem, ano ang gagawin sa darating na halalan.

Pero ang katotohanan ay wala pang desisyon kung ano ang tatakbuhan. Ang masasabi ko lamang ay sa ngayon ang aming pinag-uusapan ay tumakbo for higher office na hindi naman masyadong napapag-usapan ang re-election sa senado. Maraming salamat.

Si bishop yata ang naglagay ng question na iyon e, Kasi mula noong umupo ako diyan yun na ‘yung itinatanong sa akin e. Kaya’t hindi ko naman siya sinasagot at hindi siya nakuntento. Siguro ipinaplant mo ‘yung question. But that’s okay bishop dahil talagang kailangan natin ipaliwanag.

Q: Puwede ‘nyo po ba kaming pagbigyan na tumakbo kayo sa mas mataas na posisyon?

BBM: Kaya nga, yan ay napakamasinsinan nga ang usapan nga tungkol diyan. Pero alam ‘nyo ang kailangang maunawaan ng mabuti. Ganito na lang, ito na lang ang sagot ko, basta’t asahan ninyo hangga’t may lupa tatakbo ako.

Q: Sir I have watched you and I have listened to you during the Asia CEO Talks, you have mentioned that we must change out mindset today about the telecommunications. Telecommunications is an essential part of our public infrastructure, when I heard that I immediately foresee one year forward that being an IT student employment would be easy for us. Because you already have a clear plan for telecommunications specifically the internet. So Sir, I (5:08) that please run for president because you are the only one who is capable of materializing this plan.

BBM: Okay. Of course, I listened to your suggestion at siyempre kasama lahat yan, mga pagsusuporta kaya’t ako’y, bago pa ako matuloy ay nagpapasalamat ako sa inyo sa napakainit na salubong na binigay ‘nyo sa akin at ‘yung suportang binibigay ‘nyo sa akin at ang inyong tiwala sa aking kakayahan.

At lahat yan ay kasama sa aking isipan kapag tayo’y magdesisyon na kung ano ang magiging role ko sa darating na halalan sa 2016.

Q: Magandang umaga po Senator. Kapitan Vic Pantaleon po, Representative ng Liga ng mga Baranggay Morong, Rizal Chapter. Ito po ang katanungan ko: Magalang po naming gustong malaman ang update ng inyong sinusulong na batas regarding po sa benepisyong puwedeng matanggap ng nga baranggay elected officials, secretary, treasurers, lupon, baranggay tanod at mga DSW na yun pong nakatatapos na nine years pati day care teachers, yun ping mga (6:50) ng nine years at the age of 60 ay makakacompensate po sila. Gusto ko lamang malaman ang update p Senator.

BBM: Sa kasalukuyan ang nangyari diyan sa batas na ‘yan, ang tinutukoy ng ating butihing chairman ay tungkol sa isang batas na isinulong ko, proposed law para mabigyan ang ating mga baranggay officials at kasama na rin ang ating mga baranggay volunteer workers ng benepisyo, retirement benefit.

Dahil ako talaga ay lumaki, maraming puwede mong sabihin na sa larangan ng serbisyo publiko, ako’y lumaki bilang gobernador, nine years ako sa Ilocos Norte na gobernador. At noong gobernador ako, kitang-kita ko kung gaano kahalaga ang ginagawang trabaho nga ating mga baranggay officials both elected officials, appointed officials, pati na ang ating mga volunteer. Lagi ko ngang sinasabi, kung wala ang ating mga baranggay officials, kung wala an gating mga baranggay volunteers hindi mararamdaman ng taumbayan ang serbisyo na idinudulot ng ating gobyerno.

Kaya’t bilang pagkakilala sa kanilang trabaho, sa kanilang sakripiyo ay sabi ko ay kailangan mabigyan naman natin ng benepisyo ang ating mga baranggay officials. Kaya’t isinulong ko na batas ay para mabigyan ng retirement benefit mula sa baranggay captain hanggang sa baranggay volunteer, lahat sila ay makakatanggap.

At ito sa ngayon, sa ngayon ang batas na ito ay nasponsor ko na, nadala ko na sa plenary hall at hinarap ko na sa aking mga kapwa senador. Sa ngayon ay tinutulak namin dahil isa ito sa naging priority bill na ginagawa ko at umaasa ako na matatapos sa ibang kongreso na ito.

Dapat kami ang magpapasalamat sa ating mga baranggay official dahil kung minsan ay hindi kinikilala at hindi nalalaman ng mga matataas na opisyal kung gaano kahirap ang mga trabahong ibinibigay naming sa inyo. Maraming salamat sa serbisyo ninyo, mula sa aming mga opisyal at mula sa sambayanan.

Q: Sir magandang umaga po. Itatanong ko lang po sana ‘yung stand ‘nyo regarding the BBL. Kasi po diba po isinusulong ‘yung BBL, ano na po ‘yung update at saka kung ano na po ‘yung stand ‘nyo kung magiging effective na po ba siya pag na-implement para po doon sa mga kasamahan natin sa Mindanao. And also kung ano rin po ‘yung stand ‘nyo regarding po ddon sa tinatakbo ng administrasyon ng Aquino sa span ng six years ng kanilang panunungkulan?

BBM: Kung pinapag-usapan mo ay ‘yung draft BBL, ‘yung version na binigay sa amin ng Palasyo ay masasabi ko at hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga kongresista, lahat ng mga senador ay ‘yung draft BBL na unang ibinigay sa amin walang pag-asang pumasa sa House of Representatives, walang pag-asa yan pumasa sa senado.

Kaya’t ang aming ginawa ay nagsulat ako ng substitute bill at tinignan ko lahat sa aking pananaw na pagkukulang o kailangan madagdag, kailangan bawasan, kailangan ipaliwanag, lahat ng mga iba’t-ibang bagay na nakikita ko na kailangangang ayusin ay sinubukan kong ayusin.

Sa ngayon itong substitute bill na isinulat ko ay nasa harap na ng plenaryo, ng mga senador. Kaya’t sa ngayon ang nangyayari sa senado kahapon natuloy, mamayang hapon siguro matutuloy ulit. Ako’y nakatayo ngayon at naghahantay ng interpellation ang tawag naming, ibig sabihin yung mga senador tumatayo at nagtatanong sa akin para ipaliwanag ko kung ano ‘yung mga iba’t-ibang bagay na nasa loob ng substitute bill.

Kaya’t sa palagay ko, sa senado dahil ‘yung aking substitute bill ay hiniwalay ko at sinubukan ko ngang ayusin ang mga problema ng original bill, palagay ko pagkatapos ng proseso ng legislative process, palagay ko naman ay maipapasa ‘yung version ng senado. Hindi ko malaman kung anong mangyayari sa House, hindi ko malalaman kung ano ang mangyayari sa plebesito.

Para sa senado sa palagay ko ay tuluy-tuloy ang proseso, palagay ko aabutin natin ‘yun at mapapasa ang isang magandang version ng, ang tawag ngayon naming ngayon hindi na BBL, ang tawag naming ay Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region , BLBAR ang tawag namin. So ‘yung bagong version tawag BLBA palagay ko pagagandahin naming at pagagandahin at pagka sa palagay namin maayos na at puwede na ipasa, iaapprove na sa senado.

Q: Sir maraming salamat po.

BBM: Maraming salamat.

Q: Magandang tanghali po Sen. Bongbong Marcos. Ako po ay isa sa officer ng Women’s Advocacy Group of Rizal. Kami po ay maraming member. Ngayon po mayroon po kaming mga member na talaga pong hindi po naman sila kayang makakasama naming gaya po ng nasa (13:07) area di po, minsan po lalo po pag magmimeeting kami wala po silang sasakyan, masyado pong malayo kaya po humihingi po ako sa inyo ng tulong. Ito po’y tulong or kung anong maitutulong po ‘nyo sa aming mga Women’s. At gusto ko rin po na ang mga kasamahan kong mga Women’s na may mga pamilya na gusto nilang magkaroon ng hanap-buhay, gusto po naming humingi ng tulong sa inyo kung kami po’y pagbibigyan ninyo.

BBM: Oh sige, marami naman tayong siguro puwedeng lapitan, at baka sakaling pagbigyan naman tayo. Sa palagay ko pinakamainam na inyong gawin ay sulatan, may nakahanda ka bang sulat para sa atin? Nandiyan nakita mo sa streamer? Nandiyan lahat yung email ko, nandiyan yung facebook, nandiyan yung website ko, basta’t sumulat na lang kayo sa amin. Ibigay niyo sa amin yung detalye at titignan natin kung anong kaya nating gawin at makikiusap tayo sa ating mga kaibigan sa administrasyon at kagaya ng sabi ko, baka naman pagbigyan tayo.

Q: Maraming maraming salamat po.

BBM: Maraming salamat.

Q: Magtatanong po ang isa kong kasamahan na ka-officer kasi po marami nga po kaming. Magandang tanghali po Senator Bongbong Marcos. Kami po ay nagpapasalamat na isa po ang Morong na nabisita ninyo.Nagpapasalamat po kami ng Women’s Advocacy ng Rizal na isa po ito sa lugar na inyong binisitangayon pong 2015. Ngayon po ang tanong ko po, ano po ang maitutulong ng Sen. Bongbong Marcos sa mga kababaihan ng Morong? Na pupwede pong magkaroon ng establishment na pinapangarap po ng poong mga kababaihan, establishment po na walang age limit na puwede pong magtrabaho dito po sa Rizal.

BBM: Walang age limit?

Q: opo tulad po ng mga, kasi po marami po dito po sa Morong na mahihirap, na wala pong trabaho, hindi po nakapag aral. Gusto po nilang makatulong sa kanilang pamilya para po itaguyod ang kanilang mga anak para kanilang pag-aaral.Ngayonpo, ano po ang maitutulong ng isang Sen. Bongbong Marcos sa mga kababaihan ng Morongna na naninirahan dito sa Rizal?

BBM: Ang tinutukoy mo ‘yung age limit?

Q: Opo.

BBM: Ang age limit hindi galing sa gobyerno yan. Kung ikaw ay government worker, yan ang gobyerno sinasabi ay may age limit ang pag hire. Pero ang age limit sap ag-hire lalo na sa private sector ay nasa kumpanya yan.

Mayroon tayong isinulong na batas na itaas ang age limit at huwag gawing sagabal sa paghanap, pagkukuha ng trabaho ang edad ng isang tao. Kaya’t yan ay nailapit na sa amin kaya namin pinag-aralan at sa ngayon mayroon kaming pending na bill tungkol nga diyan, na hindi maaaring gawing dahilan ang edad ng kahit sino na para sabihing hindi puwedeng magtrabaho doon sa kanilang kumpanya.

Bale ‘yung edad hindi na magiging issue doon sa pag-hire. Pero sa amin sa ngayon, hinahantay pa namin ang version ng House of Representatives dahil sa senado ay mabilis na ang naging takbo, pero alam nyo naman kailangan maging sabay, mayroon ding mai-approve sa House. So ‘yun ang hinahantay naming ngayon.

Alam naming ‘yung problemang sinasabi ninyo at nagawan naming ng remedyo at sa palagay namin pagka napasa ito, ang edad hindi na magiging issue sa pag-hire.

Q: Salamat po. Magandang araw po. (17:29) na walang, age doesn’t matter pagdating sa pagtatrabaho. Pakidagdag na po naman ‘yung 6 months contract. Mas lalong hindi makatao ‘yun kawawa ‘yung after 6 months wala ng trabaho, umiiyak na, nangungutang nanaman. Nakuha ‘nyo ako?

BBM: Ito ay naging, pinababayaan kasi ng DoLE ito. ‘Yung end of contract, ‘yung 555, ‘yung six months contract, alam natin yan pero ang DoLE noong inireklamo naming sa kanila , ang DoLE ay pinabayaan nila, sabi nila legal naman daw ‘yun. Kaya’t eto sa ngayon ay pinaglalaban nga namin dahil alam natin, ginagawa lamang yan para hindi magbigay ng benepisyo kasi hindi umabot sa permanent, hindi nga magkakaroon ng status na permanent.

Ganoon ang nagiging problema. Kailangan nating baguhin dahil sa batas hindi dapat gawin yan e. dahil sa polisiya ng gobyerno hindi rin dapat gawin yan ngunit napapabayaan ng DoLE dahil hindi nga naming masyadong maunawaan kung bakit ang DoLE ay nagsasabi na puwede ring gawin yan lalo na ng malalaking kumpanya. At ang nalulugi, ang hindi nakakapagkolekta ng benepisyo ay ‘yung ating mga employees.

Kaya’t ang bagong sistema pa ngayon ina-out source, ‘yung HR. para ang sinasabi na ang employer mo hindi ‘yung kumpanya kung hindi ‘yung in-out source na HR. Ganyan ‘yung mga technique nila para paligiran ‘yung ano e ‘yung rulling kaya’t eto ay kailangang habulin ulit para patibayin ang batas na hindi na maaaring gawin ‘yun.

Q: Kasi po ang tingin ko ang nakikinabang lang ang may-ari ng kumpanya.

BBM: Talaga. Kasi ayaw nila magbayad ng benepisyo, ayaw nila magbigay ng insurance, ayaw nila magbigay ng 13th month, walang bonus, lahat ‘yun. ‘yun ang ipinapagawa nila kaya’t kung anu-anong mga Sistema ang kanilang ginagawa kaya’t ang aming suggestion ay dapay may konsepto na sinasabi ‘yung beneficial owner ‘yung talagang may may-ari.

Dapat isama natin ‘yung konseptong yun. ‘Yung tinatawag na beneficial employer, ‘yung talagang kung sino, kanino kayo nagtatrabaho. Kahit na i-out source nila ‘yung HR. Kaya’t ‘yun an gaming pinag-aaralan ngayon.

Q: Salamat po. Marcos forever.

BBM: Maraming salamat.

Q: Sir good morning po. Sir we all know that you will run in the 2016 election as vice-president.

BBM: You know that already? Mabuti ka pa alam mo na. Ako hindi ko pa alam.

Q: Sir naniniwala po kaming tatakbo kayo.

BBM: Wala pang desisyon talaga e, pero mabuti na ikaw na nagsabi kung ano yung gagawin ko para matapos na itong espekulasyon.

Q: Sir, My question po is if you will win in the 2016 election, what will be your great contribution when it comes to the field of education that will benefit us students?

BBM: Well first of all, you said if I win? Whatever, I will win in 2016. I do not know what that position will be. But I will win in 2016. Ang sinasabi mo what can we do for education? Unang una tutukan natin’yung bagong sistema at polisiya ng K to 12 dahil hanggang ngayon na marami tayong naririnig na full implementation by 2016, pero hanggang ngayon ni isang instructor, ni isang teacher ay walang pang nakuha sa 36,000 na karagdagang teacher na dapat kunin ng DepEd, ay hanggang ngayon ni isa wala pang nakuha. At ni isa na classroom para sa K to 12, para sa senior high school ay wala pang naitatayo. Kaya’t medyo, hindi. Masyadong malayo pa tayo doon sa time table na ibinigay natin sa sarili natin kaya’t maraming nagsasabi na kung ang dapat sigurong gawin ay ayusin muna ang sistemang pag-implementa ng K to 12.

That’s very importang especially for workers, for students, graduates who are travelling abroad. Dahil lagi tayong hinahanapan ng extra two years na instruction para mabigyan ng credentials, mabigyan ng certificates, mabigyan ng pagpakilala. So that is something that is important but what we have to do, magandang idea pero sa ngayon ang pag implementa ay malaki pa ang pagkukulang.

So that is something that we have to pay attention to. Dahil kung hindi natin gawin ‘yun ay maiiwan nanaman an gating graduates lalo na ng mga tech voc na kulang ng, as far as the foreign employers are concerned, kulang ang kanilang training.

Q: Magandang umaga po kagalang galang na Sen. Bongbong Marcos.

BBM: Good Morning

Q: Ako po ay mayroong itatanong sa inyo. Ako po’y magsasaka dito sa bayan ng Morong, Rizal. Isang magsasaka naging national awardee ng panahon ni Pres. Ferdinand Marcos, National category. At noong 1985, sa pamamagitan din ng suporta ng ating Pangulo ng ating bansa kinilala po ako sa isa sa labing apat sa ASEAN Country. Kaya’t sa oras na ito, bilang magsasaka, lumakas po ang aking loob na timindig sa inyong harapan para ika nga’y magparating ng isang karaingan kung sakali kayo ay dumating na doon sa pinakamataas na tungkulin ng ating bansa, ano po ang maibibigay ‘nyong tulong sa aming magsasaka upang muling mabalik yung tayo’ng maging exporter hindi po maganda ang tayo’y maging importer.

BBM: Unang una maraming salamat sa inyong tanong. At kami’y kailangang bumati sa inyo at dahil kayo pala ay kinikilala na isa sa pinakamagaling na nagsasaka dito sa Pilipinas mula pa noong 1985, 1981. At nakakalungkot nga pag pinagmamasdan natin at nakikita natin ang sector ng agrikultura, ito ay naiiwan-iwanan. Mayroon tayong, mayroon akong nakitang statistic at ako’y nagulat.

Alam ‘nyo ban a ang irrigated area sa buong Pilipinas ay mas malawak noong 1986 kaysa sa ngayon. Ibig sabihin, ang ating irrigation imbes na nadagdagan mula noong 1986 hanggang ngayon ay nabawasan. Kaya’t aking palagay kaya naman kung lahat ng pangako na ating naririnig na malapit na tayong mag self-suffiency sa rice ay sabi ko hindi mabubuo yan. Dahil unang una ang patubig natin kulang na kulang at sira-sira na yung mga kanal. Yang ang una nating dapat gawin. Pangalawa ang suporta sa mga farmer, ang RMD, noon panahon ‘nya noong 1980s, mayroon International Rice Research Institute sa UP Los Baños at ito ay isang eskwelahan na kasama sa isang eskwelahan na institute na ang ginagawa ay nag-aaral kung ano ang mas magandang variety, mas magandang hybrid na puwedeng ibigay sa ating mga magsasaka.

Kaya’t noon, kung iisipin ninyo, yung pinaka malaking agricultural program, yung masagana 99 isipin po ninyo ay masagan 99 (26:55 per hectare. Noon that’s only two tons, two tons per hectare. Ngayon naghahabol na tayo ng six, seven, eight, nine tons. Kailangan, hindi maaaring mangyarin yun kung hindi maganda ang patubig, kung hindi maganda ang hybrid, o yung ang variety na ginagamit mo, hindi (27:16) pati na, na mayroon kayong nakukuha mayroon kayong mabibili na hindi naman masyadong mahal dahil papunta na rin tayo sa organic kaya kailangan yun ay tignan natin dahil ang chemical ferlitizer ay napakataas na masyado, libo yata ang ferlitizer ngayon.

Noon umakyat ng, nakakapagtaka yung sa fertilizer, sinasabi nila sumasabay daw sa presyo ng langis. Totoo nga, pag tumataas ang presyo ng langis tumataas ang urea pero pag bumababa yung preso ng langis naiiwan ung pa tin yung presyo urea, kaya’t kailangan nati pag-aralan kung bakit ganoon. Kaya’t sa palagay ko kulang na kulang ang suporta na binibigay ng pamahalaan para sa mga farmer.

Nakakapagtaka nga na bawat taon sinasabi sa atin ng gobyerno, ‘etong taon na ito, tayo’y mag-eexport na’ yun ang una nilang sasabihin. Kasunod noon, mga ilang buwan sasabihin ‘mag-iimport tayo ng pinakamarami na maiimport natin sa buong kasaysayan ng Pilipinas’.

At nakakahiyang sabihin pero sa ngayon, sa buong mundo, sa buong mundo, ang Pilipinas ay ang pinakamalaking importer ng palay, ng bigas. Kahiya-hiya, dahil naman hindi natin masasabi na kakulangan ito ng ating mga magsasaka. Dahil alam kong kaya, dahil doon sa amin sa Ilocos Norte ay nabigyan naming ng buhay an gaming agicultural sector. Kailangan ang suporta ng gobyerno pautang, patubig, ayuda, RMD para sa mga variety, pati na sa market information. Lahat ito ay ginagawa noon. Kailangan natin mabalik yan para maging mas matibay at mas masigla ang sector ng agrikultura dahil pag hindi matibay ang sector ng agrikultura, kahit ano pa ang gawin natin sa ekonomiya natin, hindi magiging masigla at matibay ang ekonomiya.

Kailangan natin ang pundasyon ng agricultural sector, kaya’t ibalik natin lahat ng nawala na suporta sa mga farmers, itayo ang mga bumubuhay ng ekonomiya.

Q: Kagalang-galang na Senador, sa akin pong pagtatapos ng pagharap sa inyo ay mayroon akong bagay na pararatingin pang isa inyo. Na tayo pong magsasakang Pilipino, sa akin pong pagkaka-obserba ng ako ay bigyan ng dalawang linggong pagtutour sa tatlong bansang ASEAN, ang atin pong bansa ay hindi po huli sa larangan ng pagpapataas ng ani. Kaya po lamang (30:20) sa aking pagmamasid, sa akin karanasan, ako po ay walumpung taon at pitong buwan, ngayon po ang (30:31) ang suporta po lamang ng ating pamahalaan sa ating magsasaka. Yan po ang aking ipinararating sa inyo at sana’y matulungan ninyo ang sector ng pagsasaka upang muli, tayo’y maging exporter hindi importer. Magandang umaga po.

BBM: Magandang umaga po sa inyo. Tama po lahat yan. Ako’y sang-ayon sa inyong pangarap na mabalik tayo sa dating status natin na exporter, hindi tayo importer. Maraming salamat po.

Q: Magandang hapon po Sen. BBM, member po ako ng group nyo. I have two questions po. Una ko pong tanong, maigsi lang po ito promise. Una ko pong tanong, do you still believe that this nation will be great again?

BBM: I think the nation is great now despite what what the problems that we have and the reason that I say that, there is no greater people than the Filipino people and that is the greatness that we will always have. But although I believe that this nation is now great, I believe this nation can be even greater. And in fact, through better leadership, to a better vision to the Philippines. Sa ngayon wala tayong nakikitang plano, wala tayong naririnig na polisiya. Hindi ko malilimutan noong ako’y bata pa, walang tigil ang aking ama, lahat ng kanyang mga katulong sa gobyerno, ang lagi nilang pinag-uusapan ay ‘nation building’, we are in the business of nation building. Para lahat ng iba’t ibang bahagi na kailangan ng lipunan, ay itinataguyod, pinapagalaw at tulung-tulong para nga dahan-dahan ang ating bansa ay lumago at gumanda ang sitwasyon ng ating mga kababayan.

Ngayon wala na tayong naririnig tungkol sa nation building. Wala tayong naririnig na inaayos ang pagtakbo ng ating pamahalaan, wala tayong naririnig na dinagdagdagan ang serbiyo sa taumbayan. Wala tayong naririnig sa ating liderato na ‘ang aking pangarap para sa aking bansa ay dumating sa ganitong lugar sa limang taon, sa sampung taon, sa dalawampung taon’. We have no vision, we do not find any leadership. And I think that is what is lacking dahil kung titignan mo ng mga OFW, ang mga OFW natin. (33:13) natin yan ng pagkakataon at alam nila basta’t sila ay magtiyaga, sila ay magtrabaho at magsumikap, at suwertehin ng konti, sila ay makakaahon sa kanilang sitwasyon. Kaya’t sa palagay ko the governments that have come, have failed our people. Have failed to provide a vision for our people, have failed to provide leadership to our people. Yan ang kakulangan sa palagay ko ngayon at kahit na may madaming kakulangan ang pamahalaan eto pa rin ang ating mga kababayan. Sige pa rin ang kanilang trabaho, sige pa rin ang kanilang pagtulong sa pagpaganda ng Pilipinas in any different way.

So if we can depend in our people, it is now up to the government to provide that leadership and that vision.

Q: Salamat po sa magandang sagot na ‘yon. Pangalawa po, pasintabi po bishop may konti lang po akong ano. 2009 guest po naming si Madame Imelda Marcos, nakakuwentuhan po naming siya closed door. Allow me po, alam po namin ung anim. Alam po naming yung legend ng malakas at maganda, tapos na rin po yung 1,000 cases na nakafile sa Marcos Family, salamat sa Diyos, tapos tinanong po naming si Madame, ‘patatakbuhin po ba ang anak ninyo as President?’ Sabi po niya sa amin, ‘Hindi ko kayo masasagot diyan, anak ko lang ang makakasagot niyan.’ Eto po yung tanong ko, vice-president po kasi ang tinatanong nila. Kasi po ang isang magandang programa ang isang leader, hindi mangyayari kung hinsi siya mismo ang magpapatupad. Alam din po namin na doon din po sa internet nilalabas na yung testament ng inyong ama na Pres. Marcos, napakaganda po ng kanyang plano sa bansa, na kung sana natuloy yun, sana tayo na ang nagmamay-ari ng buong mundo, ano po?. Hindi lang po talaga nakita ng mga leaders na gahaman noong mga panahon na iyon.

BBM: Ang naging problema kasi ay ang mga sumunod ay hindi na iniisip ang kapakanan ng ating kababayan, ang iniisip lamang ay pulitika. Ang iniisip lamang ay manatili sa posisyon. Ang iniisip lamang ay siraan ang kanilang mga kalaban sa pulitika at itago ang pagkakamali ng kanilang mga kasamahan.

Kaya’t nagkaganiyan, hindi na nga iniisip ang pagpaganda ng ating lipunan, hindi na iniisip ang pagkabuti ng sitwasyon ng ating mga kababayan, yan ang naging problema. Dahil ako nasa larangan ako ng pulitika, wala akong nakikita puro lahat ng nangyayari puro pulitika ang nagiging dahilan kung bakit may desisyon na ganito, bakit pinapayagan yan, bakit ito hindi pinapayagan, puro pulitika lamang. Kaya tayo nagkaganito.

Q: Last question po. Ano pong gusto ‘nyong gawin naming para tumakbo kayong presidente?

BBM: Basta’t nandiyan kayo na tuluy-tuloy na sumusuporta, nandiyan kayo na tuluy-tuloy na nagtitiwala sa akin, asahan ninyo sa abot kaya ko, gagawin ko’ng lahat para maka (37:06) sa inyong lahat. Maraming salamat.

Q: Magandang umaga po senator, ito po last na to, para po sa mga iskolar na magsisipagtapos po. Magandang umaga po senator ito na po an gaming pagkakataon, na ang mga iskolar na nagsipagtapos ngayong araw na ito sa kursong bread and pastry. Lingid po sa kaalaman ng nakararami na halos lahat po kaming nagsipagtapos ay barong-barong lang ang tirahan at walang kakayahang mamuhunan, ang aming panibagong kaalaman o kasanayan para sa aming kinabukasan. May maaasahan po ba kaming tulong pinansyal?

BBM: Pinansyal? Lahat ng tulong na maaari kong ibibigay ko, ibibigay ko. Pinansyal na siguro ang pinakamahina. Alam naman ninyo, alam naman ninyo na yung dati yung sistema natin, na ang mga yung mga lumalapit at nanghihingi ng tulong ay kapag nabibigyan namin dahil mayroon kami noong tinatawag nga na PDAF. Kaya lamang yung PDAF na naabuso nung mga iba kaya tinanggal na. Kaya’t wala na kami. Bale noon, mayroon kaming pondo na pagkukuhanan para sa financial na talagang nakakapag-bigay kami ng pondo sa mga humihingi ng tulong.

Ngayon maaari pa naming gawin kung ano yung proseso. Kaya’t kung anong pangangailangan mo, sabihin mo sa amin at kahit papaano, kahit wala na kaming PDAF hahanapan natin ng paraan yan para mabigyan ka ng tulong doon sa pinoproblema mo.

Back to Blog