Media Deserves Recognition

For its ‘tremendous’ role during Ondoy and Pepeng

Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. on Tuesday lauded both print and electronic media for keeping the public informed about the developments on the tragedy brought about by two powerful cyclones that hit the country recently.

The opposition lawmaker said the media played a significant role at the height of ‘Ondoy’ and ‘Pepeng’ while the weather disturbances struck practically the entire island of Luzon and even covered the aftermath and the immediate relief measures.

He extolled media’s role in the recent disaster as “tremendous,” noting that professional journalists put aside their personal interests to help victims and some of them even put their lives on the line just to deliver the news as they unfold.

“We would not have known about the victims of floods and landslides if not because of the media. That’s very clear. That’s why I find it necessary we recognize the tremendous role the media played during the onslaught of Ondoy and Pepeng,” Marcos said, as he revealed his plan to file a resolution honoring the Fourth Estate.

Marcos said the media deserve to be recognized along with other individuals who performed heroic deeds during Ondoy and Pepeng.

“We know that it is the duty of journalists to report on developments and disasters but I think this is the right time for them to know that their efforts and the role they played during the last two typhoons are appreciated.  They were in fact the ones who have made us united,” Marcos said.

Marcos noted that at some point, media personnel were found in the midst of disaster fields extending their help. Some also initiated or joined various fund drives to help the government in the relief and rehabilitation efforts.

The opposition lawmaker also pointed out that there were some members of the Fourth Estate who themselves were victims of the typhoons, particularly Ondoy.

“It’s so disheartening to know that a lot of journalists were also affected by Ondoy and Pepeng and yet they had to fulfill their duties to the society at large,” Marcos said.

Mamamahayag biktima rin ng bagyong Ondoy at Pepeng

BIGYANG PARANGAL ANG MEDIA! – BONGBONG

Mahalaga ang ginampanang papel ng media. Ang pagbibigay impormasyon nito ay malaking tulong sa mamamayang Pilipino. Naipakita nila ito noong nanalasa ang bagyong si Ondoy at si Pepeng.

Ito ang sinabi ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte kaugnay sa isang resolusyong nakatakdang ihain upang bigyang pagkilala ang media lalu na ang mga mamamahayag na gumampan sa kanilang tungkulin sa kabila ng panganib na kanilang sinuong.

Ayon kay Marcos, ang pagbibigay impormasyon ng media sa kalagayan ng mga biktima ng Ondoy at Pepeng ang nagbuklod sa mamamayang Pilipino upang magkaisa at magbigay tulong para sa lahat ng mga nangangailangan.

“Hindi natin malalaman kung ano ang kalagayan ng mga biktima ng baha at landslide kung walang media. Malinaw ‘yon! Kaya sa tingin ko, dapat lang na kilalanin natin ang role na ginampanan ng media noong kasagsagan ng Ondoy at Pepeng,” pahayag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na bagamat ilang indibidwal na itinuturing na mga bayani ng bagyong Ondoy at Pepeng ang nabigyan na ng parangal, napapanahong kilalanin din umano ang mahalagang papel na ginampanan ng media.

“Alam nating tungkulin ng bawat mamamahayag na ihatid sa atin ang mahahalagang pangyayari o balita sa ating bayan, pero sa tingin ko, sa pagkakataong ito, kilalanin natin sila,” paliwanag ni Marcos.

Binigyan diin pa ni Marcos na sa kabila ng pagbibigay ng balita sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng, maraming mamamahayag ang biktima rin ng nasabing bagyo.

“Malungkot, dahil mismong mga journalists ay biktima rin ng Ondoy at Pepeng. Pero kailangang gawin nila ang kanilang tungkulin,” dagdag pa ni Marcos.

Back to Blog