‘Officers for substance abuse’ dapat mayroon sa bawat bayan sa buong bansa

Read the English version here.

Nirekomenda ngayon ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos na magkaroon ng ‘Officers for Substance Abuse’ ang bawat lokalidad sa buong bansa para magturo sa mga estudyante, magulang, mga nagtatrabaho sa mga pribado at opisinang pang-gobyerno tungkol sa masamang epekto ng paggamit ng droga tulad ng nangyayari ngayon sa Cebu.

“Ang problema sa droga ay kapatid ng paglago ng krimen.”

“Ang pagkakaroon ng ‘Officer for Substance Abuse’ na makikipagtulungan sa pulisya ay malaking hakbang para kundi mabawasan ay tuluyan ng sugpuin ang problema na dala ng pagdodroga.”

Sinabi ni Marcos na dapat tingnan ang mga pasilidad na pinatatakbo ng gobyerno para sa mga taong nalunod sa droga na kailangang matulungan upang makabangon.

Dapat sabi ni Marcos, magkaroon ng nakakaakit na pabuya o attractive reward system tulad ng cash incentives at seguridad para sa tipsters ng drug lords at mga sindikato.

“Police visibility, or the deployment of additional police forces, particularly in densely populated areas prone to the highest rates of criminality helps along with the strict implementation of the 24-hour manning of all police precincts.”

Ayon kay Marcos ang mga border patrols tulad ng PNP Maritime Command at Airport Police ay magiging epektibo sa kanilang trabahong paglaban sa pagpasok ng droga sa bansa kung bibigyan sila ng mas marami pang patrol boats, kotse, kompyuter at iba pang pangangailangan tulad ng night vision goggles.

“Definitely, stronger cooperation and sharing of information among international and local intelligence communities to pin down big time drug lords and syndicates must be enforced.”

Sinabi ni Marcos na nararapat na ang liderato ng PNP ay magbigay ng papuri sa mga pulis na nakahuli sa mga gumagamit, nagtitinda o nagsusupply ng droga at parusahan ang mga kasabwat na mga pulisya.

Back to Blog