Muling buksan ang imbestigasyon sa Mamasapano massacre

Read the English version here.

Bongbong-Marcos-PNP-SAF-Heroes-Villamor-Airbase-Arrival-Honors_20150129_13

Sen. Bongbong Marcos paid his respects to the families of the Fallen SAF 44 heroes whose remains arrived at Villamor Airbase via C130 Pasay City last 29 January 2015.

Sinuportahan ngayon ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang panawagan na buksang muli ang imbestigasyon ng Senado sa malagim ng Mamasapano massacre noong January 25, 2015 kung saan 44 commando ng Philippine National Police-Special Action Force ang nasawi.

Nitong Lunes hiniling ni Minority Leader Juan Ponce Enrile ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa committee level dahil umano gusto na niyang bigyan ng liwanag ang isyu, partikular sa kung ano ang ginawa ng gobyerno habang nagbabakbakan ang tropa ng SAF at mga rebeldeng Moro.

“Para sa amin kung ito ay ang magdadala ng katarungan para doon sa pamilya ng mga nasawi na SAF 44, mabuti na rin iyan para mabalik sa pag-iisip ng ating mga kababayan kung anong nangyari,” ayon kay Marcos sa panayam kay dating Sen. Orly Mercado sa kanyang programang “Orly Already” sa Radyo 5.

Maari talagang buksan muli ang imbestigasyon ng Senado sa insidente dahil hindi pa natalakay sa plenaryo ng Senado ang committee report dito at may karapatan ang sinumang Senador na magtanong tungkol sa mga ulat ng anumang komite, paliwanag ng Senador.

Iginiit pa ni Marcos na mahigit na siyam na buwan na ang nakalipas matapos ang malagim na insidente subalit hanggang sa ngayon ay wala pang nasasampahan ng kaso sa korte sa kabila ng pangako ng gobyerno na bibigyan ng katarungan ang mga nasawi.

Katarungan lamang at wala nang iba pa ang tanging hiling ng mga pamilya ng SAF 44, ayon kay Marcos.“Hindi gaano iyung benepisyo, iyung scholarship, iyung mga kung ano-ano pa, sabi nila, huwag sana kalimutan ang kanilang namatay na ama, na kapatid, na anak, na asawa. Ito ang tanging layunin siguro ng Senado na mabigyan nga ng katarungan lahat ng mga naiwan na pamilya ng SAF 44,” ani Marcos.

Back to Blog