Mensahe ni Sen. Bongbong Marcos para sa mga opisyal ng Barangay

Sa mga minamahal kong mga Opisyal ng Barangay ,

Ikinagagalak ko pong ibalita sa inyo na na-apbruhanan na sa pangatlong pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 12 noong ika-14 ng Disyembre na aking isinulong para magbigay ng karagdagang benepisyo sa inyong pagreretiro. Sa pagtatag ng Barangay Retirement Benefit Fund, ay makapaghahanda ang gobyerno ng sapat na pondo upang sa takdang panahon ay makapagbibigay ng halagang P100,000 na cash retirement pay para sa bawat kwalipikadong Barangay Chairman; P80,000 para sa bawat miyembro ng Sangguniang Barangay, at P50,000 para sa bawat Barangay Tresurer, Secretary, Barangay Tanod, miyembro ng Luponng Tagamayapa, Barangay Health Workers at Day Care Workers.

Bagaman aantayin pang maging ganap na batas ang panukalang ito sa pamamagitan ng pg-apruba ng kasalukuyang Administrasyon ay naniniwala akong ang balitang ito ay isang maagang pamasko hindi lamang para sa inyo, kung hindi pati na rin sa inyong mga mahal sa buhay. Hindi man matutumbasan ang inyong sakripisyo at kasipagan, nawa’y ito ay maging simbolo ng aking taos-pusong pasasalamat para sa lahat ng inyong kapaguran at dedikasyon para sa kapakanan ng inyong kanya-kanyang komunidad.

Kasabay ng magandang balitang ito ay binabati ko po kayong lahat ng isang Maligayang Pasko at ng isang Manigong Bagong Taon!

Sama-sama nating isulong ang isang Progresibong Kinabukasan!

Back to Blog