Nagsalita na ang taong-bayan!

Ang kaganapan ngayong umaga ay isang patunay na tahimik man sila noong nakaraan, naging maingay na naman na ang kanilang pagtitipon sa araw na ito!

Kaisa ako sa mga ipinaglalaban ng libo-libong kababayan natin na ngayon nasa gitna ng ulan upang buwagin na ang PDAF.

Higit pa sa pagtanggal nito, kaisa din ako sa mga libo-libong mamamayan na nagnanais malaman ang katotohanan sa likod ng issue na ito.

More than the abolition, I share the thirst of so many of our people to know the truth behind the allegations to this pork barrel mess. Buong katotohanan ang kailangan at hindi pinipiling akusasyon upang isulong ang interes ng mga iilan.

Hindi lang sila nagparamdam, nagtipon at nagkaisa ang taong-bayan, nagsalita na sila!

Back to Blog