Nanawagan si Senador Marcos ng pagsususog tungkol sa mga batas na namumuno sa mga dayuhang korporasyong nangangalakal sa mga gawaing imprastraktura

Read the English.

Nanawagan si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang pagsisiyasat, sa pagkikil ng Senate Resolution No. 1623, dulot ng kalabuan sa pagmamay-ari at pagtatakbo ng mga dayuhang korporasyon sa mga negosyong may kinalaman sa konstruksyon sa bansa.

Kung itong mga pagsisiyasat ay magbubunga ng mga susog sa batas, ito ay maaaring magdagdag ng foreign direct investments at trabaho para sa mamamayang Pilipino.

Ayon sa Senador na namumuno sa Senate Committee on Public Works, walang malinaw na limitasyon na nakasaad sa nasabing Republic Act at maging ang mismong Saligang Batas para sa mga nasabing korporasyon.

Ayon sa Republic Act No. 4566 o ang Contractor’s License Law, ang Philippine Contractors Accreditation Board (na inamenda ng Presidential Decree No. 1746) o PCAB ay may kapangyarihan para sa sumusunod: “adopt reasonably necessary rules and regulations to effect the classification of contractors in a manner consistent with established usage and procedure as found in the construction business, and may limit the field and scope of the operations of a licensed contractor to those in which he is classified to engage.”

Ani Marcos na ang PCAB mismo ang nagmumungkahi ng mga susog sa Implementing Rules and Regulations (IRR) sa nasabing batas upang matugon ang kalabuan. Samanatala, ang Securities and Exchange Commission (SEC) ay naglabas ng opinyong legal noong 2009 ukol dito na: “a one hundred percent (100%)-foreign-owned construction firm, without being the project proponent, can undertake the “construction stage” of an infrastructure project, subject to certain minimum paid-up capital requirements.”

“The establishment of foreign equity restrictions in particular fields of economic activity is an important question of national policy, which needs to be thoroughly and extensively discussed and studied by Congress, in consultation with appropriate government agencies and key stakeholders in the Philippine construction industry and other relevant private sector groups,” ani Marcos.

Back to Blog