National Women’s Month Celebration

Sa mga kapwa kong lingkod-bayan ng Pamahalaang Lalawigan ng Nueva Vizcaya, sa pangunguna ni Governor Ruth Raña Padilla,

Sa mga kababaihan ng Nueva Vizcaya, sa pangungunang muli ng ating butihing Gobernadora,

Sa lahat ng mga panauhin, magandang umaga sa inyong lahat!

Naimbag nga bigat kadakayo amin, Manang!

Maraming salamat po at ako ay inyong inanyayahan dito sa inyong lalawigan, para makadalo at makiisa sa inyong pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan!

Ang tema at ang sigaw ng ating pagdiriwang ngayon: “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda!”

Maipagmamalaki natin sa buong mundo na malayo na ang narating ng ating lipunan pagdating sa pantay na karapatan ng mga kababaihan. Filipino women are now more empowered. Kayang-kaya nang makipagsabayan, makipagtapatan at makipagtunggali sa mga lalaki!

Mula sa ating Konstitusyon hanggang sa ating mga batas, nakalatag na ang mga tuntunin para masiguro ang pantay na pagtrato sa mga kababaihang Pilipino. Sa katunayan, 7 years old na ang Magna Carta for Women (RA 9710), at 12 years old na ang Anti-Violence against Women and their Children (RA 9262).

Noong naanyayahan ako sa Tanauan, Batangas kamakailan para magsalita tungkol sa pagsugpo ng violence against women and children, binanggit ko ang kahalagahan ng PATULOY NA EDUKASYON ng mga mamamayan. Kailangan nang mabura nang tuluyan ang “patriarchal” na mentalidad sa ating lipunan. Ito yung mentalidad na lalaki lang dapat ang palaging bida, at lalaki lang dapat ang palaging magaling!

Nakakalungkot na marami pa rin ang mayroong ganitong pag-iisip. Ang pinakasimpleng halimbawa na naiisip ko ay ang narinig ko mismo mula sa isang lalaking drayber na napapreno at naabala sa daan dahil sa isang sasakyan na nasa harap niya. Nang malampasan na niya ang mabagal o nakahintong sasakyan, sabay lingon sa gilid, sabay ngisi at sabay mapapa-iling:

“Tsk, tsk. Ah, kaya naman pala—babae kasi!”

Napakasimpleng halimbawa, pero totoong nangyayari ito sa ating lipunan. Marami pa rin talagang mga lalaki ang makitid ang pag-iisip at sadyang mababa ang tingin sa kababaihan.

Kaya, patuloy na edukasyon ng ating mga kalalakihan at mga kababaihan mismo ang ating kailangan. Sa Senado po, madalas kaming magkaroon ng mga “Gender Sensitivity” seminars, kung saan inaatasan kong dumalo ang mga miyembro ng aking staff.

Sa aming pamilya Marcos na lamang, pinahahalagahan namin at iginagalang ang mga papel at responsibilidad ng mga kababaihan sa aming pamilya—mula sa aking mga pinakamamahal na ina na si former First Lady Imelda Marcos, ang aking Manang Imee, at ang aking mga kapatid na si Irene at Aimee.

Ang kanilang boses, at ang kanilang angking galing, katangian, talento at kakayahan ay palaging pinakikinggan, kinikilala at iginagalang at kailanma’y hindi pinigil o sinupil. Kung kaya naman ngayon, narating nila ang rurok ng kanilang tagumpay at naging dalubhasa sa kanilang sariling mga larangan.

At lalong-lalo na ang aking asawa—si Liza—na isang magaling na abogada at kampeon ng karapatan ng kababaihan! Hindi na lamang siya ang kinikilalang “ILAW NG TAHANAN”, na tulad ng itinuro sa atin noon na karaniwang responsibilidad ng isang ina. AT HINDI TALAGA SIYA MAKAPAPAYAG NA GANUN-GANUN NA LANG!

Simple lang naman ang mga responsibilidad ng aking asawa sa aming tahanan at sa aking buhay. Kung ako ay SENADOR, ang asawa ko naman ang may hawak sa apat (4) na mahalagang posisyon:

1) Siya ang “Mayordoma”.

2) Siya ang “Secretary”…Executive Secretary, Secretary of Health, Secretary of Education, Secretary of Defense.

3) Siya ang Chief: “Chief Executive”; “Chief Inspector”, “Chief Accountant”, at “Chief Legal Counsel”. Kasama na rin ang pagiging Chief Cook at Chief Nutritionist.

4) At panghuli, siya ang “BATAS” sa aming tahanan! Siya rin ang “KORTE SUPREMA”!

Biro lamang po! Ang punto ko lamang ay hindi ko lamang siya minamahal ng aking buong puso at isipan. Buong-buo rin ang pagtitiwala ko sa kanyang angking talino, talento at kakayahan.

I completely have faith and trust in all the great women in my life—in their skills, their talents and their abilities to make the right decisions. I am perfectly comfortable with having to entrust even my whole life on the soundness and wisdom of their actions and judgments, with regard to the very important aspects and details of my family and private life. And I thank the Good Lord for having continually blessed me with their presence, their influence and their guidance.

Kahit sa aking trabaho bilang lingkod-bayan, tinutulungan nila ako sa aking mga mahahalagang desisyon. Ang aking maybahay din ay nakaantabay sa mga mahihirap na aspetong legal ng aking trabaho. Noong impeachment trial, tinuruan ako tungkol sa pagdedemanda at sa tamang pagsusuri sa ebidensya. Alam kong hindi niya ako pababayaan. Alam kong hindi siya papayag na ako ay mapapahamak o mapapahiya, lalo na sa mga abogado sa amin sa Senado.

GANYAN KAGALING ANG MGA BABAE!

I believe in “women empowerment” and the ability of women. I firmly believe that women can compete with men, and match their abilities and performance—and even surpass them.

So much so that I firmly believe that Senator Miriam Defensor-Santiago—my running-mate—is not only most qualified, but is also the right and the perfect person to take the job of the Presidency of our country. Ang OFW advocate naman na si Susan Ople naman ay isa sa aking mga ini-endorsong Senatoriable.

Pero kapag posisyon ng pagka-Bise Presidente ang pag-uusapan, aaminin ko—iba ang aking pananaw. In my humble view, I believe that I am more QUALIFIED and more COMPETENT than the other candidates—whether the gentlemen or the ladies.

Kasi mas matagal at mas malawak ang aking karanasan sa local government at maging sa national government. Because of this, I have a very good view and analysis of the problems and the needs of our communities and our country.

Wala akong anumang masamang intensyon. Maganda ang aking hangarin sa bansa, at malinis ang aking konsiyensiya. This is the reason why after thirty years, countless detractors and mudslingers, with the resources and power, have tried to malign and bring me down, but to no avail. Amid all the black propaganda and smear campaigns, I continue to stand tall and strong.

More than ever, I enjoy the trust and confidence of many of our People. Ito ang dahilan kung bakit ako tumatakbo para sa mas mataas na posisyon ngayong tao. Ito ay para mabigyan ko ng boses at maging kinatawan ng mga mamamayan na tumitingala sa akin bilang isang pinuno na may mabuting loob at may kakayahang ipagkaisa ang ating bansa na matagal nang nasadlak sa hidwaan at pagkakawatak-watak.

Naniniwala po ako sa kasabihan na, “Behind every successful man is a woman”. Whoever I am now and whatever I have become, it is because of the influence and guidance of all the great women in my life. Nagtiwala rin sila sa akin at sinuportahan din nila ako sa aking mga pangarap at hangarin. Sila ang nagturo at humubog sa akin para maging isang mabuting tao at mapagmalasakit na lingkod-bayan.

PInasasalamatan ko ang Diyos dahil sa kanila. Malaki ang aking utang na loob sa kanila—ang mga magigiting na kababaihan ng aking buhay at ng buong bayan!

Kaya po malakas ang aking loob na dumalangin at hilingin ang suporta at tiwala ng lahat ng mga kababaihan Pilipino. Mula sa mga Pilipinong ina, mga maybahay at mga ilaw ng tahanan, mga single moms, sa mga kapatid na babae, mga relihiyosa, laywomen at mga “single-blessed”, mga kababaihang senior citizens at mga may kapansanan (PWDs), sa mga kolehiyala at mga estudyante, sa mga miyembro ng LGBT community. Pangako ko po na patuloy akong tatanaw ng utang na loob sa inyo, at pangangalagaan ko ang inyong interes at kapakanan.

Sana po ay suportahan at pagtiwalaan ninyo ako sa aking kandidatura bilang Bise-Presidente ng ating bansa!

Pangako ko po na kayo ay mabibigyan ng sapat at malinaw na boses sa ating pamahalaan. I assure you of a Vice-President that will be a good, virtuous, responsible and unifying leader, with whom you can entrust not only your voice, but your lives and future, and those of our younger and succeeding generations.

‘Ika nga po sa kuwento ng buhay ni “Sir Chief”: “I will be careful with your heart”!

Kaya sa mga kababaihan ng bayan ng Bambang, ng lalawigan ng Nueva Vizcaya at ng buong Pilipinas: KAYO NA PO ANG BAHALA SA AKIN!

Bongbong Marcos po! Forever a gentleman, and forever at your service! Para sa ating pagkakaisa!

Magkita-kita po tayong muli! Maraming, maraming salamat po at pagpalain kayo ng Maykapal!

Manen, naimbag nga bigat kadakayo amin, Manang!

Dios ti agngina kadakayo amin!

Back to Blog