Mga residente ng Payatas ‘kinatok ang langit’ para kay Bongbong

Read the English version.

“Kinatok ang langit” ng mga naninirahan sa Payatas, Quezon City at humiling ng Divine intervention upang maging matagumpay si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanyang kandidatura bilang Bise Presidente sa darating na eleksiyon sa Mayo.

Pinag-pray over si Marcos ng mga residente noong Martes ng umaga sa kanyang pagpunta sa lugar at pakikipagdayalogo na ginanap sa basketball covered court ng Phase 4, Lupang Pangako, Barangay Payatas, isang dating dumpsite.

“Bigyan Mo po kami ng sapat na pang-unawa sa ikatatagumpay ng ating Senador at ngayon po ay nanghahangad na maglingkod sa buong Pilipinas bilang isang Bise Presidente,” dasal ng mga ito para kay Marcos na pinangunahan ni Apo Isidro Arca, na ninirahan sa naturang komunidad.

Humiling din ng patnubay at gabay sa Panginoon ang mga residente, na nagpahayag ng buong suporta kay Marcos, upang maging karapat-dapat itong mamuno bansa.

“Basbasan Mo kami sa umagang ito upang maging karapat-dapat po ang taong ito na mamuno sa aming bayan dito sa buong Pilipinas,” sabi sa isang bahagi ng panalangin.

Bukod sa Payatas, binisita din ni Marcos ang palengke ng Commonwealth, Barangay Holy Spirit, at ang terminal ng Batasan Hills Tricycle, Operators, and Drivers Association kung saan nakatanggap siya ng malawak na suporta.

Back to Blog